C77-Revas Flashback‼️(PART 14)

1818 Words

Habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko ay mariing nakamasid sa akin si Maribel. Panay din ang tanong niya sa akin kung kailan ako uuwi. Anong petsa raw at kung ano'ng araw para mapaghandaan niya ang pag-uwi ko kahit pa nga sinabi ko na tatawagan ko na lang siya kung kailan ako uuwi. “Pasasamahan kita kay Aling Belen para may kasama ka rito,” sabi ko sa kaniya pero umiling-iling siya dahil kaya na raw niya ang sarili niya. “Masyado na nating naiistorbo si Aling Belen. Isa pa, hindi naman ako bata para pasamahan mo sa kaniya. Medyo nahihiya na rin kasi ako kay Aling Belen dahil baka iniisip niya panay ang pasama ko kahit kaya ko naman na ang sarili ko.” “Sigurado ka na ba talaga na hindi ka sasama sa akin?” tanong ko kunwari. Alam ko kasi na hindi siya sasama kaya kunwari ay pinipilit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD