Jozelle “Bakit ka nga umiyak?” tanong ko kay Zaina pagkaupo pa lamang namin sa aming upuan. Kanina ko pa kase napapansin mula pa lamang nung nasa tricycle kami na tahimik siya. Idagdag pa ang pamamaga ng mata niya na halata mong galing sa pag iyak. Ayaw ko sana siyang kulitin ngunit hindi talaga ako matahimik dahil kay aga aga na namamaga ang mga mata niya. “Wala ito, nakagat lang ng ipis,” sagot niya na kinaikot ng mga mata ko. Hinarap ko siya bagay na kinagulat pa niya dahil hindi na niya naitago ang mga mata niyang pilit niyang iniiwas sa akin. “Hindi ka magaling magsinungaling Zaina Jhin, kaya magkwento kana sa akin. Ano pa’t naging magkaibigan tayo kung hindi ka magashare ng problema mo. Malay mo may maitulong ako, basta wag lang pera,” wika ko saka dinaan sa pagbibiro upang maging

