Chapter 35

1768 Words
AIKO'S POV Natapos ang announcement ng Game Master kaya nagsi-balikan na sa kani kanilang pwesto ang mga staff o tauhan sa resort na 'to. Kahit si Carla ay umalis na rin na sinundan na'man ni Eric. Mukha pa s'yang nagmamadali nang naglakad palayo si Carla sa kan'ya. Ano kayang meron? "I think you might wanna ask your brother about Lili? Mukhang aalis na silang dalawa. Look." biglaang sabi ni Dark na naging dahilan para lumingon ako sa kinatatayuan nila Kuya at Lili kanina. Oo nga! Palakad na sila palayo! Mas lalo akong sumimangot sa tindi ng tampo ko kay Kuya. Ni hindi manlang n'ya kami naisipang puntahan at kinausap kahit saglit! Nagmartsa ako papalapit kela Kuya. Aawayin ko talaga s'ya. "Hoy surot!" sigaw ko sabay hatak sa kamay ni Kuya na nakalaylay. Natigil sila sa paglalakad. Tinignan ako ni Lili mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay. Parang hindi s'ya ang Lili na nakilala at naging kaibigan ko. Nilipat ko ang tingin ko kay Kuya na diretsong nakatingin na pala sa'kin. "Ano? Wala kang balak na kausapin kami? Kanina ka pa kaya na'min hinahanap ni Dark! Bigla kana lang nawala tapos nung bumalik ka na, hindi mo manlang kami nilapitan kahit saglit! Ano bang problema mong surot ka h-" hindi ko na natuloy ang sunod kong sasabihin nang biglang magsalita si Kuya sa tonong hindi pamilyar sa akin. "Wala akong panahon makipagtalo sa'yo. Tara na." malamig na sabi n'ya sabay aya kay Lili. Naglakad sila palayo at iniwan akong hindi alam ang magiging reaksyon. "Hey, you okay?" dinig kong sabi ni Dark sa likod ko, nakasunod pala s'ya sa akin. Pero kahit na narinig ko na'man ang sinabi n'ya, hindi ako nagsalita. Hindi ko magawang makapagsalita matapos ang eksenang 'yon. What the actual f**k just happened? Si Kuya ba talaga 'yon? Bakit s'ya ganon? Anong problema n'ya? Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na naninikip ang dibdib ko. Bakit ganun? Anong nangyari? "Hey.. take it easy, okay? Maybe something happened to him that can possibly be the reason why he's acting weird like that." pag-aalo sa akin ni Dark nang mapansin n'ya ang itsurang mukha ko. "Hmm." sabi ko sabay tango tango ng dahan dahan. Hindi ko talaga maintindihan bakit ganoon ang inaakto ni Kuya. Akala ko ba iba ang tingin n'ya kay Lili? Nakikita ko 'yung mapanuring tingin n'ya kay Lili simula nung 1 day event tapos biglang gan'to na makikita ko silang magkasama na akala mo mag jowa? AAAAA BWISIT KA KUYA! AKI'S POV Napapikit ako nang mariin nang bigla kong iwasan si Aiko at naglakad palayo sa kan'ya. Alam kong nasaktan na 'yon sa mga inaakto ko pero kailangan ko 'tong gawin. May kailangan akong makuha, at isa ang pag iwas sa kan'ya ang dapat kong gawin bago ko makuha 'yon. "I like what you're doing, keep that up and you'll get sooner what you wanted.." malambing na sabi sa akin ni Lili habang naglalakad papunta sa room n'ya. Wag kayong mag isip ng kung ano ano, 'yun lang talaga dapat kong gawin. Isa 'yon sa ilang mga kondisyon ng babaeng 'to. Tinignan ko s'ya habang naglalakad. something really changed in her. Behavior n'ya, attitude n'ya kahit na personality n'ya mukhang nag iba. