Chapter 36

1751 Words
AIKO'S POV "It'll be okay." dinig ko pa ulit na sabi ni Dark. Nakatitig pa rin ako sa daan na dinaanan nila Kuya at Lili, kahit wala na sila doon. Napanguso ako sa harapan ni Dark. Bigla na'man s'yang umiwas ng tingin nang makita 'yon. Napatikom ako ng bibig ko nang maalala 'yung sinabi n'ya nung nakaraan sa akin tungkol doon. "I told you not to do that in front of me. I might kiss you anytime." sabi n'ya sa akin habang nakaiwas pa rin ang tingin. "Sorry, nakalimutan ko." paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya. Tinignan n'ya na'man na ako muli sa mata at nginitian. "That's okay. For now, let's just let them both. Just as I said, baka may dahilan kung bakit ganoon si Aki." pangungumbinsi n'yang muli sa akin. Tumango tango nalang ako. Siguro nga, baka nga talaga may dahilan si Kuya bakit biglang naging ganoon ang kinikilos. Hindi ko lang talaga maintindihan bakit hindi n'ya manlang masabi sa amin, sa akin, kung anong meron. Pero bahala na, hahayaan ko nalang muna s'ya. ERIC'S POV (BROWN) "Carla!" sigaw ko sa kan'ya. Todo lakad pa rin s'ya na akala mo ay walang naririnig. She just walked out right after the announcement of the Game Master about Ayumi's death. Kailangan kong makasiguro na hindi s'ya ang gumawa noon kay Ayumi. She already killed Paulo, it is possible for her to do it again. "Carla!" pagtawag kong muli sa kan'ya. This time, tumigil na s'ya sa paglalakad at nahawakan ko s'ya sa braso. Iniharap ko s'ya sa akin at nakita ko ang wala n'yang ekspresyon na mukha. "Why? Are you suspecting me? That I'm the one who killed Ayumi?" tanong n'ya sa akin pagkaharap na pagkaharap na'min. Hindi ako agad nagsalita. Tinitigan n'ya ako na may nakakalokong ngiti sa mga labi n'ya at tingin na parang sinasabi n'yang hindi s'ya makapaniwala na pinaghihinalaan ko s'ya. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Tama ako hindi ba? You think that I'm the one who killed Ayumi? Hindi ba?!" napataas ang boses n'ya sa sunod sunod na tanong n'ya sa akin nang hindi ako agad nakapagsalita. Napapikit ako. "Oo! Yun ang unang pumasok sa isip ko nang sabihin sa announcement kanina na patay na si Ayumi! Ikaw! I saw you killed Paulo before! I just wanna make sure if you did it again or not!" hindi na ako nakapag timpi at nasabi ko 'yon ng diretsahan sa kan'ya. Tumawa s'ya ng tumawa nang marinig ang sinabi ko. "HAHAHAHA! Just as I thought. And here I am, thinking na may pakealam ka sa'kin tapos 'yun pala pinaghihinalaan mo na ako ng gany-" hindi ko na s'ya pinatapos sa sasabihin n'ya nang bigla ko s'yang hinalikan. At first, gusto n'ya pa umiwas. Hinahampas hampas n'ya pa 'yung dibdib ko pero nung nagtagal, parang nanghina na 'yung mga braso n'ya at naibaba n'ya nalang. Hinawakan ko na'man 'yon habang hinahalikan s'ya. I want her to feel that I do have feelings for her. And my feelings for her is true. "W-why?" tanong n'ya nang maghiwalay ang mga labi na'ming dalawa. Hindi muna ako sumagot sa kan'ya, I just stared at her. Mapungay ang mga mata n'ya na mas lalong naging dahilan para manlambot ang puso ko. Niyakap ko s'ya ng mahigpit. "Nagaalala lang ako sayo. Hindi ko na'man pinipilit na ikaw ang may gawa, that's why I asked you. At ngayon alam ko nang hindi nga ikaw ang may gawa noon kay Ayumi, I can see it in your eyes.." mahinang