“Dude, ngayon na ang kunwaring uwi natin sa bahay mo, ‘di ba? Halika na para magulat na iyong Maribel na iyon,” wika sa akin ni Asher. Kahapon pa naka-ready ang mga gamit niya na puro lang naman basahan ang laman dahil hindi niya pa naibibigay kay Mario. Hindi kasi sila lumabas dito sa bahay ni Huxley dahil baka may makakita sa amin na na hindi naman pala kami umalis bagkus ay nagtatago lang. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko kay Maribel pag-uwi ko sa bahay ko. Should I make her suffer first or should I get her or get rid of her instantly? What about her baby? “Halika na, McClennan. Sina Huxley at Lionel kanina pa nakaporma. Ikaw na lang ang walang ginagawa bukod sa pagtitig diyan sa cellphone mo.” Naka-connect na rin kasi itong cellphone ko sa lahat

