Mia POV Catley??????? ( Ang kakambal ko????) Nakalapit na sa akin si Philip at Pritz. Nasa harapan naman ng bulwagan ang kambal. Nakita kong lumapit sa kanila si Catley. " Love bakit sya nandito?" sabay turo ko kay Catley. " Ah si Heaven? Sya ang ina ng kambal. Mamaya ko love ipapakilala sayo, nandyan ang boyfriend nyang siraulo, masyadong possessive." " Si Troy ang boyfriend nya?" takang tanong ko. " Kilala mo rin si Troy? Ah oo nga pala kaibigan sya ng ex-husband mo." Sabi nya naman " Si Heaven love, siya si Catley." pag-amin ko sa kanya. " What???? Yung kambal mo???" gulat na gulat sya sa sinabi ko. " Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa kambal. Mga pamangkin mo pala sila. Ang tagal ko na palang kakilala ang kambal mo. Bakit kaya Heaven ang sinabi nyang pangalan sa akin noon."

