AIKO'S POV
Naiwan kaming tahimik. Sinundan ko lang ng tingin si Red hanggang sa mawala na s'ya sa aking paningin.
Is she Ayumi? Imposible kasing isa s'ya sa mga maaattitude dito sa ibang mga participants, she has a soft heart for crying like that. Pero hindi ko pa nakitang nagkausap si Ayumi at si Riley.
Maya maya pa ay naglakad na papalayo si White na sinundan din na'man ni Pink.
Nagkatinginan kami ni kuya. Napansin ko agad ang tingin n'yang 'yon at umalis na lang din ako at pumunta sa kwarto.
We really should be careful now. Hindi na pwede 'yung ginawa ni kuya na pumasok s'ya sa kwarto ko at nagkausap kami.
Speaking of that 'golden rule' kuno, what is the punishment for not obeying it? We'll lose one of our limbs?
That f****d up guy. Talagang may sapak na s'ya sa ulo. Hindi na s'ya normal. He thinks were toys na pwede n'yang putol putulin ang bawat parte kung kailan n'ya gugustuhin.
kruuu kruuu
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig na kumukulo na 'yung t'yan ko.
Oops, hihi
Nagutom pala ako sa nangyari. Paano ba na'man kasi si kuya hinarot harot pa ako, ayan tuloy nagutom nanaman hays.
Ayoko na'man kumain sa loob ng kwarto ko, mga pagkain do'n ready to eat na, hindi na'man ako mabubusog do'n.
Kahit na gusto ko na sanang pumasok na lang sa kwarto at magmukmok buong gabi dahil sa nasaksihan ko ngayong gabi, tinatraydor na'man ako ng bwisit na t'yan na 'to.
Napanguso ako at nagsimula na lang maglakad papunta sa ground floor kung saan located ang kitchen. Bahala na makasalubong ang impostor, kung sino man s'ya, basta ako gutom, period.
Pagdating na pagdating ko sa ground floor, bumungad sa akin ang walang katao taong living room.
Siguro nandoon na sila sa mga bawat rooms nila? Buti na'man kung gan'on.
Wait, kung karamihan sila nasa rooms na nila, does that mean ako nalang mag isa nasa labas pa ngayon? I mean sa loob pa rin na'man ng mansyon pero hindi sa loob ng room ko, gets n'yo? Whatever.
Napahawak nanaman ako sa t'yan ko nang marinig ko nanaman itong nag iingay.
Oo na, teka lang. Atat na atat bhie? Gutom na gutom lang?
Sabi ko sa isip ko na akala mo talaga sasagot 'yung t'yan ko.
Magtaka ka Aiko kung sumagot 'yan sa'yo, baka hindi ka na normal. Alien ka na no'n.
Pagkadating na pagkadating ko sa kusina ay dumiretso na ako sa maliliit na cabinet na naririto, nag babakasakaling makakita ng kahit anong panlaman ng t'yan, basta 'yung hindi ready to eat.
Abala ako sa pagkakalkal ng 'di ko namalayan na may tao na pala sa likuran ko. Pagkalingon ko ay nakita ko si White na nakasandal sa bandang gilid ng pintuan ng kitchen.
That player is just staring at me. Bakit may nararamdaman ako at naaalala sa sitwasyon na 'to. Deja Vu?
But I don't remember someone stared at me like that in this mansion. Except, that one guy.
Pero imposible 'yon, pinagtitripan lang ako nung lalaking 'yon. Wala lang s'yang ibang makitang tao dito na pagtutuunan ng pansin para asar asarin at pahiyain kaya ako ang napagdiskitahan n'ya.
Oo, tama. Yun nga lang 'yon. Nantitrip lang s'ya.
Inalis ko na ang tingin ko sa kan'ya at tinuloy nalang ang paghahanap ng makakain. Nagugutom na talaga ako.
Nakakita ako ng pasta at cans ng tomato sauce. Nagliwanag ang mga mata ko.
Kumuha na ako ng kaserola at naglagay ng tubig para pakuluin 'yon.
Nang kumulo na ang tubig ay nilagay ko na ang hilaw na pasta doon. Tignan pa lang 'yon na unti unting nalulunod sa tubig ay gusto ko ng kainin.
Binalingan ko 'yung canned tomato sauce at naghanap ng pwedeng pang bukas do'n. Pero ni isang matulis na bagay na pwede kong gamitin dito sa lata na 'to para pang bukas ay wala akong nakita.
Habang abala sa paghahanap ay 'di ko namalayan na nakatayo na pala sa bandang likuran ko ang kaninang taong nagmamasid lang sa akin.
Hindi ako makalingon sa likuran kung nasaan s'ya dahil para s'yang nakaakap sa likuran ko. Konting galaw ng ulo ko at konting lingon sa kan'ya ay mahahalikan ko s'ya.
Namula ang mukha ko sa posisyon na'min na 'yon. Gustong gusto kong mag salita pero alam kong hindi p-pwede 'yon kaya nanahimik na lang ako at hinayaan s'ya sa gagawin n'ya.
Sino ba 'tong taong 'to?
May hawak na s'yang maliit na kutsilyo, parang dagger. Yun ang ginamit n'ya pambukas ng canned tomato sauce na s'yang gagamitin ko sa spaghetti ko.
'Spaghetti ko' wait, that sounds so wrong.
Ramdam na ramdam ko 'yung pamumula ng magkabilang pisngi ko nang mas lalo pang nadikit ang likuran ko sa bandang dibdib n'ya.
The suit is in between of us yet I can feel the warmth of the person behind me.
Sa kakaisip ko ng kung ano ano at kaka-daydream ay hindi ko namalayan na kanina pa pala nakahiwalay ang katawan nung player na 'yon which is si White sa katawan ko. Nilingon ko pa talaga ang bandang likuran ko para i-check kung andoon pa ba s'ya o wala na.
Nakita ko s'yang nakaupo na sa harapan ng lamesa at bahagyang nag aantay sa aking niluluto. So, he/she helped me because he/she wants to join me?
Siguro ititigil ko na kakaisip ng kung ano ano at talagang tatanggapin ang katotohanang kaya n'ya ako tinulungan ay dahil nagugutom din na'man pala s'ya.
Binalik ko nalang ang tingin ko sa ginagawa ko at hindi na s'ya pinansin pa.
Tumingin ako sa fridge at nakakita ng hotdogs at pork do'n which is what we call 'giniling'.
Saktong sakto talaga sa spaghetti.
Pinaghihiwa ko 'yon gamit ang plastic knife dito. Plastic on it's physical appearance pero matalas 'yon. Ang pinagkaiba lang no'n sa mga ibang plastic knives ay 'yun ay hindi makakahiwa kung gagamitin sa tao.
Makakahiwa lang 'to kapag sa pagkain talaga s'ya gagamitin. It's like that knife has something called sensor. Hindi na ako magtataka pa dahil halos lahat ng gamit dito high-tech or made using science.
Sanay na ako sa mga gamit na ganito dahil mahilig gumawa ng mga ganito si papa noon nung hindi pa s'ya naaksidente. Noong buhay pa si mama.
Karamihan sa gamit na'min no'n mga ganito. My father is an inventor. He graduated Bachelor of Science in Mechanical Engineering in college.
Yun ang mga nabasa ko sa mga documents ni papa. Hindi n'ya kasi 'yon nak-kwento dahil nga, nung pinanganak kami ni kuya na naging dahilan para mamatay si mama, ni wala s'yang ganang kausapin kami.
He talked about that one time na umuwi s'yang lasing at naabutan n'ya akong nasa sala.
Flashback
Abala ako sa paggawa ng assignment sa sala nang mapatingin ako sa wall clock. Mag aala-una na ng madaling araw pero si papa hindi pa rin umuuwi.
Lasing nanaman siguro 'yon.
Napabuntong hininga ako. Nag aalala na ako sa kalusugan ni papa dahil ilang taon na s'yang lulong sa alak at sa sigarilyo.
Masyado rin n'yang pinapagod ang sarili n'ya sa trabaho. Minsan pa nga ay mas pinipili na lang n'yang hindi umuwi sa bahay at magpakapagod sa trabaho kaysa sa makita kami.
Napalingon ako nang narinig kong tumunog ang gate. Nandoon na si papa.
Tumayo ako at naglakad palabas upang pagbuksan s'ya ng gate.
"Pa, Bakit ngayon lang kay-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagkabukas ko palang ng gate ay dire diretso na si papa na naglakad papasok ng bahay na hindi manlang ako nagawang pansinin.
Amoy alak s'ya, lasing nanaman nga.
Isinara ko na lang ang gate at sumunod sa kan'ya papasok ng bahay.
"Pa, kumain na ho ba kayo? Wala na po kasing ulam kasi akala na'min ni kuya hindi nanaman kayo uuwi. Pero meron pa na'man po d'yang baboy, ipagluluto ko nalang po kayo." nakangiti kong suhestiyon kay papa.
Ilang taon ko na 'tong ginagawa. Na ipakita sa kan'ya na kahit wala na si mama, naririto kami ni kuya para iparamdam sa kan'ya na hindi s'ya nag iisa. Pero kahit kailan, ni isang beses, hindi n'ya nakita 'yon. Not until this night.
"Sabihin mo nga sa'kin ha Aiko, hindi ka ba napapagod sa kaka-ganyan mo sa'kin? Wala akong pakialam sa inyong dalawa ng kuya mo! Dahil sa inyo, dahil sa pinanganak kayo, nawala ang asawa ko!" sigaw n'ya sa'kin at inihagis ang isang babasagin na vase na nadampot n'ya. Kitang kita ko kung paano kumislap ang mga mata n'ya na ibig sabihin lang ay umiiyak s'ya.
Narinig ata ni kuya 'yon kaya dali dali s'yang bumaba. Natigil s'ya sa paglapit sa akin nang makita n'yang unti unting napaluhod si papa sa sahig at nagsimulang umiyak ng umiyak.
