Philip POV Hindi ko alam kung bakit malalim ang iniisip ni Mia mula ng makita nya si Akio. Nagpaalam na rin itong mauuna na sa cabin na nakatalaga sa amin. Kasalukuyan kaming nag-iinuman. Hanggang sa nakaisip ng laro ang mga babae. Truth or dare. Nasa pabilog kaming lamesa kaya sapat lang para maikutan lahat kami ng bote. At sa kasamaang palad nga ay ako ang unang tinapatan. Tatlong tanong kapag truth at isang utos naman kapag dare. " Truth or dare?" tanong sa akin ni kuya Tyrone. " Truth." " Gaano mo ka mahal si Mia?" tanong nya sa akin. " Higit pa sa buhay ko." nagtilian naman ang mga babae kaya natawa ako. " Ilan ang naging gf mo?" si Marius ang nagtanong ng pangalawa. " 2." sagot ko. Alam ko maraming di nakakaalam ng nakaraan ko kaya nag bulong bulungan na sila. " Sino sino?"

