HINDI NAGING madali ang panibagong yugto ng buhay namin ni Jerson bilang mag-asawa pero sa kabila no'n ay handa akong harapin kung ano man ang maging takbo ng aming kapalaran. Isang linggo na ang lumipas matapos ang kasal namin ni Jerson at aaminin kong hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon ko, alam kong hindi ako masyadong nagtiwala sa pagmamahal niya noon pero sa ngayon ay handa na akong doblehin pa ang tiwala na 'yon. Inuna talaga muna namin ang kasal bago ang binyag ni Jesrel para legal na magamit ng anak namin ang apelyido ni Jerson. Nalalapit na rin ang aming anniversary at balak namin na roon na lang ganapin ang christening. "O, naka-polo shirt lang kayo ngayon?" puna ko kay Jerson na g'wapong-g'wapo sa polo shirt niya na may nakaburdang pangalan niya bilang fire protection

