KABANATA XI

1561 Words
Zaina Jhin Tirik na ang araw ngunit hindi parin ako nakakatapos sa paglalaba. Nakakainis kase dahil tinanghali ako ng gising. Ang plano ko sana ay tatapusin ko nag mga assignment ko kagabe upang makapaglaba ako ng maaga, subalit hindi rin nangyari dahil hindi ako nakabangon ng maaga. May pasok si nanay sa pabrika kayat ako lamang ang maglalaba ngayon habang ang kapatid kong sina Faye at Vina ang nag lilinis ng bahay namin. Saglit akong tumigil sa pagbrush ng damit dahil masakit na ang mga kamay ko. Tabla at brush lang kase ang gamit ko dahil wala naman kaming washing machine. Napatingin ako sa mga kamay kong namumula na at bahagyang mahapdi gawa ng matagal na pagkakababad sa sabon. Sanay naman ako sa ganitonng gawain dahil mula pagkabata ay naglalaba na talaga ako, subalit ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay nagsusugat parin ang mga kamay ko. “Ang nanay mo?” Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang isang malaking boses ang narinig ko. Nang mag angat ako ng tingin ay doon ko nakita si tatay na nakatayo sa harap ko. Hindi agad ako nakahuma at nanatiling nakatitig sa kanya habang ang mga kilay niya ay halos magsalubong na. “Ang nanay mo kako!” bulyaw ni tatay kayat napatayo agad ako. “Pumasok po,” wika ko na lalong nagpakunot ng noo niya. “Napakatigas talaga ng ulo nyang nanay mo, sinabi nang tumigil na eh!” gigil na sambit ni tatay kayat napatingin ako sa kanya. “Kunin mo nga to at tatawagan ko yang nanay mo!” bulyaw niya sa akin habang inaabot ang mga dala niya. Noon ko lang napansin na may mga dala pala siyang nakaplastic. Hindi ko napigil na silipin ang mga iyon lalo pat naamoy ko ang masarap na letchong manok. Napangiti ako nang masigurado na letchong manok nga iyon kayat nagmamadali akong pumasok sa bahay namin upang tawagin ang mga kapatid ko. Sakto kase dahil itlog at pansit canton lang ang nailuto ko kanina. “Dumating si tatay, may masarap tayong ulam,” natutuwa kong sambit sa mga kapatid ko na biglang lumiwanag ang mga muka nang sabihin kong may masarap kaming ulam. Masaya ako hindi para sa sarili ko, masaya ako dahil may masarap na kakainin ang mga kapatid ko. Alam kong hindi ganon kaganda ang kasalukuyang relasyon naming mag ama. Aaminin ko rin na may hinanakita kong kinikimkim ngunit hindi ko itatanggi na natutuwa parin ako sa tuwing umuuwe ang tatay ko. Bukod na may masarap na pagkain para sa mga kapatid ko ay ramdam na ramdam ko ang saya nila. Bumibili din naman ang nanay ng pagkain, ngunit syempre ay tipid dahil sa madalang na pag uwe ni tatay, kailangang mag ipon para sa lahat ng bayarin sa bahay gaya ng kuryente, tubig at bahay. Idagdag pa na mas masaya ang mga kapatid ko kapag may tatay at nanay kaming kasama, kayat kahit hindi kami okay ni tatay ay titiisin ko na lamang. May mga pagkakataon naman na hindi siya galit sa akin, at sa mga oras na iyon ay aaminin kong umaasa akong muli ay mararamdaman ko ang pagmamahal mula sa kanya. “Oh sige na, umuwe ka ng maaga ha, wag kana mag ot!” napatingin ako sa pinto matapos marinig ang boses ni tatay. Nakatayo siya doon habang kausap si nanay sa cellphone niya, at nanatiling magkasalubong ang mga kilay. Nang magbaling ito ng tingin ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya kayat agad akong nag iwas ng tingin. Bahagya akong lumayo sa mga kapatid ko na abala sa pagbuklat ng mga dala ni tatay nang lumapit na si tatay sa amin. Nakita ko pa ang mabilis na pagbabago ng awra niya mula sa nakasimangot at galit, bigla ay may matamis na mga ngiti. “May ice cream dyan, sige kainin nyo na bago pa matunaw,” wika niya kayat napatalon ang mga kapatid ko sa tuwa. Agad akong kumilos upang ikuha sila ng mga baso at kutsara upang makain na nila ang ice crea. Ngunit nang pagbalik ko ay nawala ang ngiti ko at palihim na napatingin sa tatay ko saka kila Faye at James. “Oh Faye ito sayo,” wika nya nang abutan ng laruan si Faye. “Ito naman para sa mahal kong anak,” sabi niya pa binubuksan ang laruan para kay James. “Tay yung sa akin?” tanong ni Vina nang makalapit ito. “Eto sayo anak,”nakangiting sagot ni tatay habang inaabot ang isang manika. Nagsandok na ako ng ice cream saka ibinigay sa kanila na abala parin sa pagbubukas ng mga laruan. Hindi na ako nakisali sa kanila dahil kinuha ko si Josh na gising na at malapit nang umiyak. Sinayaw sayaw