Mag isang binabaybay ni Ina ang daan patungo sa bahay ng kanyang kaibigan na si Jozelle upang manghiram ng notes. Wala siyang perang pamasahe kayat nagtatyaga siya sa paglalakad kahit medyo may kalayuan ang bahay ng kaibigan. Habang naglalakad ay hindi matahimik ang isip ni Ina. Namomroblema siya dahil nais niyang matulungan ang kanyang nanay kahit sa maliit na halaga lamang. Ngunit kanina pa siya nag iisip ay hindi siya makapag isip ng dahilan. Bata pa siya at wala namang tatanggap ng trabaho sa kanya. “Mani?” sambit niya nang mapadaan siya sa tindahan ng ibat ibang kukutin. Lumapit pa si Ina at pinagmasdan ang maraming maning naroon sa estante. May maning may balat at wala, may mani ding nakabalot sa asukala may mga dilis din, kasoy at marami pang iba. Agad na napangiti si Ina nang i

