Zaina Jhin
Mabilis lamang na lumipas ang mga araw at halos mag isang buwan na simula noong pasukan. Naging tuloy tuloy ang magandang performance ko sa school na kinatutuwa ng mga guro ko. Nakilala ko na din ang kalaban ko sa pagiging top 1, siya si Reighn. Mahusay din siya at hindi basta bastang kalaban. Mabait naman siya at naging maayos naman ang lahat sa amin kahit pa magkalaban kami.
“Very good,” sambit ng guro namin sa math ng matapos akong magsagot sa blackboard.
Nagpalakpakan ang mga kamag aral ko sa pangunguna ng kaibigan kong si Jozelle.
“Zaina Jhin, isa ka sa magaling sa mathematics dito. I want you to prepare for the mathematics contest to be held next month together with Reighn and Jovann,” nakangiting sambit ni Ma'am.
Kapwa kami nagulat ni Reighn at nagkatinginan. Saya ang naramdaman ko dahil makakasali muli ako sa contest. Sabay pa kaming nagkangitian ni Reighn na alam kong masaya din dahil ang sarap sa feeling na mapili ka para sa isang contest at magrerepresent para sa school.
Nagbilin pa saglit ang guro naming bago ito umalis. Lunch na ang sunod kaya nag kaingay na ang mga kaklase ko. Nilapitan ako ni Reighn habang nakangiti ng matamis.
“Congrats sa atin Zaina Jhin,” masayang sambit niya.
“Oo congrats sa atin,” nakangiti kong sagot.
“Ang plastic.” Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalitang si Jovann na ngayon ay nakatitig kay Reighn. Nang tingnan ko si Reighn ay bigla itong namula at nagyuko ng ulo. May gusto ba siya kay Jovann bakit bigla siyang nahiya.
“Magkakompetensya kayo pero ang bait bait nyo sa isat isa. That’s not normal,” Nainis ako sa sinabi niyang iyon kaya hindi ako nakapagpigil ay sumabat na ako.
“Hindi ako nakikipagplastikan Jovann, totoo ang pinapakita ko kay Reighn, magkalaban man kami pero hindi naman namin kailangang maging magkaaway,” inis kong sambit.
Tumingin sa akin si Jovann saglit saka ngumisi na siyang pinagtaka ko. Saglit lamang iyon saka bumalik ang tingin kay Reighn. Tumayo siya at lumapit kay Reighn na dahilan upang mag taas ito ng tingin.
“She’s too kind, wag mong samantalahin iyon,” sambit niya na lalo kong kinagulat.
Hindi nakapagsalita si Reighn at lalo itong pinagpawisan matapos sambitin iyon ni Jovann. Agad namang umalis si Jovann pagkasabi non at naiwan kaming dalawa ni Reighn. Hindi makatingin sa akin si Reighn na pinagtataka ko. Nakayuko itong umalis at wala akong nagawa kundi sundan na lamang ng tingin. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Jovann kay Reighn. Nakaramdam ako ng lungkot, hindi ba totoong pakikipagkaibigan ang pinapakita niya.
Simula ng araw na iyon ay biglang nagbago si Reighn. Hindi na niya ako nginingitian pero hindi rin naman niya ako sinusungitan. Palagi siyang nakayuko kapag nagkakasalubong kami na tila nahihiya. Naging mag kalaban parin kami sa pag aaral at ramdam kong mahusay din talaga siya. Kapag nagrereview kami para sa contest ay palagi lamang siyang tahimik. Si Jovann naman ay nakakapagtakang madalas na akong kausapin yun nga lang ay may pagkasuplado talaga.
“s**t ayan na naman siya,” sa inis ko ay nasambit ko bagay na kinatingin sa akin ni Jozelle. Tinuro ko ang nakangiting lalaki na papalapit sa amin. Napangiwi naman si Jozelle dahil sa nakita.
“Hi Zaina Jhin,” sambit ng ngiting ngiting si Ricky.
