NOTE: May ilang maseselang salita. Read at your own risk. MAGKALAYO kaming nakaupo sa may sofa nang lumipas ang ilang minuto naming pag-uusap. Kataka-takang matamlay ang awra ni Jerson na inaasahan kong matatamis na halik at yakap ang ibubungad niya sa akin-- subalit isang ilusyon ko lamang iyon. Dahul mula sa aming kinauupuan ay napabuntong hininga siya at sapat nang dahilan 'yon para hindi maibaling ang atensyon ko sa iba, kundi sa kaniya lang. Magkayakap ang kaniyang mga daliri habang paulit-ulit na ibinubuhos doon ang malalim na pagbuntong hininga. Doo'y napako lalo ang tingin ko sa kaniya, dahilan para komprontahin ko siya, "Jerson, may problema ba? A-ano ba talagang nangyari?" At kahit nag-aalangan akong itanong ang mga katagang iyon ay nais kong bumilib sa sarili ko dahil malinaw

