KABANATA XII

2152 Words
Zaina Jhin Mabilis kong sininop ang mga gamit ko matapos kong magreport. Hindi ko na hinintay ang kaklase ko na susunod sa akin sa pagrereport. Naglakad na ako agad pabalik sa aking upuan dahil may isang lalaki pa akong pagsasabihan. Bahagya kong binagsak ang mga manila paper na ginamit ko pati na rin ang notebook ko sa desk niya. Halos mabitawan niya ang cellphone niya na kanina pa niya pinagkaka abalahan. Nagtaas ito ng tingin sa akin. “Anong problema mo?” takang tanong pa niya. Naupo na ako sa upuan ko na katabi lamang niya saka pasimpleng tinapunan ng masamang tingin ang hanggang ngayon ay gulat paring si….. “Jovann, nakikinig kaba?” Pati ako ay napaangat ang tingin mula sa harapan kahit pa hindi naman ako si Jovann. Kaba ang siyang naramdaman ko ng tumingin pati ang aming guro kay Jovann matapos magtanong ang kaklase namin na kasalukuyang nagrereport. Iyon sana ang sasabihin ko sa lalaking ito dahil kanina ko pa napapansin na hindi siya nakikinig. Ako ang naunang magreport at kitang kita ko kung paano siyang ngumiti ng ngumiti habang abala sa kanyang cellphone. Batid kong hindi siya nakikinig mula pa kanina kayat inis na inis ako. Ako na kaibigan niya ay hindi niya pinakikinggan ang report kayat nakakainis talaga. Sila lang naman ni Jozelle ang tinuring kong kaibigan kayat inaasahan ko sana ang suporta nila. Isa pa ay pansin ko din na napapatingin ang aming guro sa mga kaklase ko na batid kong inaalam kung nakikinig talaga. Strikto pa naman ang guro namin ngayon kayat bilang kaibigan ay hindi ko rin naman gusto na mapagalitan siya lalo at honors student din siya. “Oo naman,” nakangiting sagot niya. Bumalik na sa pagrereport ang kaklase ko kayat nabaling na rin ang atensyon ng lahat lalo na ang aming guro. “Ano ba kase yang ginagawa mo? Kanina kapa, sa report ko pa lang hindi kana nakikinig!” inis na sermon ko sa kanya. Napatingin lang siya sa akin nab akas parin ang pagtataka. Di naglaon ay napangiti lang siya at saka prenteng sumandal sa upuan niya. Ako naman ay nakaderetcho lang ang tingin sa harap at sinisikap na maintindihan parin ang mga sinasabi ng kaklase ko habang patuloy sa kakasermon kay Jovann. “May katext ako, bakit ba?” pa cool lang na sagot nito kayat nag init tuloy ulo ko. “Siraulo ka, may katext ka lang pala. Mas inuna mo pang lumandi kaysa makinig sa report ko,” may himig na pagtatampo sa aking tinig habang sinasabi ko iyon. Nakakatampo talaga dahil ugali naming tatlo nila Jozelle na suportahan ang isat isa. Ngunit tinawan lamang niya ako kayat napalingon tuloy ako. Kita ko ang ngisi niya na kaysarap kutusan ang pagmumuka. Binalik ko na ang tingin sa harap ng pisara. “Parang di kaibigan no,” singit naman ni Jozelle na hindi ko na pinagkaabalahang lingunin dahil baka kami naman ang mapagalitan. “Sa susunod di ko susuportahan yan,” sambit ko. Kita ko ang pag ngiti ng loko loko mula sa sulok ang aking mga mata kahit hindi ko pa siya lingunin. “Wag kayo kabahan hindi naman ako mahuhuli,” bulong niya sa akin nang ilapit niya ang sarili sa akin. “Sige, tingnan ko lang kapag napagalitan ka ni Mam. Panigurado zero ka agad sa quiz niya,” “May quiz ba?” kinakabahang tanong naman ni Jozelle. “Oo kaya makinig kayo,” wika ko na humarap pa kay Jovann upang idiin iyon sa kanya at samaan siya ng tingin. Natawa lang siya saka pasimpleng inilapit ang ulo sa ulo ko. Nanatili kaming nakatingin sa harap at hindi mahahalata na nag uusap kami dahil nakatuon ang mga tingin namin sa nagrereport. “Sorry na, chicks kase to,” wika niya na lalong nagpainis sa akin. Handa siyang mapagalitan para lang sa chicks, babaero talaga. Sa inis ko ay naipadyak ko ang paa ko sa paa niya kayat napaaray siya. Salubong ang kilay kong napatingin sa kanya dahil sa ginawa niyang malakas na pagsigaw. Hindi naman ganon kalakas ang ginawa ko, o marahil ay napalakas nga dahil sa tila nasaktan talaga ang reaksyon ng muka niya. “Mr. Del Fuego, may problema ba?” Pasimple