Chapter 34

1019 Words
AIKO'S POV "Hindi mo pa rin ba nakakasalubong si Kuya? Hindi pa rin bumabalik dito?" unang tanong ko kay Dark pagbaba ko galing sa taas. Umiling iling s'ya. "Not yet. I also don't know where he is." Luminga linga ako sa paligid. Wala talaga si Kuya. Saan ba nagsususuot 'yung surot na 'yon? Napatingin ako sa bandang itaas ng puno at nakita ang isang may kalakihang TV. Wala pa 'yun doon kanina. Bilis na'man nila magkabit. Saglit lang ako nagbihis ah. "Good day my players." umalingawngaw sa buong resort ang boses ng Game Master. What is it this time? Another announcement? Dahil sa boses na 'yon ng Game Master naagaw ang atensyon ng lahat ng tao dito sa resort. Kahit na ang mga staff n'ya o ang mga tauhan n'ya, nakatingin lang sa screen ng TV. Luminga linga ako. Si Carla at Eric lang ang nakikita ko rito ngayon bukod sa amin ni Dark na players. Nasaan si Lili, Kuya at si Ayumi? Nang ilang minuto ay wala pa sila, Inilipat ko nalang ang atensyon ko sa screen ng malaking TV at nakita ang Game Master na nakasuot ng maskara. Kailan kaya na'min makikita 'yung totoong mukha n'ya? "I gathered all of you here today to discuss about something." panimula n'ya. Napalingon ako sa likod nang makarinig ng tunog ng heels. Kahit 'yung iba ay napalingon. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang mga dumating. "Lili? Kuya?" mahinang tanong ko. Oo, si Lili at si Kuya 'yung dumating. Napako ang tingin ko sa braso ni Lili na nakapulupot sa braso ni Kuya. Bakit s'ya ganoon makalingkis sa katawan ni Kuya? Anong meron?! Tinignan ko si Dark at pinukulan ng nagtatanong na tingin pero tinaas n'ya lang 'yung dalawang balikat n'ya na parang sinasabing 'hindi ko alam'. Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Lili. She's wearing a very sexy outfit. A revealing outfit which is very very VERY UNUSUAL! Her cleavage is really exposed! At ang fit sobra ng suot n'yang jeans na sa tingin ko ay manipis pa. She's wearing a black tube with two shoulder chain strap, a really fitted jeans which defined her butt shape and a black stilletos. She look.. different. Tinignan ko na'man si Kuya. Hindi na kagaya kanina 'yung suot n'ya pero angkop pa rin na'man sa resort. Mukha pang masama ang loob ni Kuya habang nakalingkis sa braso n'ya si Lili. Pero hindi n'ya rin na'man inaalis. "What a lovely sight that is." papuri ng Game Master sa dalawang taong dumating. Ngumiti na'man si Lili sa mukha ng Game Master na nasa screen ng TV. Oh, he can see us. Hindi lumingon direksyon na'min si Kuya at diretso lang ang tingin sa screen kung nasaan ang Game Master. Tumingin nalang din ako ulit doon. Tatanungin ko agad si Kuya mamaya pagkatapos na pagkatapos ng announcement na 'to. "So, I think I can continue what I'm saying now." sabi n'ya at umubo saglit bago nagsalita ulit. "My announcement is that, Ayumi is found brutally murdered in the storage room of the resort's hotel." sabi n'ya na labis kong ikinagulat. Ano?! Patay na si Ayumi?! Hindi manlang kami nakahalata?! Everyone seemed shock. Pansin ko sa mga mukha nila. Pero si Kuya, blanko pa rin ang tingin sa screen. May problema ba s'ya? Dapat lang talaga na kausapin ko s'ya mamaya. "Yes, you heard it crystal clear. One of my men found her dismembered body inside the storage room. With loose eyeballs, broken bones, her back's skin is removed and when we look thoroughly, it is inside her mouth. All of her teeth are removed also. Even her finger nails in her both hands and toe." pagpapaliwanag ng Game Master na muntikan na maging dahilan para masuka ako. Hindi ko lubos maisip kung anong itsura n'ya. "And I think, this is the doing of the impostor. Let me guess, not a single one of you didn't even noticed something? Although, I think you noticed that she's not there for a few hours or minutes. But the identity of my impostor is still unknown to each of you, I think I'm 100% correct at that, right?" tanong n'ya sa amin kahit alam n'ya sa sarili n'yang tama nga 'yung hinala n'ya. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang impostor sa mga nakakasama ko ngayon. "Even if you do know who is the impostor, you still doesn't possess the ability to can.. reveal his/her identity to me." pagkasabi n'ya noon ay ngumisi s'ya. Ramdam ko na dumurugo na ang ibabang labi ko dahil sa matinding pagkakagat doon pero wala na akong pakealam. Dahil alam kong tama s'ya. Wala kaming karapatan isumbong if possible na malaman na'min kung sino ang impostor sa loob ng tatlong araw. May ilang araw pa s'ya para pumatay nang walang pwedeng bumoto sa kan'ya kung may makakilala sa kan'ya. "So.. that is all! I am very amused to know that my impostor is doing a very excellent job killing each of you. That is one hell of a brutal murder scene! I love that!" mala-demonyong sigaw n'ya sabay halakhak ng malakas. Napakuyom ako ng kamao. Nagbaba taas din ang dibdib ko sa lalim ng hiningang pinapakawalan ko. I am furious. I want to scream my lungs out. Gustong gusto ko na makalabas sa impyernong 'to, pero ano nga ba ang magagawa ko? Hindi ko pwedeng sisihin si Kuya kung bakit andito kami dahil alam kong gusto n'ya lang magkaroon ng pera. It is me that I hate. Kung sana pinigilan ko pa si Kuya, hindi sana kami napunta rito. Napatingin ako sa kamay ni Dark na humawak sa palad ko. Napatingin ako sa mukha n'ya at bakas doon ang labis na pag aalala. Although I hate it here, kung hindi ako napunta rito hindi ko s'ya makikilala. Nginitian ko s'ya nang higpitan n'ya ang hawak sa kamay ko. Wala ng magagawa ang pagrereklamo ko at pagsisisi, nandito na kami. Kahit ano pang reklamo ko, wala ng magbabago. Hindi na'man kami makakalabas dito. Ang dapat ko nalang gawin ay alamin kung sino ba talaga ang impostor. At makalabas dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD