AIKO'S POV
After ng encounter na 'yon kay Pink ay dumiretso na ako sa room ko.
Nakakakaba. Sa susunod talaga hinding hindi na ako mag mumuni-muni. Mamaya kaka-daydream ko, 'di ko mamalayan pugot na talaga ulo ko.
Bahagya akong nanginig at nangilabot sa naisip. Wag na'man sana mangyari 'yon.
Speaking of, kamusta kaya si kuya? Hindi pa ba s'ya patay? Charot.
Si papa kaya? Kamusta? Hay.
Simula nung 'di na kami nakakabayad sa hospital para sa bills ni papa, hindi na rin na'min s'ya nabisita ni isang beses pa do'n. Nakakahiya kasi sa hospital, pupunta kami do'n tapos wala kaming pambayad?
Hindi rin na'man nagising simula ng aksidente n'ya si papa. Busy din kami ni kuya sa paano makakakuha ng pera sa pang araw araw. Ako na'man may pasok din.
Kaya kahit gustong gusto na'min bisitahin si papa, hindi na na'min nagawa nung nagtagal.
Bahagya akong nalungkot sa mga naisip ko. Sana na'man hindi s'ya napapabayaan do'n.
Wag ka mag alala Pa, sisikapin ko at ni kuya na manalo para mapuntahan ka na na'min d'yan.
Pagkapasok ng kwarto ay isinara ko na agad ang pinto. Nagulat ako nang may makitang bulto ng katawan na nasa harapan ko sa loob ng kwarto.
What the f**k?! Sino 'to? Impostor na ba 'to? Mamamatay na ba ako ngayon?!
Nagtitingin tingin ako ng pwedeng mahampas na matigas na bagay sa magkabilang gilid ko pero wala akong makita.
Nilingon ko 'yung hawak kong tatlong bear at walang pag iisip na pinagbabato isa isa 'yon sa taong nasa harap ko.
"Shoo! Shoo! Wag mo muna ako patayin impostor ka! Hindi pa nga nag iinit yung puwet ko dito sa mansion na 'to mamamatay na agad ako!" sigaw ko sa kanya habang binabato isa isa 'yung tatlong bear na napalanunan ko kanina.
Hinarang harang n'ya na'man 'yung dalawa n'yang palad sa mga pinagbabato ko.
Napansin ko na 'yung kulay ng suot suot n'yang suit ay kulay Blue.
"Labas labas! Shoo!" pagtataboy ko pa sa kan'ya. Para na akong engot dito, alam ko naman 'yon.
Nasa isang survival game ako tapos itataboy ko 'yung impostor pag nasa harap ko na? Ay! Jusko, ewan ko sa'yo Aiko. Ikaw ang tatanga tanga hindi ang kuya mo.
"Ano ba hoy! Si Aki 'to! Bobo ka ba ha? Sisipain kita! Bato ka ng bato!" sigaw nung nasa harapan ko which is player Blue.
Napatigil ako sa pag sigaw at pag tili nang marinig kong magsalita 'yung player na 'yon na nag trespass sa kwarto ko.
"Bwisit 'tong babaeng 'to. Ikaw na nga lang chinecheck sa kwarto mo kung ayos ka ba o baka napugutan kana ng ulo o nagilitan sa leeg ng impostor tapos tataboy mo pa ko?!" sigaw pabalik sa akin nung player Blue.
"Kuya?" tanong ko sa kan'ya. Hindi ko marinig ng maayos 'yung boses n'ya dahil sa suit na suot suot n'ya.
"Oo bobo ako 'to. Sipain kaya kita d'yan puro ka bato." singhal n'ya pa sa'kin.
Kinunot ko 'yung noo ko at masamang tumingin sa kan'ya. Para na'mang makikita n'ya kong nakatitig sa kan'ya.
"Eh bobo ka pala eh? Malamang ganun reaksyon ko eh hindi ko na'man alam na 'yung panget ko palang kambal ang nag trespass sa kwarto ko!" singhal ko na'man pabalik sa kan'ya.
Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to. Tanga tanga.
"Sino ba na'mang 'di magugulat kung pagpasok n'ya ng kwarto may bubungad na isang player?! Tapos simula pa ng survival game na 'to?! Malay ko ba na ikaw 'yan kaya akala ko ikaw 'yung impostor leche ka!" sigaw ko pa sa kan'ya.
Mukhang natauhan na'man 'yung tanga kaya natahimik.
"Oo nga, no." pag sasang-ayon n'ya.
"Bobo ka kasi!"
"Ikaw 'yung bobo!"
"Mas bobo ka!"
"Ultra bobo ka na'man!"
"Hari ka na'man ng kabobohan!"
"Ikaw bobo ka na mukha ka pang butiki!"
"Hiyang hiya na'man ako sa'yo! Bobo ka na nga babaero ka pa akala mo na'man ang gwapo gwapo mo!"
Sigawan na'min sa isa't isa at nagbatuhan ng stuff toys.
Nakakabwisit talaga 'tong kupal na 'to! Bakit ko ba 'to naging kambal? Argh!
THIRD PERSON'S POV
Napatigil ako sa isang pintuan nang may marinig na ingay.
"Bobo ka kasi!"
"Ikaw 'yung bobo!"
"Mas bobo ka!"
"Ultra bobo ka na'man!"
"Hari ka na'man ng kabobohan!"
"Ikaw bobo ka na mukha ka pang butiki!"
"Hiyang hiya na'man ako sa'yo! Bobo ka na nga babaero ka pa akala mo na'man ang gwapo gwapo mo!"
"Kaysa na'man sayo
Napatawa nalang ako ng mahina nang marinig ko 'yung pagtatalo nung dalawa.
Kahit kailan 'di na sila nagkasundo. Sila na nga lang ang magkamukha, puro pa sila bangayan.
Nawala ang ngiti ko nang may maalalang bagay na gagawin ko ngayon. Kung bakit ako napadaan rito.
I need to take action and kill one of the participants right now.
Ang ilan sa mga kalahok ng larong 'to ay may kan'ya kan'yang ginagawa.
Didn't they even think about going into groups? Hindi ba nila alam 'yung mismong laro ng among us na kung saan pag mag isa ang isang player ay do'n nagkakaroon ng tyempo ang impostor para pumatay?
Honestly, I don't want to do this. I don't want to kill someone, even just a single life. But I don't have any other choice but to do it.
Nilihis ko na 'yung paningin ko sa pintuan ng kwarto ni Aiko at kinuha ko na 'yung sobrang nipis na itim na sinulid na itinago ko sa may halamanan dito sa gilid.
We have the same floor with the other girls. That's why when I got a chance, tinago ko isa isa 'yung mga gagamitin kong armas para pumatay ng mga players.
Itong suit na 'to ay hindi gaano kalakihan para paglagyan ng armas sa loob. Ang nasa vault ko ay may mga kung ano anong weapons like; a saw, screwdriver, an ax, a gun with different types, rope. And some are scientific weapons just like this one I'm holding right now.
It looks like a normal thread but this thread is so sharp to the point that I wounded myself when I first touched this.
Ito ang una kong gagamitin to exterminate some players.
I don't have any plans na magtagal bilang isang impostor ng larong 'to. I'll just dispose some players and surrender myself when they're voting. Pag medyo marami rami na akong napatay.
That's my plan from the very start, just by guessing myself if I'll be the impostor by any chance.
Yun lang na'man gusto ko. I'll dispose some of the players para hindi na mahirapan si Aiko sa pag identify ng magiging susunod na impostor.
I know she'll might hate me for doing these once she knows my real identity but I'll still take the risk.
I don't want her to get hurt. Even her twin, Aki. I'll make sure they're safe.
Inispread-out ko na 'yung white thread na hawak ko sa dalawang kamay ko at nagsimula ng maglakad.
If this is the only way for those twins to survive here in this f****d up game, I'll make it easy for them.
--
Paglabas na paglabas ko ng pathway ay dumiretso ako sa sala. Nakita ko ang dalawang player na nanonood sa isa sa mga TV dito sa living area.
There are 2 TV's here on the living area and the one shows the map of the whole mansion. The other one cna be use for us to entertain ourselves.
Player Brown and Orange are watching something on the TV. I think it's a netflix film.
Hinigpitan ko 'yung hawak ko sa thread na gagamitin ko for killing one player today at tinignan silang dalawa.
I thought I can kill brown here kasi s'ya lang mag isa nandito and the other players are busy entertaining themselves on different rooms inside the mansion.
Turns out, naburyong si Orange sa kakakain sa kusina at naririto na sa sala tumambay.
I planned to kill one for each of the days and then the second day of each of the rounds is for them to analyze who did it.
That's my plan.
Lumingon sa akin si Orange. I actually wants to go to the security room and look for an alone victim but I guess I have to waste some of my time here para iwas suspicions.
Lumakad ako papalapit at umupo sa gilid nilang dalawa. I just stared at the screen of the TV. Hindi ako actually nanonood, makikiramdam lang ako sa dalawang 'to.
