Zaina Jhin “Tay, ang sarap nito, sa susunod na uwe mo bili ka ulit ah,” Habang naglalakad palapit sa aming bahay ay rinig ko na ang masayang boses ni Vina. “Si tatay umuwe na!” masayang sambit ni Faye saka ito mabilis na tumakbo papunta sa aming pintuan. Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang masayang nag huhubad ng sapatos sa tapat n gaming pinuntaan. Siguradong madami na namang dala ang tatay, matutuwa na naman ang mga kapatid ko. Ang tagal naming hinintay na umuwe si tatay dahil inabot ng halos tatlong linggo din noong huling uwe niya na dapat ay isang linggo lamang dahil lingguhan naman ang uwe niya talaga. “Tay wala kaming laruan?” Napatingin ako sa nagsalitang si Faye. Kakapasok ko lamang sa bahay at hindi ko n asana sila titingnan dahil nais kong magderetcho agad sa kwart

