Chapter 33

1767 Words
AKI'S POV (BLUE) Gulat na gulat pa rin ako habang nakatingin sa natagpuan ko. Yun pala ang nakaharang kaya hindi ko mabuksan ng tuluyan 'yung pintuan ng cubicle. Ano 'yung nakita ko? It's the body of Ayumi. Napatakip ako sa bibig ko at napatapat sa inidoro saka dumuwal nang dumuwal. *aaack *aaackk Napasandal ako sa dingding ng cubicle na pinasukan ko. Parang gusto kong sumuka nang sumuka dahil sa nakita ko. Katawan ni Ayumi, habang 'yung ulo n'ya ay nakalublob sa inidoro. Patuwad 'yung pwesto n'ya kaya hindi ko mabuksan 'yung pintuan kanina. Bali bali ang mga binti at mga paa. Maging ang mga braso n'ya ay nakatali sa likod. Hubo't hubad din s'ya at 'yung likod n'ya ay nabalatan. Tangina! Bakit hindi ko manlang naamoy 'yon?! Hindi ba dapat may maaamoy akong malansa? Bukang buka 'yung likod n'ya, kaya imposiblrng kahit ni katiting na amoy wala akong maaamoy. Pero wala talaga akong maamoy. Seryoso. Napalunok ako. Kahit nandidiri ay sinubukan kong buksan ulit 'yung pintuan ng cubicle kung nasaan ang katawan ni Ayumi. Alam ko na ang pwesto noon kaya madali ko nalang nabuksan ng maayos. Kahit nasa harapan ko na, wala talaga akong maamoy na kahit na ano. "Bwisit.." bulong ko bago ilapit ang ilong ko sa katawan n'ya. Wala talagang amoy, imposible. 'Sino ang may gawa nito sa kan'ya?' tanong ko sa isip ko. Wala akong maisip na tao na pwedeng gumawa nito sa kan'ya. Ni hindi ko pa kilala kung sino ang impostor. Nilingon ko ang palibot ng cubicle na 'yon. Nagtaka ako. Nabalatan 'yung likuran ni Ayumi. Pero wala akong makitang bakas ng balat ng likod n'ya rito sa cubicle kung saan ko s'ya nakita. Wala rin na'mang bakas ng mga dugo sa labas. Kung mayroon, nalaman ko na sana agad na may gan'to akong makikita rito. Napakagat ako sa labi ko ng madiin nang may maisip. "Putangina na'man. Dugyot na'man ng gumawa nito." asik ko. Lumunok pa ako ng dalawang beses bago ginawa 'yung naisip ko. Hinawakan ko 'yung dulo ng buhok n'ya at dahan dahan hinila. Mabigat 'yung ulo n'ya, hindi ko alam kung bakit gano'n. Hindi normal 'yung bigat. "Ay! Puta!" 'di ko naalalayan ng maayos 'yung pagkakahatak ko sa ulo kaya natumba 'yung katawan n'ya sa sahig ng banyo. Napaiwas agad ako ng tingin nang makita 'yung itsura ng mukha n'ya. Kaya pala mabigat, 'yung balat n'ya na hinahanap ko na nawala sa likod n'ya, nakapasok sa bibig n'ya lahat. Luwang luwa na rin 'yung mga mata n'ya. Dahil na rin siguro sa ilang minuto na nakababad 'yung mukha n'ya sa inidoro. "Fuck.. sino bang may gawa nito?" tanong ko. Mas lalo akong napaisip sa mga personalidad at ugali ng natitirang players na kasama ko. Are they really capable of doing such things to a person? At ganito talaga kalala? Those innocent looking faces.. capable of doing such horrible things to someone. Dahil sa larong 'to, malalaman kung ano at hanggang saan ang kayang gawin ng isang tao dahil sa pera. At para na rin makalabas. Alam ko na napilitan lang kami rito at hindi na'min ginustong pumatay, pero dahil sa role na 'yon bilang impostor, ang bagay na hindi mo alam na magagawa mo ay kaya mo palang gawin. Tama nga ang mga babala ng ibang mga matanda. Wag kang matakot sa patay, matakot ka sa kayang gawin ng buhay. Hindi mo alam, 'yung mga nakakasama mong maglakad o kumain may iba na palang iniisip na gagawin sa'yo. You'll never know the true identity and intention hiding deep inside a person's mind. ** Lumabas ako ng cubicle at naghugas ng kamay sa sink. Naghilamos na rin ako ng mukha at napatitig sa repleksyon ko sa salamin. Simula ngayon, wala na akong pagkakatiwalaan dito maliban nalang kay Aiko. Ang plano ko ay malaman kung sino talaga ang impostor bago pa s'ya makapatay ng iba. And if there's a chance I'll get chosen as the second impostor, I'll do it without hesitation. The reason? Gusto kong malaman kung kaya ko rin bang gawin ang bagay na kinamumuhian ko. Gusto kong malaman kung hanggang kaya kong pumatay ng tao dahil lang sa kagustuhan kong makalabas rito. At kung mangyari 'yon, na magawa kong pumatay