Maya maya pa ay naramdaman kong tumayo si Orange sa gilid ko. Naglakad s'ya palayo. Kaming dalawa na lang ni Brown ang natitira dito sa sala.
After a few minutes, Brown stood up at umalis na sa sala. Nilingon ko kung saan s'ya pupunta. He/She's headed to the kitchen, siguro nagutom.
Tumayo na din ako at pinatay ang switch ng TV. I clicked something inside my suit using my thumb at nag show sa screen ng suit ko sa may bandang mata ang location ng each of the players.
This kind of suit is different from others suit. This suit is exclusive only for the impostor.
I can see that the twins are still inside of Aiko's room. Hindi na'man malalaman ng game master ang tungkol do'n na pumasok do'n si Aki, I turned off the lights in front of Aiko's room so that Aki can enter inside without the game master knowing about it.
Kita ko pa sa screen na may isang player na mag isa lang. It's Orange.
He/She's walking alone inside the pathway. Walang kahit isa na player na papalapit sa kan'ya. Guess Orange is my first kill.
In-off ko na 'yung screen at naglakad papasok sa pathway. I know her exact location now, papunta s'ya sa room n'ya.
Inunahan ko na s'ya sa harap ng kwarto n'ya at nagtago sa likod ng isang statue sa labas ng pathway.
I can see her now from here.
Habang papalapit s'ya, nakahanda na yung thread ko para ipulupot sa leeg n'ya.
When Orange is already in front of her door's room and about to open it nang pumwesto ako sa likod n'ya at ipinulupot ang sinulid sa leeg n'ya.
Nagpumiglas s'ya nang nagpumiglas pero hindi n'ya maalis ang sinulid sa leeg n'ya na nagsisimula ng bumaon.
I can tell base on her strength and movements in a distance like this na, babae s'ya. Orange is a girl.
She can't scream dahil sa thread na paunti unti nang bumabaon sa suit n'ya palapit sa balat ng leeg n'ya.
She tried to struggle more pero lalo ko lang hinigpitan yung pagkakapulupot.
Maya maya pa ay nagsisimula na akong makakita ng dugo galing sa leeg n'ya meaning, medyo bumaon na sa leeg n'ya yung sinulid.
Mas lalo ko pang hinigpitan at maya maya pa ay tumigil na s'ya sa kakagalaw. That only means that she's already dead.
Inangat ko 'yung suit n'ya sa bandang leeg at kitang kita ko na bumaon halfway 'yung sinulid ko. This thing's really sharp.
Blood started spreading throughout my suit sa bandang kamay. Dahan dahan ko s'yang nilapag sa sahig.
Inalis ko na 'yung natitirang tabing n'ya sa mukha at nakita ko kung sino ang napatay ko. It's Riley.
Both of her eyes is widely opened na mukha talagang she's in shock when I started strangling her.
Tumayo na ako habang nakatitig pa rin sa view sa harap ko. I killed one, I can't even believe it.
Tumingin ako sa paanan ko. Buti nalang walang sumayad na dugo. Naglakad ako palayo at pumasok sa kwarto ko.
I started cleaning my suit. It's easy to clean this.
Hinubad ko 'yon at nilagay sa washer dito sa loob ng kwarto ko. That washer is high-tech.
Everything inside this mansion is made by science.
Maya maya pa ay kinuha ko na 'yon at muling isinuot. Looks like new.
Pumasok ako sa isa sa mga pinto sa loob ng kwarto ko. Good thing about being an impostor is that I have a lot of hiding place.
Pagkapasok ko sa pinto na 'yon ay napunta ako sa game room. No one's here.
Kinuha ko na lang 'yung billiard at nagsimulang maglaro.
I was busy playing nang mapansin ko sa peripheral vision ko ang pagpasok ng isa sa mga player. It's white.
Pumunta s'ya sa arcade machine at nagsimulang maglaro.
Tinuloy ko nalang ang paglalaro at hindi na s'ya pinansin.
Napatigil kaming dalawa ni White sa paglalaro nang biglang may narinig kaming red alert sa buong mansion.
"A body has been found!" the speaker said. Hindi 'yun boses ng game master, it's an automatic voice na kapag may na-report na katawan ay bigla nalang magsasalita.
Speaking of reporting, there's a lot of red buttons inside the mansion. So, kapag may nakitang body, madali nalang 'yong marereport ng kung sino ang makakakita.
I guess someone already saw Riley's body.
Oh well, time to check it out and act like an innocent looking goat.