Philip POV Masaya ako na makitang magkasama na si Mia at ang ka-kambal nyang si Catley na matagal ko ng kakilala bilang si Heaven. Mabilis nilang natanggap ang isa't isa, sabagay pareho naman silang mabubuting tao. Next week ay naka plano kaming pumunta sa Isla ni Lolo Solomon nila para dalhin ang mag-iina doon. Naroon na rin kasi ang pamilya nila. Bumalik na kami sa bahay namin kinabukasan. Sa Linggo nalang namin dadaanan silang mag-iina para sabay-sabay na kaming pumuntang Isla. " Daddy magiging masaya sila ate Belle at kuya Drex kapag nakita nila si tita Catley." tuwang tuwang sabi pa ni Pritz. Si Drex ang panganay at si Belle naman ang bunso sa dating asawa ni Catley. Nambabae kasi ito habang nasa ibang bansa si Catley, mabuti nalang din at sumama sa amin ang mag kapatid. " Oo ti

