HINDI KO namalayan ang mabilis na pagtakbo ng mga araw dahil nalalapit na namin ma-kompleto ang oras na kailangang gugulin para sa OJT. Nalalapit na rin ang Flores De Mayo kung saan ay isa sa makabuluhang pagdiriwang na aking sasalihan sa buong buhay ko. Sa kabila no'n ay naging madalas ang pagbisita sa akin ni Rafael na kailanma'y hindi ko inaasahang mas magiging makabuluhan pa 'yon pagkatapos niya akong halikan ng walang pasabi. Aaminin kong matapos ang halik na 'yon ay nag-iwan iyon ng puwang sa akin. At ang buong akala ko na may magbabago sa pagiging magkaibigan namin ay wala pala. Araw ng Linggo at katulad ng nakasanayan ay maagang umalis sina Mama Jenina at Papa Benson para magpunta sa fish pond. Kaya naman bago ang tanghalian ay mag-isa na lang ako sa bahay. Hanggang sa hindi ko na

