Jozelle “Araaaayyyy!” napapangiwing sigaw ni Jovann dahilan upang magtaka ang mga kaklase namin. Ako naman ay natatawa lamang habang pinagmamasdan sila ni Ina. Panay parin ang pag hampas ni Ina sa braso ni Jovann dahil naiinis ito sa kalokohan ng babaero naming kaibigan. “Kailan kaba talaga magtitino ha? Maawa ka naman sa mga babaeng pinapaiyak mo!” gigil na wika ni Ina habang pasimpleng kinukurot sa tagiliran si Jovann. Hindi naman makasigaw ng malakas si Jovann dahil binantaan na siya ni Ina kanina nong sumigaw siya. Kayat kahit nasasaktan sa pag kurot ng strikto naming kaibigan ay wala parin siyang magawa. Habang ako ay nanunuod lamang sa kanilang dalawa na parang aso at pusa kung mag away. Hindi naman talaga away sapagkat mas magandang sabihing isang nanenermon at isang sinesermuna

