Zaina Jhin
“Wow ang ganda naman nito!” Napahinto ako sa paghuhugas ng pinggan nang marinig ko ang kapatid kong si Faye na tuwang tuwa.
Saglit kong pinagmasdan ang mga kapatid ko, kitang kita ko sa mga mukha nila ang saya dahil sa mga laruan at pagkain na nasa harap nila. Sana ganon din ako, sana masaya din ako. Muli kong pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan ng makita ko ang pagtingin ni nanay sa akin. Binilisan ko ang pagtapos sa paghuhugas upang makapasok na sa kwarto.
“Anak,” Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng tawagin niya ako.
Lumingon ako at nakita ko ang nakangiti kong ama. Nakatayo siya habang nakayakap sa kanya ang mga kapatid ko. Linggo ngayon at kakauwe niya lang galing sa trabaho. Tuwing ika dalawang linggo ang pag uwe niya at isang araw lamang siya nagstay dito sa bahay. Mula nang mangyari ang pagsasabi niyang hindi niya ako anak, hindi na kami nagkaroon ng maayos na pag uusap.
“Anak?” Ulit ko sa sinabi niya.
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya marahil ay hindi niya inaasahan na iyon ang lalabas sa bibig ko.
“Anak may ibibigay ang Tatay mo sayo.” Singit ni nanay dahilan upang mapakunot ang noo ko.
Nakangiting lumapit sa akin si Tatay, saka inabot ang isang kahon. Hindi ko iyon kinuha sa halip ay tiningnan ko lamang sila. Pareho nilang napansin ang akinng ginawa kayat si tatay na ang nagbukas ng kahong hawak niya. Tahimik lamang ako habang nakangiti parin siya. Mula doon ay nakita ko ang isang bagong cellphone. Nagulat ako at napatitig sa kanila.
“Para sayo ito anak, high school kana magagamit mo to para ma-contact ka namin,” ngiting ngiti na sambit ni tatay.
Nanatili akong nakatingin sa kanila at bahagyang natawa na siyang pinagtaka nila.
“Anak? Ako po ba ang sinasabihan mong anak?” tanong ko na nagpatahimik sa kanila. Kinuha ko ang cellphone na binibigay ni Tatay saka ako mahinang tumawa.
“Hindi ko po kailangan ng cellphone, ibenta nyo na lang po iyan at ibayad sa upa ng bahay natin,” sambit ko saka ko inabot muli sa tatay ko ang cellphone, akmang tatalikod na ako nang magsalita si Nanay.
“Ina, pinag ipunan ng tatay mo ito para sayo, may pangbayad tayo sa bahay. Anak tanggapin mo na para na din mapanatag ako pag nasa school ka madali ka namin matatawagan,” wika ng nanay ko na kinapikit ko ng madiin.
“Ina, pasensya kana anak, hindi ko iyon sinasadya,” sambit ng tatay ko na dahilan upang mapalingon ako paharap sa kanila.
“Ang alin po? Yung hindi niyo ako anak, Tatay?” madiin kong sambit na kinayuko niya.
Mali ang ginagawa ko ngunit hindi ko parin maiwasang hindi masaktan sa tuwing naaalala ko iyon. Hindi ko na sila hinintay at pumasok na ako sa kwarto saka ko iyon sinara.
Pagkasara ko ng pinto ay malaya na namang umagos ang mga luha ko. Masakit para sa akin ang maging ganito kami, pero ano ba ang dapat kong gawin? Pakiramdam ko ay hindi ko kayang basta na lamang tanggapin ang lahat, hindi biro ang sabihan kang hindi ka anak ng taong mahal mo.
Nang sumapit ang gabi ay agad akong natulog dahil simula na ng pasukan kinabukasan. Pinagpapasalamat ko na hindi na nila ako kinulit at hinayaang magpahinga ng maaga.
Nang sumapit ang umaga ay agad akong kumilos at naghanda na sa pagpasok. Nang masigurado ko na handa na ako ay agad akong umalis upang pumasok. Nakasakay na ako sa tricycle nang bigla ay may marinig akong tunog mula sa bag ko. Gulat man ay agad ko iyong binuksan, doon ay nakita ko ang cellphone na binibigay sa akin.
“Anak pasensya kana, sana ay tanggapin mo ito,” mensahe mula kay tatay.
Napabuntong hininga na lamang ako at muling inilagay sa bag ko ang cellphone. Itiningin ko sa labas ng tricycle ang paningin ko, saka malalim na nag isip. Natatakot akong muling umasa sa pagmamahal na walang kasiguraduhan kung ibibigay sa sakin.
Nang makarating ako sa school naming ay tulala parin ako at nag iisip. Hindi ko napansin ang pagdating ng mga studyante na nagsisitakbuhan kayat nabangga ako at napaupo.