ko siyang pinandilatan saka inabot ang braso niya saka ko inamba ang kurot ko. Subukan nya lang magsumbong. “Wala po mam, naipit lang po ako sa upuan,” sagot niya. Hindi naman na nagtanong pa ang aming guro, ngunit nagbigay agad ito nng quiz kayat naging abala kami sa paghahanda ng papel at mabilisang review. “Ang makakuha ng mababa, siya ang hindi nakinig. Kayat dito ko malalaman kung sino ang mga hindi nakinig. Lalagyan ko pa kayo ng minus sa 2 sa quiz niyo,” sambit ng aming guro kayat napatingin ako kay Jovann na tila namutla habang napapatingin sa akin. “Bahala ka sa buhay mo,” bulong ko, ngunit pilit niyang hinihila ang manggas ng blouse ko. “Zaina, wag ka namang ganyan, salbahe yang teacher natin nay an, patay ako dyan,” “Alam mo naman pala, inuna mo pa landi,” gigil ngunit pabulong kong sambit. Nagsimula na an gaming quiz kayat lahat ay nanahimik na maging kami. Lahat ay sa papel lamang ang tingin at bawal ang lingon lingon kung hindi punit agad ang papel. Nang matapos ang quiz ay ipapasa na sana ngunit biglang may dumating na teacher at kinausap si mam. Nagkaron ako ng pagkakataon na matingnan ang papel ni Jovann, may sagot naman iyon ngunit madami ang wala. Naghihingi ito ng sagot sa mga kaklase namin ngunit dahil takot sa guro namin ay hindi siya matulungan. Mabilis ko siyang hinila saka inabot ang papel ko. Ayaw ko sana siyang kunsintihin ngunit, masama magalit ang guro namin, siguradong patay talaga si Jovann kapag mababa ang nakuha niya. Si Jozelle din ay pinakopya ko ng ilan kanina kaya hindi naman siguro mamasa kung bigyan ko din sya. Hindi tama ang magpakopya lalo at pwede silang mamihasa, ngunit dahil alam ko namang hindi sila ganon lalo si Jovann ay sige na, minsan lang naman. “Bilisan mo,” wika ko habang binabantayan si mam. Nagmadali na siyang magsulat at nang makita kong hindi na siya babagsak ay kinuha ko na ang papel ko. “Hindi na kita tutulungan sa susunod,” wika ko matapos umalis ng guro namin. Tumango siya at saka ngumiti ng matamis. “Salamat Mrs. Del Fuego,” Babatuhin ko sana siya ng notebook ko ngunit mabilis siyang nakatayo at nagmamadaling makalayo sa akin. Dahil recess na ay nagtayuan na rin ang mga kaklase namin kayat hindi nako nakabawi sa pang aasar niya. Lagi na lang niya akong inaasar, kaibigan ko ba talaga ang lokong to? “Hindi kapa nasanay, baliw talaga yang kaibigan natin na yan. Halika magrecess na nga tayo,” wika ni Jozelle kayat tumayo na ako at sumama sa kanya. Bumili lamang kami saka muling bumalik sa room upang doon na lamang kumain sa upuan namin. Biscuit lang ang binili ko upang makatipid, may tubig naman akong baon kayat hindi na ako bumili ng softdrinks or juice. “Penge,” Nagulat man ay wala na akong nagawa sa biglang pagkuha ni Jovann sa biscuit na hawak ko. Napapailing na lamang ako, ganyan ang gawain nyan. Kay daming baon pero trip na trip akong agawan tapos ipapalit ang baon niyang ni hindi man lang nabawasan. “Uy masarap yan ah, penge ha,” wika ni Jozelle na siya na ang nagbukas ng chips delight na bigay ni Jovann. Ganito palagi ang ganap naming tatlo, pagsaluhan ang mga pagkain ng bawat isa. Saglit akong natigilan matapos maalala ang kaparehas na senaryo. Ang mga kaibigan ko sa probinsya na palagi ay kasama ko mag recess. Palagi silang nagbibigay ng mga pagkain samin lalo na tuwing wala akong baon. Si JM na kailanman ay hindi nagdamot sa amin lalo na sa akin. “Ano na naman ginagawa mo dito?” Nabalik ako sa realidad matapos kong marinig ang inis na boses ni Jovann. Una kong nakita ng muka niyang hindi maipinta, sumunod ay ang muka ni Ricky na nakangisi pa. “Dinadalaw si Zaina Jhin,” pacool na sagot nito. “Ang kulet mo, sinabi nang stay away from her, she’s mine— “She’s yours? Really?” nang uuyam na tanong ni Ricky. Napatayo si Jovann kayat napatayo na rin ako. Nagtitigan sila kayat napahawak agad ako sa braso ni Jovann. “Wag mo nang patulan,” bulong ko ngunit agad na napatingin si Ricky sa kamay kong nakahawak sa