Mia POV ( 5 months Later) " Love will you marry me again?" Nandito kami sa garden na sinet-up nya para sa dinner naming dalawa. Kasalukuyan syang nakaluhod. Natuloy din kaming bumalik sa Canada. Ilang araw na rin kami dito. Sobrang naging busy si Philip, palagi syang wala sa bahay. Pina renovate nya itong bahay namin kaya mas naging classy pang tingnan. Pero naiwan sa Pilipinas ang puso ko. Nakaramdam ako ng pagka miss sa kanila dun. Panay rin ang tanong Pritz kung kailan kami uuwi ng Pilipinas. " I'm sorry Philip." Hindi pa rin sya tumatayo kahit hinihila ko na sya. Bakas sa kanya ang lungkot at pagkabigla. " Bakit ayaw mo na akong pakasalan love?" tanong nya sa akin. Hindi ako kumibo. " Dahil ba sa mas gusto mo na sa Pilipinas tayo manirahan? Sige babalik tayo dun pakasalan mo la