bulong ko habang nakayakap sa kan'ya. "Why.. are you like this? I tried to hurt you, I killed a person, why.. why are you still showing interest towards me?" mahinang tanong n'ya sa'kin. Napangiti ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya. "Because I know that is not the real you. Nagawa mo lang 'yon dahil sa mga nangyayari, I know that. Our situation pushed you to do those things." sagot ko sa tanong n'ya. Napapikit ako nang yakapin n'ya ako pabalik. I will protect you, until we got out from this place. AIKO'S POV Natapos kami kumain ni Dark sa gilid ng pool nang may mapansin ako. Ilan sa mga staff ng resort ay may inaasikasong hindi ko alam kung ano. May mga bitbit silang mga sako na hindi ko alam kung ano. "May idea ka kung ano 'yung ginagawa nila?" tanong ko kay Dark. Umiling iling na'man s'ya habang nakatingin rin sa ginagawa ng mga staff. Maya maya pa ay nagtaka ako nang may nilagay siang kung ano sa pool, na naging dahilan para magkulay pula yung buong pool. Dumating sila Carla at Eric na parehas din na nagtataka sa nakita. Pulang pula na talaga 'yung pool, halos wala kanang makita kundi kulay pula lang. Bumukas bigla ang malaking TV screen na located dito at bumungad sa amin ang nakamaskarang Game Master. "Hello again my dear players! I assumed that all of you are wondering what is going on right now, am I right? About that bloody like pool in front of you now? This will be an another BONUS EVENT. I will explain the details of the game after my people, are all done packing things up!" sabi nito sabay biglang namatay ang TV. Nagkatinginan kami ni Dark. I know that he's feeling what I am feeling right now. Another event means another danger and gruesome scenes. Tama nga talaga ang hinala ko na may kakaiba talaga sa vacation na 'to. Nawala nga kami sa mansyon, may pool, may hotel, may bar, pero may mga kababalaghan na'mang mangyayari habang nasa resort na 'to. Kung ganito lang din ang kapalit ng ilang araw na pananatili rito, edi sana hindi na lang ako pumayag. Parang ano lang, bibitayin. Sa bitay bago ka bitayin, pakakainin ka muna ng masasarap na pagkain na tinatawag nilang last meal. Dito sa amin? Pararamdam sa'yo ang relaxation at magagandang tanawin bago mo maranasan ang mga bagay na kahit kailan hindi mo na-imagine na mararanasan mo. Siguro kahit makakita ako ng sinasalvage sa harapan ko wala na akong reaksyon. Sapat na itong mga nakita ko rito at naranasan para maging manhid ang mata ko sa mga ganung tanawin. Pero teka nga, ano ba talaga 'yon? Anong event nanaman 'yung binabalak ng demonyong 'yon? Duda ako eh, alam kong may gruesome nanaman na involve. Juicemother, serial killer ba 'tong Game Master na 'to? Nagpasya akong pumasok nalang muna sa kwarto ko at siguro matulog. "Akyat muna ako sa kwarto ko." pagpapaalam ko kay Dark. Tumango na'man s'ya bilang pagpayag at hinalikan ako noo. Naglakad na ako paakyat sa kwarto ko at liliko na sana nang makita ko si Lili at Kuya na nasa tapat ng kwarto ni Lili. As usual nakalingkis nanaman si Lili sa braso ni Kuya. Paano na ako makakapasok sa kwarto ko? Imposibleng hindi nila ako mapansin pag dumaan ako. Gusto ko muna silang iwasan, ganun din na'man 'yung ginagawa ni Kuya. As much as possible and as much as I can, ganon nalang din ang gagawin ko. Huminto nalang ako bago pa nila ako makita