Sa araw-araw na lumilipas ay napapansin ko na tuwing umuuwi ako ay parang nanghihina si Maribel. Hindi ko alam kung may sakit ba siya o pagod lang talaga siya sa mga gawaing bahay. Siya na kasi ang naglalaba, nagluluto at naglilinis dito sa bahay. Hindi na rin namin pinapapunta rito si Aling Belen dahil ayaw na niya. Kaya na raw kasi niya lahat kaya hindi ko na kailangan pang magbayad sa iba para lang gumawa ng trabaho na kung tutuusin ay kayang-kaya naman daw niya. “Ayos ka lang?” tanong ko sa kaniya dahil napansin ko na buo-buo ang pawis niya kahit wala naman siyang ginagawa. Kumakain kami ngayon ng hapunan at habang sumusubo ako ng pagkain ay sa kaniya lang nakatutok ang mga mata ko. “O-oo naman.” “Sigurado ka?” Tumango siya. Napansin ko ang uri ng pananamit niya. Puro malulu