Siya ay first year student sa section 3 na ilang lingo nang nangungulit sa akin. Nakilala ko siya sa may canteen isang araw. Bigla na lamang niya akong nilapitan at sinabing pwede ba manligaw. Sinabihan ko na siya na hindi pwede dahil wala pa sa isip ko ang magpaligaw pero araw araw parin siyang nangungulit. Hindi naman siya pangit kaso lamang ay naiinis ako sa kanya dahil ang yabang yabang at feeling gwapo.Well yes may itchura siya, maputi din pero hindi ko siya type. Ayaw ko sa mga lalaking mahahangin at isa pa si JM lang ang laman ng puso ko.
“Ano na naman ginawa mo dito Ricky?” inis kong tanong.
Ngumiti lang siya at naupo pa talaga sa tabi ko. Naiinis ako dahil wala si Jovann nakaupo tuloy itong mokong na ito. Nasaan ba kase ang lalaking iyon?
“Namissed kita eh kaya pinuntahan agad kita vacant naman namin,” nakangiti parin niyang sambit na lalo kong kinasimangot.
“Ricky tigilan mo na nga si Zaina Jhin, hindi mo ba nakikita naiinis na siya,” singit ni Jozelle na naiinis narin.
Hindi siya pinansin nito at nginisihan lang.
“Baka naman may gusto ko sa akin kaya ayaw mong lapitan ko si Zaina Jhin,” mayabang na wika nito. Lalong nainis is Jozelle pero pinakalma ko nalang.
“Ang ganda mo talaga Zaina Jhin, kaya gustong gusto kitang nakikita,” ngiting ngiting sambit nito na lalo pang nilalapit ang muka sa akin.
Napapaatras ang ulo ko dahil sa ginagawa niya subalit dahil nakaupo ako ay sobrang lapit na niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may librong humarang sa muka namin. Napalayo si Ricky at agad kaming napatingin sa gumawa noon, naroon si Jovann at nakacross arms pa.
"Hindi niya gustong makita ang pagmumuka mo,” sambit nito sabay hila sa kamay ni Ricky at s*******n itong pinatayo. Dahil sa gulat ay walang nagawa si Ricky at napaalis ito sa upuan. Inis itong tumingin kay Jovann na agad naman nitong sinalubong ng tingin. Gaya ng dati ay blanko lamang ang ekspresyon nito.
“What the hell! Bakit nangingialam ka?” galit na sambit ni Ricky.
Nilapitan siya ni Jovann at saka pinakatitigan.
“First, this sit is mine,” wika nito sabay turo sa upuang inupuan ni Ricky.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong hilahin at itabi sa kanya. Inakbayan niya ako at saka muling tumingin kay Ricky.
“Second, this girl is also mine,” Napasinghap ako dahil sa sinabi niya lalo na nang makuha namin ang atensyon ng mga kaklase namin.
“What do you mean your mine?” Naguguluhang tanong ni Ricky na nagpalipat lipat ang tingin sa amin. Kahit naman ako ay naguguluhan.
“Engot din to, Zaina Jhin is my girlfriend so back off,” matigas na sambit ni Jovann na nagpalaglag ng panga naming lahat.
Masama ang tinging ipinikol ni Ricky kay Jovann bago ito umalis. Agad na naupo si Jovann sa upuan niya saka binuksana ang kanyang libro.
"Everyone mind your own business!” sigaw niya na nagpatakot sa mga kaklase namin at hindi na kami tinanong tungkol sa dramang naganap kanina lang.
Nang makaupo ako ay panay ang kulit ni Jozelle sa akin pero wala naman akong maisagot sa kanya dahil hindi ko rin alam bakit ginawa iyon ni Jovann.
“Jovann,” tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na kunot ang noo.
“Bakit?”
“Bakit mo ginawa iyon?” tanong ko sa kanya ngunit tinitigan lamang ako.
“To save you, hindi ka bagay sa engot na yun,” sagot niya na nagpangiti sa akin.
“Thank you,” sambit ko.
Isinara niya ang librong hawak saka ako muling tiningnan.
“May utang ka sa akin, bibigyan mo ako ng lunch mamaya,” nakangiti niyang sambit bagay na kinagulat ko.