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit. Napakuyom ako sa kamao ko. Kung hindi ko lang 'to kailangan hindi ko na'man iiwasan sila Dark lalong lalo na si Aiko. Earlier Nasaan na kaya 'yun? tanong ko sa sarili ko nang hindi makita si Lili sa labas ng comfort room na pinanggalingan ko. Imposible talaga na nabuhat n'yang mag isa 'yung bangkay ni Ayumi! Bigla nalang s'yang nawala na parang bula. Liit liit ng katawan bubuhat mag isa ng patay? At babae pa talaga! "Are you looking for me?" Napatingin ako sa likod ko nang biglang may marinig na magsalita. Pagtingin ko ay si Lili. May bakas pa ng dugo sa mga daliri n'ya. Tama nga, s'ya nga ang gumawa no'n kay Ayumi. She is really the impostor. Itinaas n'ya 'yung kanang daliri n'ya na may dugo at dinilaan sa harap ko mismo. Napangiwi ako. What the f**k. "Hmm.." ungol n'ya pa na akala mo ay sobrang sarap ng dugong 'yon. Hindi ko pwedeng sabihin na strawberry syrup lang 'yon o kung anong sweet na mamula mulang liquid kasi halatang halata na dugo 'yon. "You're staring too much." sabi n'ya pa nang hindi ko alisin ang titig ko sa kan'ya. Unti unti s'yang lumapit sa akin at tinrace ang jawline ko. "You saw what I did, is that right?" mahinang tanong n'ya. Wait, is she seducing me? "Hindi ko nakita kung paano mo s'ya pinatay. Ang nakita ko lang ay 'yung hinila mo s'ya palabas ng female comfort room na 'yan." seryosong sabi ko habang nilalabanan ang mga titig n'ya. Lumayo s'ya ng kaunti sa akin bago nagsalita. "Oh, is that so. Well, I already put her body somewhere. Maya maya ay baka may makakita na no'n at ma-announce sa buong resort." sinusuklay suklay n'ya ang buhok n'ya habang sinasabi ang mga 'yon. Siguro wala na'mang masama kung itanong ko sa kan'ya 'yung hinihinala ko. "Ikaw ba ang impostor?" tanong ko. Tumingin s'ya ng diretso sa mga mata ko at ngumiti ng nakakaloko. "What do you think so? Isn't it obvious already? Huh, Aki?" sagot n'ya sa itinanong ko. "Naniniguro lang ako." pag amin ko sa kan'ya. Totoo na'man kasi. Ngumiti s'ya sa akin. "Follow me." sabi n'ya at nagsimulang maglakad. Hindi ako agad sumunod sa kan'ya. Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko nang lingunin n'ya ako ulit. Mamaya pag sinunod ko s'ya, ako na'man ang sunod na patayin n'ya. Mahirap na. Dapat sure lang lagi. "Oh, come on! I'm not gonna kill you, idiot. Do you want to know some secrets regarding this whole f*****g shits or nah? Your choice." dagdag n'ya nang mapansin na hindi ako sumusunod sa kan'ya. Secrets? Tungkol sa lahat ng 'to? Aish, bahala na nga. Naglakad na ako pasunod sa kan'ya. Nang sabihin n'ya 'yon ay nabuhay ang kuryosidad ko. Gust kong malaman kung anong mga sikreto 'yung tinutukoy n'ya. I want to know everything, even the smallest of the smallest details. I want to know it. ** Sinundan ko lang s'ya at napansin kong paakyay kami sa itaas na floor ng hotel. "Saan mo ba ako dadalhin? Kung papatayin mo ako gaya ng ginawa mo kay Ayumi at sa iba, just tell me right away." sabi ko sa kan'ya habang umaakyat sa hagdan pataas. Narinig ko s'yang humalakhak dahil sa sinabi ko. "Nakakatawa ka. Why will I kill you? You interests me." kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Anong interest her ang sinasabi n'ya? Naagaw ko pansin n'ya? Nang makaakyat sa itaas na floor ay may nakita kaming isang lalaking may katangkaran ang nag aabang doon. Sino 'yon? Nakasuot s'ya ng suit at isang maskara na kagaya ng suot ng Game Master. Nakalagay ang mga kamay n'ya sa dalawang bulsa ng suot n'yang slacks. Lumapit sa kan'ya si Lili at hinapit ng lalaki ang bewang n'ya sabay hinalikan. Napaiwas ako ng tingin nang magsimula silang maghalikan sa harapan ko. Sana all may kahalikan, no? Saka lang ako tumingin muli sa kanila nang ramdam kong ttapos na silang maghalikan. "He saw me." dinig kong sabi ni Lili sa lalaki. Tinignan ako ng lalaki nang sabihin 'yun ni Lili sa kan'ya. "Oh, is that so? Let's take him to your room." sabi ng lalaki sabay lakad pakaliwa kung saan makikita ang ilang mga kwarto. Sumunod si Lili sa kan'ya habang nakakapit sa braso ng lalaki. Sumunod nalang din ako sa kanila. Huminto kami sa isang kwarto. Nagtaka ako nang hawakan ng lalaki ang pintuan ni Lili gamit ang hintuturo n'ya. Biglang may sumulpot na maliit na bilog doon na unti unting lumaki. Parang nabutas ang pintuan ng kwarto ni Lili. Kitang kita na sa harapan ng pintuan ang loob ng kwarto. Naglakad sila papasok na hindi ko agad nasundan sa sobrang pagkagulat ko. Nang makapasok sa loob ay naupo silang dalawa sa may kama. Naiwan akong nakatayo. Tinignan ko 'yung pintuan at napansing bigla biglang nawala ang bilog na dinaanan na'min kanina. Parang portal na nakikita ko sa mga movies na napanood ko. Tumingin ako sa kanilang dalawa. Nakahawak 'yung lalaki sa hita ni Lili at paulit ulit na hinihimas. Sana all nalang talaga. Sana all may jowa. "Bakit mo ako pinasunod dito?" paunang tanong ko para kahit papano mawala 'yung awkward feeling. "Let me guess, you want to be the next impostor?" tanong ng lalaki na ikinalaki ng mga mata ko. "P-paano mo nalaman?" hindi makapaniwala kong tanong. Kahit hindi ko nakikita ang mukha n'ya, may feeling ako na nakatitig lang s'ya sa akin habang nakangisi. Ewan, tumayo bigla balahibo ko eh. "Just a thought." simpleng sabi n'ya. Just a thought? Wow. Grabe na'man 'to manghula, sobrang accurate. Psychic ba s'ya? "I'm not a psychic, that's a work suited for old woman." biglaang sabi n'ya na mas ikinagulat ko. Nababasa n'ya ba ang iniisip ko? "Yes. I do." sagot n'ya sa tanong na hindi ko na'man diretsahang sinabi. "I can activate a portal just by using the tip of my fingers, telepathy is a piece of cake." sabi n'ya pa. Oo nga na'man, kitang kita ko ang ginawa n'ya kanina. Nakakagulat lang talaga. "So, am I right on what I just said? You desire to be the next impostor?" tanong n'ya ulit sa akin. Sumeryoso ako. "Yes." simpleng sagot ko. Tumingin s'ya kay Lili at tumingin na'man si Lili sa akin. Parang may usapan sila na hindi na kailangan ng salita para magkaintindihan. "All you have to do is to stop talking to other people, including your sister." sabi n'ya. Napalunok ako bigla. Stop talking to my sister? Kaya ko ba 'yon? Kambal ko 'yon eh. "Ako lang ang dapat na sasamahan mo at kakausapin. And I assure you, you'll be the next impostor once the next voting starts." dagdag n'ya pa. Napaisip ako. Kung tutuusin simple lang na'man 'yung sinasabi n'yang kondisyon. Hindi ko lang kakausapin sila Aiko. Iiwasan ko lang na'man sila. Ang daling sabihin pero hindi ganun kadaling gawin lalo na't kambal ko 'yung iiwasan ko. Pero kailangan ko 'tong gawin. Kung hahayaan ko na iba ang maging susunod na impostor, mas lalong liliit ang tyansang makalabas pa kami ng buhay sa impyernong 'to. Napapikit ako ng mariin. Ang kailangan ko lang isipin ay ginagawa ko 'to para na rin sa kapakanan at kaligtasan ni Aiko. Dumilat ako at tumingin ng diresto sa dalawang taong nasa harapan ko na halatang nag aantay ng isasagot ko. "Deal.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD