Halos hatinggabi na ako nakauwi dahil kaarawan ni Mang Rolly ngayon. Sinabi ko kay Maribel na hindi ako makakauwi dahil ayaw kong maghintay siya sa akin kung anong oras ako uuwi kaya sinabi ko na lang na kinabukasan na ang uwi ko. Ang hindi niya alam ay malapit na ako sa bahay dahil may mga dala-dala ako para sa kaniya. Gusto ko kasing matikman niya ang mga niluto ko kanina. Habang papalapit ako sa bahay ay mayroon akong naririnig na ingay mula sa loob ng bahay ko kaya dahan-dahan lang ang hakbang na ginawa ko. “Ahh! f**k me! f**k me!” narinig kong utos ni Maribel sa kung sino man ang katalik niya. Mula rito sa labas ay naririnig ko ang tunog ng kama namin. “Bilisan mo dahil baka madatnan tayo ni Revas dito!” narinig kong sabi niya kaya mas lalong lumakas ang kutok ko na ginagago niy

