MAKALIPAS NGA ang dalawang linggo ay muli kaming nakapag-usap at nagkita ni Rafael para sa magiging set up ng magiging rehearsal. At dahil may trabaho rin naman siya ay pabor sa kaniya ang every weekends na practice. Samantala'y ipinagpaalam ko naman sa aking amo na hindi ako makakapasok ng Salon every Saturday dahil nga sa rehearsal at ma-swerte dahil pinayagan ako. Nakausap na rin namin si Ate Rose tungkol sa magiging role ko sa Sta. Cruzan last week at ako ang napili nila bilang maging Reyna Elena. Hindi ko naman iyon inilihim kay Jerson at sa aking in laws na sasali ako roon at magiging escort ko si Rafael pansamantala. Pumayag naman sila kahit pansin kong mayroon silang pagdududa sa pagitan namin ni Rafael. Lalo na't may dahilan ito para magpunta sa bahay nila kapag susunduin ako nu

