AIKO'S POV Pagdating sa pagpigil ng hininga ay wala akong masyadong p-problemahin dahil sa school ko, naging swimmer ako pero saglit lang na panahon kaya abot lang ng 30 seconds ang kaya kong itagal sa ilalim ng tubig. Sa tingin ko na'man kaya na 'yon? Bibilisan ko nalang ang paghahanap. Wala akong maaninag na kung ano pa kundi ang pulang tubig lang ng pool pagkasisid na pagkasisid ko. I'm holding my breath and trying hard not to open my mouth kahit na maliit lang, ayokong malasahan ang tubig na 'to. There are pieces of human body and animals here. Gusto kong sumuka nang maisip nanaman 'yon pero tinatagan ko ang loob ko. For sure na'man nasa pinakailalim ang mga laman loob na kailangan na'min hanapin. Even the decoys. Narating ko na ang ilalim sa unang sisid ko. Pero wala tal

