AIKO'S POV
Napatigil kami sa kulitan ni kuya nang marinig na'min na tumunog ang red alert sa buong mansion.
Wait, sa pagkakaalam ko pag tumunog 'yon may katawan na silang nakita?
Napako ako sa kinatatayuan ko at natigil sa ginagawa nang may mapagtanto kung bakit tumutunog 'yon.
Wag mo sabihing may namatay na? Oh my gee!
Nanlamig ang buong katawan ko at ramdam na ramdam kong nanginginig ang dalawa kong mga kamay. Kahit si kuya ay napatigil sa ginagawa.
"A body has been found!" dinig na'ming sabi ng boses sa speaker. Mas lalo akong kinabahan.
Hindi ako kinabahan dahil nag aalala ako kung sino ang napatay. Kinakabahan ako dahil sa maisip ko pa lang na si kuya ang makikita kong nakahandusay isang araw na naririto ako sa mansion, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Tara na. Tignan natin kung sino. Dumikit ka lang sa'kin. Hindi natin alam kung anong trip nung impostor, baka mamaya bigla nalang manghatak 'yon." biglang sabi ni kuya sa akin bago s'ya tumayo at pumwesto pabalas ng pintuan.
"Pero wag kang papahalata na naguusap tayo. Una kanang lumabas, at susunod na'man ako." suhestyon na at iminuwestra sa akin ang pintuan na nakabukas.
Napalunok ako bago inihakbang ang mga paa ko.
Dire diretso lang akong naglakad palabas na parang walang nangyari. Na parang wala akong kausap sa loob ng kwarto ko.
Habang naglalakad sa hallway ay hindi ako mapakali. Sino kaya 'yung napatay?
Wag na'man sana si Dark.
Natigil ako sa paglalakad sa naisip. Anong wag na'man sana si Dark ha Aiko? Baliw ka ba ha?
Iniling iling ko 'yung ulo ko. Wala 'yon, naisip ko lang bigla wala 'yung meaning. Oo, tama. Wala 'yung meaning. Pagkumbinsi ko sa sarili ko.
Tinuloy ko na ang paglalakad papunta sa kung saan natagpuan ang bangkay. Kitang kita sa screen ko kung nasaan 'yon. Sa tapat ng isang kwarto ng babae dito sa floor na'min.
Kaninong kwarto kaya 'yun? tanong ko sa sarili ko.
Ilang metro palang ang layo ko sa mismong lugar kung saan natagpuan ang bangkay ay pansin ko nang andoon na silang lahat. Nauna pa sa'kin si kuya. Saan dumaan 'yun at hindi s'ya nakita?
Nakapalibot na sila doon sa bangkay. May ilang players na napalingon sa direksyon ko pero ang atensyon ko ay nandoon lang sa bangkay na nakahandusay sa sahig.
Napatakip ako ng bibig kahit na nakasuot ako ng suit nang makita ko ng buo 'yung bangkay at ang itsura noon.
Si Riley. Yung isa sa mga babaeng nanaray sa'kin.
Ang itsura n'ya ay naliligo s'ya sa sarili n'yang dugo habang nakahiga ang katawan sa sahig. Dilat ang kanyang mga mata na animo'y takot na takot nang mangyari ang pagpatay sa kan'ya.
At ang pinaka-napansin ko pa ay ang may pagka-lalim na hiwa na nasa leeg n'ya na nasisiguro kong naging dahilan para malagutan s'ya ng hininga.
Ang lahat ng dugo na nasa sahig ay nanggaling sa sugat n'ya sa leeg.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa harapan ko. You mean were meant to die like that? In the most brutal way possible?
Maya maya pa ay napatingin kami sa isang player which is si color Red. Red started crying and crying at napaluhod unti unti sa tabi ng bangkay ni Riley. Tinakpan n'ya lang yung mukha n'ya at humikbi ng humikbi.
Hindi ko ma-identify kung babae ba s'ya or lalaki dahil sa hikbi n'ya. Pero kung 'yung actions ang pagbabasehan, I think she's a girl.
Nakayuko s'ya sa gilid ng katawan ni Riley. At ang suit n'ya na sa bandang kamay ay nalalagyan na ng dugo.
"Tss, ang sabi ng game master wag ma-attach sa mga kapwa players as much as possible. Pero ano ginagawa mo? Iniiyakan mo pa 'yang bangkay na 'yan. Kahit anong ngawa mo d'yan hindi na tatayo at magsasalita 'yan kasi patay na 'yan. Move on." napalingon kami nang may magsalita. Si Brown.
Napakunot ako ng noo nang marinig ang boses n'ya. I think this player is using a voice changing device. Masyadong malaki ang boses n'ya at hindi ko ma-recognize 'yon. Pretty genius, eh?
Tumigil sa kaiiyak si Red nang marinig ang biglaang sinabi ni player color Brown.
"Ano bang alam mo? Wala kang pakialam kung umiiyak ako dito! Pwede ba? Itikom mo na lang 'yang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin kasi hindi nakakatulong!" garalgal na sagot ni Red kay Brown. Pagkasabi na pagkasabi n'ya noon ay umiyak na s'ya ulit ng umiyak.
Red is also using a voice changing device. Matinin na'man ang boses ng gamit n'ya. But I think that has no use now since she acted base on her emotions.
I can't blame her tho. Kung talaga ngang may connection s'ya kay Riley, crying like that really means that she's mourning for the death of the girl.
"HAHAHA ewan ko ba sa inyo. Bahala na kayo sa mga buhay n'yo. Magpapahinga na lang ako sa kwarto ko. Stupid people." sagot ni Brown. Nakalagay ang n'ya sa likod ng ulo n'ya at naglakad na papalayo sa'min.
Isa isa na ding nagsialisan ang iba at ang natitira na lamang ay Ako, Si kuya which is player color Blue, si Red, si Pink. at si White.
Napatingin ako sa likod ni player Brown na naglalakad na papalayo.
Brown can be the suspect. Dahil sa mga sinabi n'ya kanina, gumawa lang s'ya ng dahilan para pagdudahan na'min s'ya.
Brown is one of the possible suspects now.
THIRD PERSON'S POV
Nakatitig ako ngayon kay Aiko na sinusundan ng tingin ang papalayong si Brown.
Ayokong mandamay ng ibang mga tao dito pero kailangan kong gawin. I want to spend more time with her even though she don't know my real identity.
And if killing a lot of people here means I got a chance to still be with her kahit hindi kami naguusap, I will gladly do it.
Bago pa man n'ya ako makitang nakatitig sa kan'ya ay binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa bangkay na pinatay ko kanina. I'm sorry Riley, but rules are rules. And unfortunately, you let your guard down.
"Players, the body will get dispose by my people. You can leave it now and go to your rooms to rest. Don't worry, The impostor already killed one today and the voting is for tomorrow, wala na dapat patayin pa ang impostor ngayong araw na 'to. This is also a time for you to think who you thought is the killer of Riley. And by the way, the reason why some of the players have different voices, it's because they activated the voice changer on their suit. You can so that too if you desire. I left a note on each of your rooms wherein that note includes the different controls on the suit you were wearing. So, have a nice sleep. Wag sana kayong bangungutin sa mga panaginip n'yo HAHAHAHA so long folks." biglaang sabi sa speaker. That's the game master. Boses palang halata ng kampon ni Satanas.
Maya maya pa ay may dumating na ilang mga tao na nakasuot ng all white suit na mukhang PPE or Personal Protective Equipment.
Ewan, mukha talaga silang mga frontliners. Ang pinagkaiba lang nila sa mga tunay na frontliners, imbes na mag ligtas ng buhay ng mga tao ay sila pa ang naglilinis ng bangkay ng mga ito.
"W-wait what are you doing?! Saan n'yo s'ya dadalhin?! Don't carry her like that! Hindi s'ya hayop para bitbitin n'yo ng parang hayop lang!" sigaw sigaw ni player Red nang itinayo ang bangkay ni Riley ng ilang mga tauhan ng game master sa paraang parang naghahakot lang sila ng mga gamit.
I want to speak, I want to speak so much. Talagang hindi makatao 'yung ginagawa nila. Bangkay na nga lang hindi pa nirerespeto.
But as much as I want to protest about it I can't. Hindi ko pa naaactivate 'yung voice changer kemerut nitong suit ko. Mahirap nang magsalita ng wala 'yon.
Ang dami naman kasing alam.
Nabitbit nila 'yung bangkay papalayo na parang k*****y lang na baboy. Mga hayop.
Naaawa akong tumingin kay Red na wala ng ibang nagawa kundi umiyak nalang ng umiyak sa sahig kung saan nandoon kanina ang katawan ni Riley.
"I forgot to tell you something." napaigtad ako ng bahagya ng bigla nanamang magsalita sa speaker ang game master ng wala manlang pasabi.
Ano ba 'tong taong 'to, dati ba 'tong kabute? Lakas makagulat.
"Sa pagkakaalam ko may rule ako sa larong ito, tama ba? And breaking that rule has consequences." panimula n'ya.
Napaisip ako sa mga sinabi n'ya. Rule? Ano 'yon?
Napatigil sa pag iyak si Red nang marinig 'yon at napansin ko kung gaano nanginig ang dalawang mga kamay n'ya. Anong meron sa sinabi ng game master?
Pansin ko din na kahit ang iba pang kasama ko dito na natira ay napako din sa kanilang kinatatayuan.
Namasa ang mga kamay ko kahit na malamig ang suit na suot ko nang may maalala. Ang rule na sinasabi n'ya.The one rule that is stricly prohibited.
