Tahimik at halos wala sa mood si Ina nang araw na iyon. Iniisip parin niya ang kanyang Inang at ang mga taong iniwan niya sa probinsya. Nang dahil sa insidenteng pagkikita nila nang kahawig ng kanyang Inang ay tila nanariwa ang sakit sa kanyang puso. Dalawang taon na ang nakalipas subalit hindi parin niya magawang patawarin ang kanyang sarili. Ang totoo, siya man ay sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyari. Mula sa pagkakasakit ng kanyang inang, sa pag iwan niya sa tatang at kay JM. Wala siyang nagawa para sa mga mahal niya at isa iyon sa kinagagalit niya at hindi niya matanggap. “Aga aga nakasimangot ka,” wika ni Jovann matapos nitong tumabi sa kanya. Kagagaling lamang nito sa labas at siya agad ang unang nakita nito, kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Maging sa pamamaga ng