ko si Josh habang karga at nakatingin kila tatay na nagsasaya. Heto na naman ako, sa magkaparehong sitwasyon, nakatingin sa aking ama at mga kapatid habang sila ay nagsasaya. Alam ko ang aking nararamdaman, selos, na siyang pumipiga sa aking puso. Mali man na ako’y makaramdam ng selos sa aking mga kapatid subalit hindi ko maiwasan sapagkat ang pangyayaring ito ay paulit ulit na lamang na nagaganap. Paulit ulit akong umaasa na makakasali din ako sa pagsasaya nila, na makikita ko din ang mga matatamis na ngiti ni tatay, ngiti na sana ay para sa akin. Kailanman ay hindi ko hinangad na agawan ang mga kapatid ko sapagkat sa kahit anong pagkakataon ay uunahin ko sila bao ang aking sarili. Subalit mali bang hangarin ko din ang maranasan ang pagmamahal ng aking ama? Masyado ba akong sakim kung hahangarin kong hahatian nya ako ng kahit kaunting pagmamahal at pagpapahalaga, hindi iyong puro na lamang sa mga kapatid ko? Tanging ang nais ko lamang naman ay maranasan na tumaya at magsaya kasama sya, maransanang asikasuhin at pahalagahan niya, na maramdaman ko ding mahal niya din ako bilang anak niya. “Oh bakit ka pa nakatayo dyan, kumain kana dito at pakainin mo na rin si Josh,’ Agad akong nagpahid ng luha ng marinig ang boses ni Tatay. Hindi ko namalayan na lumuluha na naman pala ako. Tahimik akong nakiupo sa tabi nila at sinunod ang sinabi niya. Habang kumakain ay hindi ko parin maiwasan na pagmasdan ang aking Ama at mga kapatid. Masakit man para sa akin ang tagpong ito, hindi ko maikakailang natutuwa akonng makitang masaya ang mga kapatid ko kahit ang kapalit ay ang namumuong pagkainggit sa kanila. Hindi ko alam kung paanong natapos ang araw na iyon, subalit masasabi kong isa na naman iyong mabigat na araw para sa akin at maging kay Nanay. Nang makauwe kase si Nanay galing sa trabaho ay nakatanggap agad ito ng sermon mula kay Tatay. Kitang kita ko ang pagtitimpi ni Nanay na wag sabayan ang init ng ulo ng aming ama upang hindi sila mag away subalit gaya ng madalas na nagaganap kapag umuuwe si Tatay, sa huli ay nagtalo din sila. Madaling araw ng ako ay magising buhat sa pagtatalo na naririnig ko mula sa kusina. Dahil sa sala kami natutulog magkakapatid ay rinig ko ang pagtatalo ng aking mga magulang. Nagpanggap ako na tulog ngunit rinig ko ang lahat ng pag uusap nila. “Ang sabi mo kagabi ay wala ka namang trabaho ngayon dahil linggo. Bakit ngayon ay bigla kang aalis? Magsabi ka nga ng totoo Ronie, sino yung nagtext sayo kanina at nagmamadali kang umalis ngayon?” Rinig kong wika ni nanay. Sa tono ng boses nito ay tila nagsisimula na itong magalit ngunit pinipigil parin marahil ay upang hindi sila magtalo ni tatay. “Sinabi ko ng boss ko diba, bakit ba ang kulit mo?” galit namang sagot ni tatay. Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil makikita nilang gising ako at baka lalo lamang makadagdag sa init ng ulo ni tatay. “Boss? Talaga ba Ronie? Kailan pa nagpadala ng sweet message ang boss mo?” galit ng wika ni nanay. Alam kong hindi na nito napigil ang sarili kayat nakapagbitaw nan g salitang magsisimula ng away nila. “Manahimik ka Trina, wag mo akong pinagbibintangan! Ang aga aga binubweset mo ko! Pag sinabi kong aalis ako aalis ako, wag ka ng madaming tanong dyan!” galit na bulyaw ni tatay na kinatahimik ni nanay. “Yung binilin ko sayo ang atupagin mo, magresign kana dyan sa trabaho mo, asikasuhin mo ang mga anak mo hindi iyong puro landi!” “Hindi ako lumalandi Ronie! Kung titigil ako paano ang pagkain ng mga anak mo?” giit ni nanay. “Kung hindi ka titigil sa pagtatrabaho, hindi na ako uuwe dito, bahala na kayo sa buhay nyo!” Iyon ang huling salitang narinig ko mula kay tatay kasunod ng malakas na hampas ng aming pinto. Nang wala na akong narinig na nag uusap ay bumangon na ako sapagkat batid kong wala na si tatay. Nakita ko ang nanay ko na nakaupo sa isang tabi habang lumuluha kayat agad ko itong nilapitan. “Nay,” sambit ko kayat nag angat ito ng tingin. Mabilis niyang pinahid ang luha niya, batid kong ayaw niyang ipakita sa akin g**g pag iyak niya ngunit mas naging mabilis ang kilos ko. Nilapitan ko siya at agad na niyakap, hindi ako nagsalita dahil alam kong hindi makakatulong kay nanay ang kahit anong salitang sasabihin ko. Karamay ang kailangan niya at handa akong maging karamay niya habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD