Jerson It's been three years simula nang mamatay si Papa Jeroh, ang Papa ni Jeerah at para bang sariwa pa rin sa amin ang sakit nang pagkawala niya. "Happy third death anniversary, papa," wika ni Jeerah sa puntod ng ama niya. At habang karga-karga ko si Jesrel ay napansin kong umiiyak si Jeerah. Doo'y narinig ko ang sunod na winika niya, "Sayang lang at hindi mo nasilayan ang pangatlo mong apo, papa.. ang hinihiling ko na lang ay sana.. palagi mo kaming gagabayan ng apo mo at pati na rin si Jerson." Matapos niyang sabihin 'yon ay alam kong napasulyap siya sa aming mag-ama habang ako ay hindi pa rin maipaliwanag ang saya pagkatapos ng unos na dumating sa relasyon namin ni Jeerah. Nang lapitan niya kami ay doon lang ako tuluyang napalingon sa kaniya at saka ko pinalakad si Jesrel at inala
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