“Ate okay ka lang?” Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa harap ko.
Inabot niya ang kamay ko at tinulungan akong makatayo. Pinagpag ko ang palda at bag ko matapos kong makatayo. Nang tingnan ko siya ay nakangiti ito sa akin at parang kay bait bait niya. Kasing tangkad ko lamang siya at may kayumangging kulay. Maganda rin ang mga mata niya na medyo may kalakihan.
“Salamat,” sambit ko saka siya nginitian.
“Wala yon, okay ka lang ba?” tanong niyang muli.
“Oo salamat ha,”nahihiya kong sagot dahil naalala ko kung bakit ako nabangga ay dahil sa pagkakatulala ko.
“Your welcome, ako nga pala si Jozelle Domingo, first year student,” nakangiti niyang wika habang nakalahad ang kamay.
“Zaina Jhin Cruz, first year din,” nakangiti kong sagot saka ko inabot ang kamay niya.
“Ang ganda ng pangalan mo, masaya kong makilala ka,” sambit niya habang naglalakad na kaming muli papasok sa school.
“Ako din masaya nagkakilala tayo, sana maging magkaibigan tayo Jozelle,” nahihiya kong wika sa kanya.
“Oo naman no, mula ngayon mag kaibigan na tayo ha,” tuwang tuwa niyang sambit saka pa hinawakan ang kamay ko at hinila na ako para tumakbo.
Natatawa akong sumunod sa kanya. Mabait siya at magaan ang loob ko sa kanya. Natutuwa ako na may bago na akong kaibigan, naalala ko si Rossy sa kanya. Kumusta na kaya ang bestfriend ko?
Matapos ang flag ceremony ay panandaliang naiwan kaming mga first year student sa school ground. Sinabihan kami ng ilang paalala bago kami pinapasok sa mga room namin. Saglit lamang naman iyon at nakaalis narin kaming lahat. Kanina ay napag alaman namin ni Jozelle na pareho kaming nasa section 1 kayat masayang masaya kami dahil magkasama kami.
Pagdating sa room ay agad na kaming inayos ng guro naming para sa seating arrangement. Alpabetical ang naging ayos kayat hindi kami nagkalayo ni Jozelle. May isang studyante lamang ang nalagay sa gitna namin ngunit ayos lang magkalapit parin naman kami.
“Zaina, huy Zaina.” Napalingon ako nang tawagin ako ni Jozelle. Bahagya itong lumapit ngunit dahil may nakaupo sa gitna namin ay kinakailangan pa naming bahagyang yumuko upang magkausap.
“Bakit?” tanong ko na medyo hininaan ang boses sapagkat nahihiya ako sa lalaking nasa gitna ng upuan namin. Nakadukdok ito sa armchair niya at tila natutulog.
“Sabay na tayo umuwe mamaya ha,” wika niya na kinatawa ko, kakapasok pa lang ay uwian na agad ang nasa isip.
“Oo sige,” bulong ko.
Nagulat ako nang biglang umayos mula sa pagkakaupo ang kanina lamang ay nakadukdok na lalaki. Humarap ito kay Jozella na pareho naming kinagulat, subalit hindi naman ito nagsalita at pagkatapos ay sa akin naman humarap. Blanko ang muka nito at g**o g**o ang buhok.
“Zaina right?” blanko parin niyang tanong na kinatango ko lamang.
“Do you want to exchange seat with me?” deretcho sa mata niyang tanong sa akin.
“Ha?” tanging naisagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pagngiti niya ng bahagya subalit mabilis lamang iyong nawala. Pakiramdam ko nga ay hindi iyon ngiti kundi ngisi, nahiya tuloy ako sa nasabi ko.
“Ang ingay nyo kanina pa, so I'm asking you if you want to exchange seat with me para kayo na ang magkatabi,” wika niya na sa akin parin nakatingin.
“Baka mapagalitan tayo,” sagot ko na inilingan niya.
“Ako na bahala, just answer if you want,” wika niya sa akin, agad ko namang tiningnan si Jozelle na agad tumango ng sunod sunod.
“Okay,” sagot ko.
Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa aming guro na kasalukuyan pa ring nag aayos ng mga studyante. Saglit niya itong kinausap at kinabahan ako ng makita itong papalapit sa amin. Tiningnan ko ang classmate naming lalaki na wala man lang reaksyon.
“Zaina Jhin, may ashma ka pala bakit hindi mo sinabi. Sige magpalit na kayo ng upuan ni Jovann. Ikaw na sa gitna, o mas okay siguro kung doon ka na sa malapit sa bintana,” Nagulat na lamang ako sa mga pinagsasabi ng guro namin.
“Hindi na po, okay na po ako sa gitna,” sagot ko na tinanguan ni Ma'am.
