Zaina Jhin “Mamang may rugby po ba kayo?” magalang na tanong ko sa Mamang ko. Pagkababa ko pa lamang sa tricycle ay dumaan na agad ako sa lola ko upang magtanong ng pandikit sa sapatos ko. Kailangan maayos ang sapatos ko upang makapasok ako muli bukas. Napatingin ang mamang sa sapatos ko na tadtad ng sanrio. Nakaramdam ako ng hiya kayat bahagya kong tinago ang paa ko sa upuan nila. Napahugot ng buntong hininga ang mamang saka muling tumingin sa sakin. “Sandali may kukunin ako sa kwarto,” sagot nito saka agad na umalis. Naupo na muna ako sa upuan nila habang naghihintay sa mamang. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ito at may dalang isang bag. Nang buksan niya iyon ay lumabas ang mga sapatos na luma, rubber shoes, sandals at black shoes. “Heto mga sapatos ni Athena, hindi na niya ito

