Zaina Jhin Araw ng sabado, nalalapit na ang linggo ngunit hindi parin umuuwe si Tatay. Nag uunti unti na si Nanay sa pagliligpit ng aming gamit at tuwing hapon ay dinadala na namin sa bahay ng tita ko. Kanina lamang ay galing na naman ang may ari ng apartment namin at sapilitang kinuha ang luma naming tv at speaker ni tatay. Kinakabahan pa si nanay dahil siguradong magagalit si tatay kapag nalaman na kinuha ang speaker niya. Ngunit wala naman kase kaming magagawa dahil wala naman kaming ibang gamit para ipangbayad sa bayarin sa bahay. May kulang pa nga daw kami at babalikan pa daw si nanay upang singilin. “Hello Ronie, buti naman tumawag kana!” maiyak iyak na sambit ni nanay. Paalis na sana ako upang pumasok ngunit dahil sa narinig ko si tatay ay maya maya na lamang kami papasok. “Jusko