at sumandal sa pader. Siguro na'man papasok din 'tong mga 'to sa kwarto ni Lili. Antayin ko nalang silang makapasok na dalawa bago ako dumiretso sa kwarto ko. Oo tama ganun nalang gagawin ko. Iwas awkwardness na din. Maya maya pa ay hindi ko na maiwasang hindi makinig sa pinagu-usapan nilang dalawa. "What? Ano bang inaarte arte mo d'yan ha? If you want to get what you desire to better follow what I ask you to!" singhal ni Lili kay Kuya. Hindi na'man nagsalita si Kuya. Napakunot ang noo ko, anong meron? Ano 'yung sinasabi ni Lili na 'get what you desire'? hindi ko maintindihan. Medyo nilapit ko pa 'yung tenga ko sa direksyon nila para marinig ng maayos 'yung sasabihin nila. Gusto ko malaman kung ano 'yung pinaguusapan nila. May kailangan ba si Kuya kay Lili? Kung meron, ano? Ano 'yun? Gusto kong malaman. Pero kanina pa ako nandito wala na akong narinig na sunod pang mga karugtong ng paguusap nilang dalawa. Ayaw ko na'man silipin, mamaya andoon pa makita pa ako. Paktay na. "Gather in the pool area now." napaigtad ako sa gulat nang marinig ang malakas na announcement ng isa sa mga staff ng resort. Alam ko boses ng Game Master kaya halatang hindi s'ya ang nagsalita. Isa ata s amga announcer. Wow announcer, sosyaling gurang. "Let's go to the pool area. I wanna see the Game Master's new event. This will be exciting." narinig ko 'yung boses ulit ni Lili. Umalingawngaw ang tunog ng pagtapak ng heels hudyat na naglalakad na sila. Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumaba ng hindi naglilikha ng kahit na anong tunog. Taas baba ang dibdib ko sa sobrang hingal sa kakababa. Muntik na ako dun ah. Naglalakad na ako at sinalubong agad ako ni Dark na may nagtatanong na tingin. "Bakit ka hinihingal? Is there something wrong? You can tell me, what is it? What's the matter?" sunod sunod na tanong ni Dark nang makarating ako sa harapan n'ya. Umiling iling ako ng sunod sunod habang hinihingal pa din. Napahawak na ako sa dibdib ko habang nagi-inhale exhale. Magkahalong kaba tas hingal, bilis din ng t***k ng puso ko. Akala ko mahuhuli nila ako. Inabutan ako ng tubig ni Dark at walang ano ano pa ay tinungga ko 'yon. Huminga muna ako ng malalim ng dalawang beses bago ako nakapagsalita. Pero naunahan na ako ni Dark. "Ohh, you were eavesdropping. Is that it?" nakakalokong tanong n'ya sa akin habang nakatingin sa bandang likuran ko. Napalingon ako sa tinitignan n'ya at nakita si Kuya at Lili na naglalakad na rin papalapit sa amin. Binalik ko ang tingin ko kay Dark at ngumiti ng malawak. "I think that means yes." nakangiti n'yang sabi. "Eh, kasi.. paakyat ako sa kwarto ko hindi ba. Tapos narinig ko sila nag uusap, hindi ko na'man sinasadya! Narinig ko lang talaga.." mahina kong sinabi ang huling mga salita. Ramdam kong namumula ang magkabila kong pisngi. Arghh, nakakahiya. Narinig ko s'yang humagikhik ng mahina. Tinignan ko s'ya sa mukha at sinimangutan. "Ano tinatawa tawa mo d'yan ha? Ako ba? Hindi ko na'man kasi talaga sadya marinig pinag uusapan nila!" sabi ko sa kan'ya na may nagtatampong tono. "You're just so adorable that's why I didn't hold myself back." sagot n'ya na'man na dahilan para mas lalong mamula ang magkabila kong pisngi. Hinawakan n'ya 'yon gamit ang dalawang palad n'ya. "That is why I love you..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD