Zaina Jhin Halos trenta minuto mahigit na ata akong nakaupo sa malamig na sementong lapag dito sa aming maliit na apartment. Wala kaming upuan kayat itong semento ng sala namin ang siyang nagsisilbing aming kainan, tulugan at upuan narin. Muli akong sumulyap sa aming bintana upang tingnan ang labas. Madilim na pala kailangan ko nang makabili ng mga kakailanganin ko para sa project namin bukas. Ngunit hindi ko alam kung may pera akong ipangbibili. Kanina pa ako humahanap ng tyempo upang magtanong kay nanay kahit sana magkano lang. Subalit kanina pa rin abala si nanay at tila balisa habang panay ang tipa sa kanyang cellphone. Hindi ko alam kung sino o may kausap ba siya ngunit halos hindi na maipinta ang kanyang muka kanina pa lang. “Nay,” Naglakas na ako ng loob na tawagin siya, upang m