"Yes. I suspects that you already know what rule I am talking about right now. At tama kayo, 'yun nga 'yon. I told you right? DO NOT SPEAK WITH EACH OTHER. And two of the players today, didn't obey that rule. You let your emotions win over you. And you must face thr consequences. Bukas na bukas ng umaga, all of the players left of this gsme must assemble outside, on the field. These people who didn't obey the rule must deceive their punishment. At dapat lahat ng player ay masaksihan 'yon. Para na'man madala kayo at hindi na gumaya sa kanila. See you tomorrow. Say goodbye to one of the part of your body, you'll miss it for sure." pagtatapos n'ya at nawala na ulit ang boses n'ya sa speaker.
Nangilabot ako sa huling sinabi n'ya.
'Say goodbye to one of the part of your body, you'll miss it for sure'
What does he mean by that? Ang punishment ay mawawalan sila ng isa sa parte ng katawan nila? And what part of their body is that?
Hindi nga talaga biro ang personalidad ng taong puno't dulo ng larong 'to. He will do what he want, whenever and wherever he wants it. At pag may sinabi s'ya at hindi mo sinunod, you'll regret not obeying it.
Napalingon akong muli kay player Red at nakita kong hindi na s'ya umiiyak. Nakayuko na lang s'ya, tumigil na rin ang panginginig ng mga kamay n'ya.
Bahagya akong nagulat nang bigla s'yang tumayo. Pinagpagan n'ya ang suit n'ya bago nagsimulang maglakad papalayo sa'min.
RED (PLAYER) POV
Nakuyom ko ang mga kamao ko habang naglalakad papalayo. That damn freak!
Kung hindi na'man s'ya nagsalita, hindi rin ako magsasalita! Tapos damay ako sa punyetang punishment na 'yan!
Nginitngit ko ang mga ngipin ko sa sobrsng gigil.
Alam ko na kung sino 'yung Brown na 'yon. Halatang halata na'man kung sino s'ya.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang babasaging bote na may laman na softdrinks.
Kumuha ako ng baso at sinalin ko 'yung laman noon doon sa baso.
Bitbit bitbit ang bote, naglakad ako papunta sa 3rd floor kung sana located ang mga kwarto ng mga lalaki.
One thing the other players don't know is that the mat in front of their rooms identifies the color of the player who owns that room.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang color brown mat sa labas ng isa sa mga room dito.
Napangisi ako. Wala na akong pakialam kung ano man ang magiging parusa sa akin kinabukasan sa gagawin ko, basta mapatay ko lang 'tong lalaking 'to, I think that's worth it.
Pinihit ko na 'yung doorknob ng pinto at pagbukas ay bumungad sa akin ang kulay brown na kwarto.
Just as I thought.
Isinara ko na ang pinto nang tuluyang makapasok. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig na galing sa shower.
Naliligo ang mokong.
Pumunta ako sa gilid ng room at nakita ang power source ng kwartong 'to.
Bawat kwarto ng mga players dito at may power source.
Pinatay ko 'yon at kumalat ang dilim sa buonf kwarto. I can still see using my suit kahit madilim.
Naliligo s'ya so I think na hindi n'ya suot ang suit n'ya.
"H-hoy! Akala ko ba high-tech lahat ng gamit dito?! Bakit walang kuryente!" dinig kong sigaw n'ya. Bumukas ang pintuan at binasag ko sa pader ang bote at tinutok sa leeg n'ya.
"Dahil sa'yo madadamay pa ako. Don't you f*****g insult my feelings! Hindi mo alam ang naramdaman ko nung makita ko 'yung katawan ng nakababata kong kapatid na naliligo sa sarili n'yang dugo!" sigaw ko. Pumiyok ako sa huli pero wala na akong pakialam.
Nagsimulang magsituluan ang mga luha ko. Naramdaman kong natigilan s'ya sa narinig sa akin.
Maya maya pa ay nagsalita s'ya.
"Pasensya kana sa mga nasabi ko. Hindi na'man kasi talaga matibay ang loob ko, ginagawa ko lang 'yung mga 'yon na nagkukunwaring sisiga siga para magmukhang matapang ako."
"Dati akong biktima ng bullying. Mahina ako. Mula pagkabata pa lang. Kaya simula nung lumaki ako ay nagsisiga sigaan nalang ako para hindi ako ma-bully ulit. Ako na ang nambubully, hindi na ang biktima." sabi n'ya. Natahimik ako.
"Hindi ko sinasadya. H-hindi ko alam, sorry." yumuko s'ya at naramdaman kong dumikit ng kaunti ang parte ng leeg n'ya sa basag na boteng hawak ko.
May tumulong dugo sa kamay ko. Maya maya pa ay niluwagan ko na ang pagkakahawak ko.
Nanghina akong napaupo sa sahig at umiyak ng umiyak.
"Wag ka mag alala, aakuin ko ang parusa na 'yon. Pangako.."