braso ni Jovann. “Wow ang sweet nyo naman kahit hindi naman talaga kayo,” Kapwa kami nagulat ni Jovann dahil sa sinambit ni Ricky. Nabuking na kaya kami. “Baliw na ata to, kung ano anong sinasabi,” natatawang sambit ni Jovann ngunit ako ay kinakabahan na hindi ko mawari. “Balita ko kase madami ka daw chicks Jovann. Sa katunayan nga nyan kasama ko yung isa,” nakangisi nitong wika kasabay nang pagpasok ng isang babae na may maiksing buhok na hanggang balikat. “Jovann, is it true? You had a girlfriend?” wika nung babae habanng nakatitig kay Jovann. Halos mapigil ko ang aking paghinga ng makita ang babaeng iyon na batid ko ngang isa sa mga kaflirt ni Jovann. Hindi ko magawang tingnan ng deretcho ang babae sapagkat naaawa ako sa nakikita kong lungkot sa mga mata nito. Marahil ay sinabi ni Ricky ang tungkol sa amin kayat iniisip na ngayon ng babaeng iyon na may relasyon nga kami ni Jovann. “Is she?” Agad naman akong napatingin sa babae ng muli itong magwika at ituro ako. Nagulat pa ako ng biglang magbago ang mood nito mula sa maamo ay biglang napalitan ng galit. Nang magsimula itong maglakad palapit sa amin ay lalo akong kinabahan. Hindi ko gustong makipag away lalo at wala ako sa lugar na patulan ang babaeng ito. “Oh Jovann, bakit hindi ka magsalita. She’s asking you, is Zaina Jhin really your girlfriend? Tell her the truth, if so, then who is this girl in your life?” nakangising sabat ni Ricky, nakaramdam ako ng inis dahil sa ginagawa niya. Pati ang babaenng iyon tuloy ay ndadamay dahil sa kabaliwan niya. “I thought ako lang ang nililigawan mo? Why didn’t you tell me that you already had a girlfiend?” pasigaw na tanong nung babae. “First of all, I don’t need to explain to you. Second, hindi kita nililigaw. Tell me, when was the time that I said I was dating you? For as long as I remember, I have never dated anyone except Zaina Jhin,” Napasinghap ako sa winika ni Jovann, hindi ko inaasahan na magiging ganon ang tugon niya. Maging ako ay nagulat sa paraan ng pakikipag usap niya sa babae sapagkat nasanay ako na puro pambobola ang sinasabi niya sa mga nagiging babae niya. “So all this time, this girl was the reason!” gigil na wika nung babae. Nakaramdam ako ng takot ng makita ang galit sa mata nito sapagkat tila anumang oras ay gagawa ito ng hindi maganda. Kaya naman sinikap kong ihanda ang sarili sa kung ano man ang bigla nitong gawin sa akin. “You! How dare you—,” Napaatras ako ng makita ang biglang pagsugod ng babae sa akin, hindi ko inaasahan ang bilis ng kilos niya kayat napapapikit na lamang ako. Ngunit nagawa ko paring iharang ang kamay ko subalit walang mga palad ang dumampi man lang sa akin. Sa halip ay ko si Jovann ang siyang nakita ko na nakaharang sa akin. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkatutop sa aking bibig sapagkat ang sampal na sana ay sakin ay sinalo ni Jovann. Halos lahat kami ay natahimik, maging ang babae ay hindi rin nakapagsalita dahil sa gulat. “Oh my God, I’m so sorry, it’s supposed to be her, I didn’t mean to— “Don’t you dare hurt her!” muli akong napapikit sa lakas ng sigaw ni Jovann, ramdam ko ang galit mula sa kanyang tinig bagay na ikatatakot talaga ng sinumang makakarinig. Nang sulayapan ko ang babae ay umiiyak na ito ngunit wala man lang akong nakitang awa mula sa muka ni Jovann. Wala ng nagtangka pang magsalita ng mga oras na iyon at maging si Ricky ay tila natigilan marahil ay hindi niya inaasahan ang naging kilos ni Jovann. Ang totoo maging ako ay nagulat din, hindi ko inaasahan na pipiliin ni Jovann ang iligtas ako sa kahihiyan kahit pa ang kapalit ay magmuka siyang masama. “To make it clear, walang tayo! Kayat makakaalis kana! Stop messing with us!” wika pa ni Jovann sa babae na lalo lamang nagpaluha dito. Naramdaman ko na lamang ang paghila ni Jovann sa mga kamay ko paalis ngunit.. “Lalo kana!” dagdag na wika nito ng tumapat sa harap ni Ricky na noon ay natulala na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD