“Good morning,” bati ko kay Maribel habang hinahalikan ang talukap ng mga mata niya. “Gising na, Baby. Almusal na tayo.” Alas-siyete na pero ang sarap pa rin ng tulog niya kaya ginising ko na dahil maaga kaming aalis ngayon para masimulan agad nila Asher ang mga pinag-usapan namin kagabi. “Rev, maaga pa. Wala pang mall na bukas ng ganito kaaga. Mamaya na lang tayo umalis dahil inaantok pa ako." “Baby, you need to get up para marami ang lugar na mapuntahan natin. Come on.” “Parang tinatamad akong umalis ngayon,” saad niya kaya tinulungan ko na siyang ibangon ang sarili niya dahil malilintikan ako kay Asher kapag nagkataon. “Puwede bang bukas na lang tayo umalis?” “Baby, bukas na ang alis ko. Kapag hindi tayo natuloy ngayon ay baka wala na tayong panahon para mamasyal dahil busy na ta

