AIKO'S POV "So.. aalis ka ba?" mahina kong tanong kay Dark habang nilalaro gamit ang dalawa kong paa ang tubig sa pool. Nandito kami ngayon sa labas ng hotel rooms, sa may pool side. Gabi na, probably 8 pm na in the evening. Nakita ko lang kanina si Dark na nandidito sa labas nung lumabas ako. Nakaupo s'ya sa gilid ng pool na akala mo ay malalim ang iniisip. Tinabihan ko s'ya, at hindi s'ya nagsalita simula kanina nang dumating ako. Ngayon ko lang binasag ang katahimikan. "Wag mo sayangin 'yung chance, pwede kana makalabas dito oh. You should go, you have to.." dagdag ko pa sa sinabi ko kanina. Tinuloy ko ang mahinang pagtatampisaw sa tubig ng pool gamit ang mga paa ko, naghihintay ng isasagot n'ya. Nilinis na 'tong pool kaninang matapos ang bonus event na 'yon, which is si Dar

