Philip POV Ang sakit sakit ng ulo ko. Na sobrahan ako sa ininom kong alak kahapon at kagabi. Bukas ay babalik na kami sa Manila. Masyadong malayo itong Isla ni Lolo Solomon sa company ko dito sa Pilipinas kaya kailangan na naming umuwi sa bahay namin sa Manila. " Love bukas lumuwas na tayong Manila." Sabi ko kay Mia, kumakain kami ngayon ng almusal. Narito sa hapag sila Nanay Mildred kasama ang asawa nya, ang dalawang anak nila na kapatid sa ama nila Mia, si Catley at ang apat niyang anak at si Pritz na tuwang tuwa na kasabay ang mga pinsan. " Love okay lang ba kung dito na muna kami ni Pritz. Mag kasosyo kasi kami ni Catley sa pagbebenta ng Isda gusto ko sana syang tulungan." sagot nya sa akin. " Oo nga Philip baka pwedeng dito muna si Pritz para maka pag bonding pa silang mag pi-pin

