Zaina Jhin “Sabi ko sayo dudz, hindi siya darating,” nakangiti kong wika sa kaibigan kong si Jozelle. “Dudz sorry,” malungkot na wika ni Jozelle saka bahagyang piniga ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya saka nagsimula nang ihakbang ang mga paa ko papunta sa hagdan ng stage kung saan naghihintay ang mga estudyanteng pinaparangalan. Alam ko sa sarili kong hindi siya darating, ngunit dahil sa kakapilit ni Jozelle ay pinagbigyan ko siya na itext ang tatay ko upang ipaalam na ako ang naguna sa aming klase, kahit pa alam kong malabo na pansinin iyon ng aking ama. Mula noon ay hindi naman na talaga nagpupunta ang tatay ko sa tuwing recognition ko kayat nasanay na ako. Taon taon ay nasasaktan ako kayat dapat ay sanay na ako. Oo nga sanay na ako, dapat. Ngunit bakit ganito, bakit may kirot sa di