"Alam mo ba, ha? Kung gaano kahirap mabuhay ng wala ang mama ninyo? Sinusubukan ko, araw araw. Na alisin sa memorya ko ang dahilan ng pagkamatay ng nanay n'yo pero kada makikita ko kayong dalawa, 'yun at 'yun ang naaalala ko. Ilang beses ko na kinumbinsi ang sarili ko na wala kayong kasalanang dalawa sa pagkamatay ng nanay n'yo pero kinakain ako ng lungkot.." panimula n'ya. Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Nakuyom ko ang dalawang palad ko.
"E'di sana sinabi mo Pa! Sana sinabi mo 'yung tunay na dahilan bakit mo kami ginaganito! Na 'yun pala ang dahilan kung bakit kahit kailan, sa buong buhay ko, hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama na dapat manggaling sa inyo! Sa tingin mo ba, Pa? Ginusto na'min 'yung nangyari kay Mama? Kada nakikita kitang gan'yan hinihiniling ko nalang na sana hindi na ako pinanganak para kahit papano naririto pa si Mama! Ni hindi ko nasilayan ang mga ngiti n'ya! Ang mukha n'ya! Ni hindi ko naramdaman ang yakap ng isang ina! Sa tingin mo madali lang sa'min ito Pa? Kung mahirap sa inyo, mahirap din sa amin!" hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko kaya nasabi ko 'yung lahat.
Kitang kita ko nung gabing 'yon kung gaano umiyak ng umiyak si Papa sa harapan ko.
"Patawad, Anak.. Patawad sa inyong dalawa. Sarili kong lungkot lamang ang iniisip ko, napaka makasarili ko." humihikbing sabi n'ya.
Lumapit ako sa kan'ya at niyakap s'ya ng mahigpit. Lumapit din sa'min si kuya at nakiyakap.
"Pangako, simula sa araw na 'to magiging maayos na pamilya na tayo.." 'yun 'yung kauna unahang kinausap kami ni Papa ng walang sigaw at pag taas ng boses.
Ang saya saya ko no'n. Sobrang gaan jg pakiramdam ko nung natulog ako dahil sa wakas, maayos na. Pero panandalian lang ang saya na 'yon.
Tama nga ang kasabihan ano? Kapalit ng saglit na saya ay matinding lungkot.
Kinabukasan no'n, naaksidente si Papa. Nainvolve s'ya sa isang car accident habang papunta ng trabaho na naging dahilan para macomatose s'ya.
Madaming sugatan noon at may iba rin na namatay.
Isa si papa sa mga nakaligtas ngunit matindi ang pinsala no'n sa kan'ya.
Nang bisitahin na'min s'ya sa hospital no'n ay ni hindi ko makilala ang mukha n'ya. Wasak ang isang parte ng mukha n'ya at may malaki s'yang sugat sa bandang ulo.
Naubos ang pera na'min sa bill palang ni papa sa hospital ng ilang buwan. Naibenta na rin na'min ang mga ginawa n'yang machine sa bahay para lang may pandagdag sa pambayad sa hospital.
Umabot ng taon si papa do'n at naubusan na kami ng perang pambayad. To the point na hindi na kami nakabisita sa kan'ya sa sobrang busy na'min sa kakahanap ng pera.
Kaya noong nakita na'min 'yung perang pwede na'ming makuha ay 'di na kami nagdalawang isip na tanggapin 'yon. Totoo nga ang reward ng event na 'to, ngunit hindi na'min alam na dahil dito magiiba ang takbo ng mga buhay na'min.
End of flashback
Nalungkot ako nang maalala ko 'yon. Miss na miss ko na si papa.
Dahil sa mga gamit na naririto, hindi ko maiwasang hindi s'ya maalala parati.
Iniling ko na lang ng bahagya ang aking ulo, pilit na inaalis sa isipan 'yon at sinusubukang mag pokus sa ginagawa.
Naluto na ang pasta at sauce. Sinala ko na 'yon at nagsalin sa dalawang plato. Inilapag ko na 'yon sa mesa. Sa harap ko ang isa at sa harap na'man ng taong nasa harapan ko.
Nagsimula na akong kumain ng hindi manalng s'ya tinitignan. Ramdam ko 'yung mga tingin n'ya sa'kin pero kumain nalang ako ng kumain.
Nang ilihis n'ya ang pagkakatitig sa akin ay ako na'man ang tumitig sa kan'ya.
Dalawa lang kaming naririto. Pero hindi ko manlang naramdaman na nasa panganib ako dahil sa taong nasa harap ko.
I shouldn't have to let my guard down. Pero bakit ang lakas ng loob kong kumilos nang nakatalikod sa taong nasa likuran ko?
Hindi ba dapat ang ginagawa ko ay nag-iingat? Pinapalakas ang pakiramdam para kung sakaling may gawin s'yang kung ano sa akin, handa ako?
Pero bakit ang lakas ng loob kong magtiwala sa taong 'to?
He could be the impostor, but why do I feel safe even though I know that there's a high possibility that he/she's after me?
White, who are you?