ILANG SEGUNDO pa ang lumipas at nanatiling tumutunog sa pag-ring ang aking cellphone. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipakita sa kaniya na umiiyak ako gayong kapalit naman niyon ay kaligayahan ng puso ko dahil muli na naman kaming makakapag-usap after a long time. Kaya sa isang iglap ay mabilis kong pinunasan ang aking luha. Napapikit pa ako at muling dumilat bago ko pa man sagutin ang tawag ni Jerson mula sa kabilang linya. Bagama't nanginginig ang mga kamay ko ay hindi naging hadlang iyon para muling marinig ang boses niya. "Bhie.." Unang bigkas niya pa lamang sa endearment namin ay tila nabunutan na ako ng tinik sa dibdib. Kaya naman muli akong napaluha sa sobrang saya dahil sobrang na-miss ko siya at ngayon ay naririnig ko na ang boses niya. "B-bhie.." Sinubukan kong hindi garalgal