Umalis na din ito saka kami nagpalit ni Jovann, iyon pala ang pangalan niya. Matapos niyang maupo sa upuan niya ay naupo narin ako sa gitna at katabi na si Jozelle na tuwang tuwa naman.
“Bakit mo sinabing may ashma ako?” bigla kong naitangong dahil hindi ko talaga maisip bakit iyon ang sinabi niya. Tumingin ito sa akin ng matagal bago nagsalita kayat nagkaron ako ng pagkakataon para mapagmasdan siya.
“Wala lang, iyon lumabas sa bibig ko eh,” sagot niya na nagpalaglag sa panga ko. Pano pala kung hindi pumayag si Ma'am, napailing na lamang ako dahil sa lalaking ito.
Muli siyang dumukdok ngunit paharap sa akin saka pumikit. Kitang kita ko tuloy ang muka niya. Maputi siya at may katangkataran, singkit din ang mata niya na parang sa akin. Saglit ko pa siyang tiningnan sapagkat pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya.
Nang magsimula ang klase namin ay natutuwa ako sapagkat mabilis akong nakasunod. Hindi na rin ako nahiyang makipagparticipate sa klase dahil namissed ko talaga ang school. First day of school palang pero ang dami na naming ginawa bagay na nagpapasaya sa akin. Nakakapagod pero nakakabalik ng gana mag aral. Goal ko ngayon ang maging top 1 sa klase upang muling makabangon. Kailangan kong pagbutihang muli ang pag aaral ko.
Maayos namang natapos ang unang araw ng klase namin. Gaya ng napag usapan ay sabay kaming umuwe ni Jozelle, isang way lang naman ang daan naming pauwe mauuna lamang akong bumaba sa kanya.
Naging maayos ang mga sumunod na araw ko sa school. Isang lingo na ang lumipas at naging mas close kami ni Jozelle. Marami kaming napagkakasunduan sa mga bagay bagay. May ilang mga kilala na din kami sa mga kaklase naming pero palaging kami ni Jozelle ang magkasama. Si Jovann ay palagi parin natutulog pero nakakatuwa na may taglay din pala siyang talino. Tahimik lang siya palagi at may pagkasuplado.
Ako naman ay unti unting nakikilala sa room namin dahil pinagbubuti ko ang pag aaral ko. Hindi na ako naging sikat di gaya noong sa elementary dahil sobrang dami ng studyante dito. Saka hindi naman iyon mahalaga sa akin, dahil gusto ko lang naman makakuha ng mataas na marka para sa scholarship.
Isang araw ay abala ako sa pag gawa ng assignment ko ng marinig ko ang pagtatalo ng mga magulang ko. Kahapon araw ng sabado ay umuwe si Tatay at gaya ng dati hindi parin kami okay. Nag uusap kami pero hindi ko na magawang ilapit ang loob ko sa kanya.
“Bakit ako hihinto, alam mo namang malaking tulong sa atin na pareho tayong nagtatrabaho,” inis na sambit ni nanay. Narinig ko ang pagmumura ni tatay na kinainis ko. Nilingon ko ang mga kapatid kong naglalaro. Buti na lamang ay narito kami sa kwartong magkakapatid. Tumayo ako upang isara ang pinto ngunit hindi ko iyon naituloy dahil sa sinabi ni tatay.
“Bakit may lalaki kaba don kaya ayaw mong huminto?” galit na galit nitong wika.
“Pinagsasabi mo? Ronie, nagtatrabaho ako, hindi ako naglalandi!”galit na sagot ng nanay ko.
Sa inis ko ay sinara ko ang pinto ng malakas upang marinig nila. Naiinis ako sa sinabi ng Tatay ko, si Nanay pa talaga ang pagsasabihan niya ng ganon samantalang siya ang palaging gumawa ng kalokohan sa trabaho.
Kinuha ko ang cellphone ko sapagkat nais kong makausap si JM. Ngunit napahinto ako nang maalalang hindi ko nga pala alam ang number niya. Wala din akong pwedeng mapagkuhanan ng number niya doon. Napabuntong hininga na lamang ako, may cellphone nga ako hindi ko naman magamit para makausap ang taong gusto kong marinig ang boses sa mga ganitong pagkakataon.
Dinampot ko ang papel at ballpen ko saka ako nagsulat mula doon.
Jude Maikko,
Nag aaway na naman sila. Naiinis ako sa Tatay ko, ang galing galing magbintang samantala siya naman ang gumagawa. Hindi ko alam kung bakit palagi na lamang nagpapakatanga si Nanay. Sana lahat ng lalaki kagaya mo, mabait at may respeto sa babae. Sana huwag na huwag kang gagaya sa Tatay kong babaero. Missed na missed na kita JM.