Chapter 37

1763 Words
AIKO'S POV Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi ni Dark. Natigil ang pag kikilig ko nang mapansin ang parang itim na water proof na tela na nakapatong sa kabuoan ng pool. Kumunot ang noo ko at nagtaka. Nakahilera ang ilan sa mga staff ng Game Master sa buong paligid ng pool. Lahat sila ay nakasuot ng maskara. Ang pinaka pinagtataka ko ay ano ang meron sa pool kaya may nakatakip doon? Hindi ba sabi another bonus event 'to? Ano 'yun? Hindi na ako mapakali, gusto ko na malaman kung ano. Iba talaga kutob ko eh, siguro may mga hayop d'yan na nangangain ng tao tapos lulusob kami sa pool? Ganun ba 'yon? "Welcome! My dear players! I will explain your current dashboards and the mechanics of this day's bonus event! Aren't you guys excited?" magiliw na bati sa amin ng Game Master pagkasulpot palang n'ya sa screen ng TV. Kita ko nanaman ang bandang bibig n'ya. Nakakalokong ngisi na halatang s'ya ang kauna unahang taong mag e-enjoy para sa bonus event na 'to. Ay, sinabi ko bang tao? Mali pala. Demonyong nagkatawang tao pala dapat. "So first, let me announce to all of you, your current dashboard earnings since the first day of the game up until now." sabing muli ng Game Master. Maya maya pa ay napalitan ng dashboard na'min ang nasa screen ng TV Here's the current dashboard earnings: Aiko - 7m Aki - 7m Dark - 7m Lili - 7m Carla - 7m Eric - 7m Ayumi - 10m Yun ang lumabas sa dashboard. "Naging split ang screen ng TV kaya ang kabila ay nakikita ang dashboars at ang kabila na'man ay ang mukha ng Game Master, ang nakamaskarang mukha n'ya. Lol, ang corny. Bwisit Aiko. Tumingin ang Game Master sa gilid n'ya kung saan nakalabas ang dashboard na'min at bumaling sa amin ulit bago s'ya nagsalita. "As you can see, 2m were added to each one of you since you're not the one who got killed by the impostor while still here in my resort. And also since Ayumi is the one that got eliminated, she received a 5m and will be delivered automatically to her family. And of course our impostor, one of you survivors, is the impostor and now has 10m reward." mahabang paliwanag n'ya kung bakit ganoon ang nakalagay sa dashboard. Napa 'ahh' ako. Kaya pala ganoon nalang ang nakalagay na amount sa bawat layer ng player name. Napatitig ako sa screen kung nasaan ang Game Master. Nagtaka ako, bakit parang mas nakakatakot 'yung aura ng ngisi n'ya kumpara kanina? Sabi na nga ba eh, may masamang balak talaga 'to sa tinutukoy n'yang bonus round. "And now.. the bonus event! This is called the bonus event since this will benefit you a lot when it comes to money. Big rewards will come to those who will do well in this event." dagdag n'ya pa. Sus! Ang sabihin n'ya, malaki rewards pero mas malaking trauma na'man ang balik sa amin. Demonyo ka talagang tunay, amazing. Tinaas n'ya 'yung kamay n'ya at mukhang hudyat 'yon para sundin ng mga tauhan n'ya ang iutos n'ya. Parang alam na nila na pag ginawa nila 'yon, kikilos na dapat sila. Ang ilan sa mga nakahilerang mga tauhan kanina ay naglakad papalapit sa nakatakip na pool. Itinaas nilang lahat 'yon at bumungad sa amin ang halos kulay dugong swimming pool. Alam ko parang kung anong liquid lang ang nilagay nila doon para maging red pero ngayon kasi parang kulay dugo na talaga 'yung nangyari sa pool. Wala ka ding maaninag na kung ano sa ilalim no'n. Napatakip ako sa ilong mo nang dumungaw ako doon sa sobrang curious. Sobrang landa ng amoy! Parang amoy patay na tao. Teka, wag mo sabihing totoong dugo ang ibang hinalo dito? Pero imposible! Ang laki nitong pool na 'to, ilang bucket ng dugo ang kailangan dito bago kumulay ng ganito! "As you can see, this is my bloody pool. It will be used for the bonus event game today. So let me reveal the mechanics of the game." sabi n'ya sabay ngisi ng nakakaloko. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng matinding kaba at takot sa buong katawan ko nang makita ko 'yon sa kan'ya. Ngitiang walang mabuting gagawin. "The game all of you will be playing is a game I invented myself called BLOODY POOL: FINDING THE MISSING PIECES." kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang title ng larong lalaruin na'min ngayong araw. Finding the missing pieces, wag na'man sana tama ang iniisip ko. "Inside that bloody pool, there are pieces scattered. Pieces of AYUMI'S BODY. And all of you will have to dive in to the bloody pool and find body parts of ayumi as much as you can. Every wrong piece of meat you'll find, will deduct a point." dagdag n'ya pa na halos ikahimatay ko. Nanlambot ang dalawa kong binti at muntikan nang mapaupo nang maalalayan agad ako ni Dark. Nanginginig ang mga palad ko at ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. Joke lang 'to, hindi ba? Kung panaginip lang lahat ng 'to, please gustong gusto ko na magising. "That's right. You have to play the game, all of you MUST play the game since this has a big reward. The one who will find the most pieces of Ayumi's body in less than 5 minutes, will have a high chance of gettng out of my mansion for good. And also, each pieces of Ayumi's body parts has cash inside it. It is your choice if you will search for the money inside every piece you'll found in the pool to check if it's the right one. But I guess, some of you can't handle that much part." pagpapaliwanag n'ya pa sabay halakhak ng pagkalakas lakas. Nakakapit pa rin ako sa braso ni Dark dahil pakiramdam ko anytime bigla nalang akong matutumba at iiyak. Tinignan n'ya ako ng may bakas ng pagaalala sa mga mata n'ya. "Hey, are you okay? You don't have to play it if you don't want to. Although there is a high chance to finally get the f**k out of here if we play that stupid game." frustrated na sabi n'ya. Takot ako, oo. Malaking trauma ang magiging epekto sa'kin ng laro ko pero kailangan ko 'yong gawin, kailangan kong makaalis dito sa impyernong 'to bago pa ako masiraan ng ulo. "M-maglalaro ako." nauutal na sagot ko kay Dark. Hinawakan n'ya ako sa magkabilang pisngi ko habang alalang alalang nakatingin sa mga mata ko. "Are you sure? We can find another way to get out of this hell." pangungumbinsi n'ya sa akin. Ramdam ko 'yung matinding concern galing sa kan'ya. Ayoko na'man s'yang mahirapan. Alam kong mahirap para sa akin 'to pero dapat kayanin ko. Ayoko na hayaan silang mag adjust sa akin. "Hindi, maglalaro ako." final na sabi ko kay Dark. Tumango tango na'man s'ya. "So, let us begin!" may galak na sabi ng Game Master. Kumilos ang mga tauhan n'ya at binigyan kami tig iisa ng goggles. Pero goggles lang talaga ang binigay, wala manlang mask para matakpan ang bibig or oxygen gas. Kasi hindi rin buro ang laki ng pool na 'to sa ibang mga ordinaryong swimming pool na nakita ko. Napalunok ako sa kaba. Maisip ko palang na makakainom ako ng tubig na may halong laman loob ng tao o di kaya ay dugo, nasusuka na ako. Napatingin kay Dark. Nginitian n'ya ako ng tipid na s'yang sinuklian ko rin na'man ng isang ngiti na may pagaalangan. "Wear all your goggles now! And wait for my signal before you dive inside that bloody pool, understood?" nag 'YES' laming lahat bilang pagpayag sa sinabi ng Game Master. "Dive in there in 3..2..1 GO!" sabay sabay kaming nag dive doon at tinikom ko talaga ng mabuti 'yung bibig ko para walang malasahan na kung ano. Halos wala ding silbi ang goggles na suot suot na'min dahil wala halos makita sa ilalim noon. Can we win this? FERNANDO'S POV earlier "You can hurt them while the game is on going, through underwater." dinig kong sabi ni Spade kay Lili. Nasa likuran ko silang dalawa at prenteng nag uusap habang ako ay nakaupo lang sa swivel chair. "Is the Game Master okay with it?" I heard Lili asked Spade. Humarap ako sa kanilang dalawa at ngumiti ng pagkalaki laki. "Yes! When did I refuse an idea that involves hurting and blood?" magiliw na sabi ko sa kanila. Tinitigan ni Spade si Lili. "So? Isn't that a good idea?" Spade asked Lili. "Hmm." mahinang sabi ni Lili "Okay, I will." dugtong n'ya pa. "That's my babe." pagpuri ni Spade kay Lili at bago ko pa sila makitang maghalikan sa harapan ko ay tumalikod na ako. I know he wouldn't hear what is going on my mind right now because he's busy. Mas dumadami ang imahe na nakikita ko sa utak ko kada dumadating ang mga araw. And I often think that all of us here are all connected to each other, in different ways. Ewan, alam kong weird pero may nararamdaman talaga akong ganon. I always see 2 kids in the images that is always showing inside my head pero malabo ang mga mukha nila. Ano bang ibig sabihin noon? "Papa! Up up up!" a girl's voice said. Napatingin ako sa may bandang binti ko nang maramdaman ang yakap ng batang nandoon. Wala s'yang mukha. Malabo. "Up up papa!" muling sigaw ng bata sa akin. Binuhat ko s'ya sa pagaakalang baka pag ginawa ko 'yon ay makita ko ng malapitan ang mukha n'ya pero ganun pa rin, sobrang labo pa rin ng mukha ng batang 'to. "Yehey! Papa! I love you papa!" niyakap ako ng batang bitbit bitbit ko. Ako ba tinatawag n'yang papa? Pero wala na'man akong maalala na may anak ako. "Ikaw talaga! Nabibigatan si Papa sa'yo ang taba taba mo eh!" dinig kong sabi ng isang batang lalaki at paglingon ko ay nandoon s'ya. Pero kagaya lang ng batang babae na hawak hawak ko, malabo rin ang mukha n'ya. "Ihhh! Si Kuya papa oh inaaway nanaman ako!" nakaharap sa akin ang ulo ng batang babae na binuhat ko habang sinasabi 'yon. Ako nga talaga ang tinatawag nilang papa. Pero wala na'ma akong anak ah. Bakit ko ba nakikita ang mga imaheng 'to. Hinawakan ko ang ulo ng batang lalaking 'yon at ginulo gulo. Parang pamilyar sa akin 'yung pakiramdam at itong buong eksena na 'to. Pero ano ba talaga 'to? Sino ang dalawang batang 'to na lagi akong dinadalaw sa mga panaginip ko? Kilala ko ba sila? May mga anak ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD