“Hindi ko akalain na ganoon pala ang ugali ng mommy ko,” komento ko matapos ikuwento sa akin ni Revas ang nakaraan nila ni Mommy. “Ibang klase pala talaga siya. Masyado pala siyang mapanakit noon.” Ang tumatak sa akin ng husto ay ang balak niyang pagpapalaglag sa akin. Kaya pala hindi ko man lang naramdaman na minahal niya ako dahil ayaw pala talaga niya sa akin simula pa lang noong unang araw na mabuo nila ako. “Simula ba noon ay hindi na siya bumalik dito?” “Bumalik pa rin. Hinintay niya muna na mailabas ka bago siya bumalik dito sa pag-aakalang tatanggapin ko ulit siya.” “Hindi mo na ba talaga mahal ang mommy ko?” sa halip ay tanong ko. “Talaga bang nakalimutan mo na siya?” Nagsalubong ang mga kilay ni Revas sa simpleng tanong ko kaya napailing ako. “'Wag mo na lang pa lang sag

