Chapter 40

1106 Words

NAGPATULOY ang pagiging mag-partner namin ni Rafael nang dahil sa hindi pagsipot ni Jerson sa araw na itinakdang pag-uwi niya. At bawat gabing nakakasama ko si Rafael ay aaminin kong panandaliang napapawi ang pangungulilang nararamdaman ng aking puso. Sa kabila no'n ay walang tigil ang aking pag-asa na isang araw ay magigising na lang ako na nagbalik na si Jerson. Parang kailan lang at nasa ikatlong linggo na ng Mayo. Kaunting linis na lang din ang sayaw namin dahil kabisado na ng lahat ang sayaw. May ilan-ilan lang na hindi nakasasabay sa tsempo kaya pinapaulit-ulit iyon sa amin nina Kuya Kenji at Ate Rose. Sa kabila no'n ay hindi ko inaasahan ang ibibigay na suporta sa akin ng aking in laws dahil nang umuwi ako sa bahay ay inaasahan kong sermon ang aabutan ko dahil nagawa akong ihatid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD