SA KABILA ng pangungulila at kalungkutan ay hindi naging rason 'yon para mas ganahan pang matuto sa OJT. Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalilipas magmula nang mabigo niya ako sa pangakong babalik siya at magsisimula kaming muli. Samakatuwid, mahigit dalawang linggo na rin kaming walang komunikasyon pagkatapos ng araw na 'yon. Hindi ko na nga alam kung may aasahan pa ba ako.. o kung dapat pa ba akong maniwala sa pagmamahal niya. Pero kagaya nga nang payo ni Mikas ay tingnan ko na lang ang good side. Sa kabila noon ay mas pinagbubutihan ko pa ang pag-aaral dahil ilang buwan na lang naman at malapit na akong grumaduate. Mahahawakan ko na ang bunga ng aking pagsisikap at ang katangi-tanging ipinangako ko kay Papa bago siya mamatay. Pauwi na kami ni Mikas ng mga oras na 'yon nang hindi