Minsan lamang kung ngumiti si Jovann, yung ngiting hindi nang aasar. Napangiti narin ako ngunit nang maalala ko ang ulam ko ay bigla akong nahiya.
“Kaso corned beef lang na may patatas ang ulam ko eh,” nahihiya kong sambit na kinatawa lamang niya, lalo tuloy akong nahiya.
“Anong masama sa corned beef? Masarap iyon at paborito ko,” nakangiti niyang sambit na siyang nagpaliwanag sa mukha ko.
Totoo bang ang isang Jovann Del Fuego ay kumakain ng corned beef? Ang pagkaka-alam ko ay may kaya ang pamilya nila kaya hindi ko maiwasang magduda na kumakain siya ng ganon.
Dumating na ang guro namin para sa next subject kayat natigil na kami sa pag uusap. Nagulat ako nang sundutin ni Jozelle ang tagiliran ko at ngitian ako ng pang aasar. Nilakihan ko siya ng mata na tinawanan naman niya. Saglit ko pang sinulyapan si Jovann,may kabaitan din siyang taglay. Misteryoso siya minsan pero hindi maikakailang mabuti rin siyang tao, just like JM.
Nang sumunod na mga araw ay nagpatuloy ang pag rereview namin para sa mathematics contest. Two days na lang ay contest na kayat narito kami ngayon sa isang vacant room na pinagamit sa amin upang magreview. Lahat ng mga kasali sa contest ay narito at nagrereview.
“Reighn, hindi ko alam kung anong nangyare sa atin, pero don’t worry hindi kita pipiliting magsabi sa akin. Isa lang sana ang hiling ko, let’s help each other, i-set aside na muna natin ang kung anomang hindi pagkakaunawaan,” hiling ko kay Reighn nang kami na lamang ang magkasama.
Napatingin siya sa akin at ngumiti bagay na nagpangiti sa akin.
“Ang bait mo Zaina Jhin, ang totoo ay nahihiya ako sayo,” wika niya na pinagtaka ako.
“Totoo ang sinabi ni Jovann noon, hindi ko alam kung paano niya nalaman pero totoong noong una ay pinaplastic lamang kita. Karibal kita at naisip kong kaibiganin ka para makuha ang loob mo at matalo kita,” wika niya na nagpagulat sa akin ng labis, hindi ko naisip na pagpapanggap lang ang kabaitang pinakita niya noon sa akin.
“Sorry talaga, nagising ako sa kagagahan ko ng barahin ako ni Jovann, tama naman siya mabait ka. Promise simula ngayon totoo na lahat ito, kung ikaw man ang maging top1 tatanggapin ko ng maluwag iyon,” nakangiti niyang wika na nagpangiti na rin sa akin.
Nang magyakap kami ay ramdam kong totoo na iyon. Nang dumating si Jovann ay natuwa din ito sa nalamang pagkaka ayos namin ni Reighn. Masaya kaming nagpatuloy sa pag rereview at ang goal namin ay manalo para sa school namin.
“Here drink this,” napataas ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Jovann.
Kasalukuyan akong nakadukdok sa table kung saan kami nagrereview. Dahil ilang oras kaming nag review ng derederetcho ay nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo. Tiningnan ko ang inaabot sa akin ni Jovann, hawak niya ang isang gamot at bottled water.
“Salamat,” wika ko saka ko iyon kinuha at ininom na.
Naupo ito sa tabi ko at sinalat ang noo ko bagay na kinagulat ko.
“Akala ko umuwe kana, bakit nandito ka pa,” tanong ko ng hindi parin siya umaalis. Nag uwian na kase ang mga kasama naming at ilan na lamang ang naiwan. Uuwe na rin dapat ako kaso lamang ay sumakit bigla ang ulo ko.
“Sabi ni Reighn masakit daw ulo mo, saka pinauna mo umuwe si Jozelle sino kasama mo nyan?” tanong niya na inilingan ko lang.
“Ihahatid na kita, okay lang ba sayo na sumakay sa motor?”
Napaisip ako sa tanong niya, wala naman siguro masama kung pumayag na ko, bukod sa mapapadali ang pag uwe ko ay makakatipid pa ako. Nang tumango ako ay tumayo na siya at inalalayan ako palabas ng silid. Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa bahay. Ilang minuto na siyang nakaalis subalit hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang maalala si JM sa mga ginagawa ni Jovann. Nasanay akong si JM ang madalas gumawa ng pag aasikaso at paghahatid sa akin. Lalo ko tuloy siyang namimissed.
Nang makauwe ako sa bahay ay inabutan ko si tatay na mag isang umiinom sa bahay. Nagtaka ako dahil napaaga ang uwe niya ngayon.
“Umiinom na naman ho kayo, mamaya aawayin mo na naman si nanay,” inis kong sambit sa tatay ko.
“Pwede ba Ina, wag kang makialam sa gusto ko,” inis ding sagot nito saka tinungga ang alak na nasa baso niya.
Nilinga ko sila nanay subalit wala ang mga ito sa bahay.
“Huwag po makialam? Buti sana kung pagkatapos nyo ho uminom ay matutulog ka nalang. Hindi iyong si Nanay na naman ang pagbubuhatan mo ng kamay!” inis kong sambit.
Nagtaas ito ng tingin at masama akong tinitigan. Nakaramdam ako ng takot dahil masama magalit si tatay subalit nanaig sa akin ang awa para kay nanay. Lalong lumala ang pag iinom ni tatay noong namatay si Inang at hindi ko maintindihan kung bakit sa amin ni nanay mainit ang dugo niya.
“Alam mo ikaw bata ka, napipikon na ko sa ugali mo ha! Ang arte arte mo eh anak lang naman kita. Ay mali, hindi nga pala kita anak,” sambit niya saka tumayo at iniwan ako.
Agad na tumulo ang luha sa mga mata ko, ngunit agad ko iyong pinahid at humarap sa tatay ko.
“Anak nyo po ako! Bakit ba Tay palagi mong sinasabi iyan?” lumuluhang tanong ko na nginisihan lang niya.
“Bakit hindi mo itanong sa Nanay mong malandi!” sigaw niya sa pagmumuka ko.
Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Patuloy na dumaloy ang luha ko at ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi ni tatay na tumarak na naman sa puso ko. Nagulat ako ng sumigaw ito.
“Malas ka sa buhay ko! Hindi kita anak!” sigaw niyang tuluyang nagpahina sa mga tuhod ko.
Sakto naman ang pagdating ni Nanay na tila nagmamadali sapagkat hinihingal pa ito.
“Anak, nag talo na naman ba kayo?” nag aalalang tanong ni nanay.
Nilingon ko siya na hilam na sa luha ang mga mata ko. Napatigil si nanay at malungkot na napatingin sa mga mata ko. Sa sama ng loob ko ay agad akong tumakbo palabas ng bahay. Tinawag pa ako ni nanay subalit hindi ko siya pinansin. Tumakbo lamang ako ng tumakbo na panay ang tulo ng luha ko. Nang mapagod, ay naupo ako sa gilid ng kalsada at walang pakialam sa mga nakakakita, nilabas ko ang lahat ng luha ko.
“Inang,” bulong ko habang umiiyak. Bigla ay bumuhos ang malakas na ulan na siyang sumabay sa mga luha ko.
Kapag ganitong umuulan ay naalala ko ang pag sundo noon sa akin ni inang dahilan upang magkasakit siya. Naiinis ako sa sarili ko, kasalanan ko bakit siya namatay. Wala na akong kakampi ngayon, wala na si inang wala na din si JM na siyang nagpapalakas ng loob ko. Ano bang kasalanan ko at nangyayare ito sa buhay ko. Bakit lahat ng mahal ko ay nawawala sa akin. Si inang na siyang nagparamdam at nagpuno ng pagmamahal na inaasam ko mula sa aking ama. Si JM na siyang palaging nasa tabi ko lalo na sa oras na kailangan ko ng karamay. Gusto ko sanang makita silang dalawa, magsumbong kay inang, mayakap si JM at kumuha ng lakas sa kanya.
“JM,” bulong ko, habang yakap ang mga tuhod ko. Lalong bumuhos ang ulan na tila ayaw tumigil gaya ng luha ko.