ng tao, ako na mismo ang papatay sa sarili ko sa huli. Napalingon ako nang may marinig na kalabog galing sa pinasukan kong pintuan. Someone's here. Napalinga linga ako at nagpasyang magtago sa dulong banda ng lababo, sa ilalim. May mga halaman na nakadikit doon kaya siguro na'man, walang makakakita sa akin dito. Pinilit kong isiksik ang katawan ko doon at buti na'man nagkasya ako. Itinuon ko lang ang buong pansin ko sa pintuan, nag aabang kung sino ang papasok. Napahugot ako ng hininga nang makita kung sino ang naglalakad papasok ng CR. Lili? Coincidence lang ba na rito s'ya magbabanyo? Napatitig ako sa mukha n'ya. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa Lili na nakilala ko. Oo, nagsususpetya kami sa kan'ya, pero 'yang parang anghel na mukhang 'yan? Hindi ako makapaniwala. Yung itsura ng mga mata n'ya ngayon, alam ko na agad na may mali. Wala s'yang kahit na anong emosyon. Which is very unusual dahil hindi ganito si Lili. Anong nangyari sa kan'ya? Tinulak n'ya 'yung cubicle kung saan ko nakitang nakalublob si Ayumi na walang buhay. She knows it. Kitang kita ko mula sa pwesto ko na walang ano ano pa ay hinatak n'ya 'yung buhok ni Lili at kinaladkad 'yon palabas ng comfort room. Si Lili ang may gawa no'n? Is she the impostor? Pero bakit ganito, iba ang pakiramdam ko. Ibang iba talaga ang dating n'ya ngayon kaysa sa mga araw na nakasama na'min s'ya. Nag antay ako ng ilang minuto bago lumabas sa pinagtaguan ko. Paglabas ko ng comfort room na 'yon, wala akong makitang bakas sa labas na may kinaladkad na bangkay. What the f**k?! Ano 'yon? Kung bubuhatin n'ya 'yung katawan ni Ayumi sa ganoon katawan, hindi 'yon possible! Isang patay na katawan 'yon! Tapos babae pa ang bubuhat? That is impossible! Mas mabigat ang isang patay na tao kaysa sa buhay na tao pag binuhat. Alam ko 'yon dahil napag aralan na'min 'yon noon sa biology. Nagkaroon din ng training sa school na'min and I carried a mannequin that weights just like a dead body. At mas mabigat 'yon kaysa sa taong humihinga pa. How? Dahil ang patay na tao ay hindi na magagawang pagaanin ang sarili n'ya hindi gaya ng buhay na tao na pag binuha mo, kayang kayang magpagaan using their muscles. At isa pa, ang patay na tao ay nakalaylay ang ulo, paa at mga braso which makes them a lot more heavier to carry than an alive person. Tapos isang babae lang mabubuhat 'yon? Kung kinaladkad n'ya lang 'yung bangkay, sana may makikita ako rito sa labas na bakas ng dugo o basang trace pero wala. Malinis. Napakuyom ako sa dalawang kamao ko. Tama nga talaga ang hinala na'min ni Dark. Lili is the impostor. AIKO'S POV Ang tagal na'man ni Kuya. Saan kaya nagpunta 'yun? Luminga linga ako sa paligid. Kung tutuusin, hindi lang pala si Kuya 'yung wala rito. Baka nagpahinga sa mga kwarto nila? Siguro nga. "Are you sure you're already fine? Nothing hurts?" pagaalalang tanong ni Dark. Napatingin ako sa kan'ya at kita ko ang labis na pag aalala sa mga mata n'ya. Nginitian ko s'ya at sinuklay ko ang buhok n'ya. "Oo, ayos na ako. Wag kanang mag isip ng kung ano ano, okay?" paninigurado ko sa kan'ya. Tumango tango na'man s'ya at ngumiti ng tipid. Napatingin ako sa likuran ni Dark nang may mapansin. Teka, si Lili ba 'yon? Siningkit ko ang mga mata ko. She's with someone. Sino 'yun? Hindi ko maaninag 'yung mukha pero mas matangkad 'yon sa kan'ya. Ang postura rin ay parang lalaki. "Why? Is there something wrong?" tanong ni Dar nang mapansin na lumilinga linga ako. Hindi ko alam pero may nag uudyok sa akin na sundan si Lili. Gusto ko malaman kung sino 'yung kasama n'ya. "Ahh.." nag isip ako ng idadahilan. Tumingin ako sa katawan ko, basa ako. Alam ko na. "Ah, akyat muna ako sa kwarto ko. Medyo nilalamig na ako, basa pala ako. Magpapalit muna ako ng damit." I tried to sound as normal as possible. Hindi pwedeng mahalata n'ya ako. "Is that so? Do you want me to take you there?" tanong n'ya pa. Umiling iling ako at ngumiti. "Hindi na.. kaya ko na'man. Magpapalit lang na'man ako, bababa agad ako pagtapos." pangungumbinsi ko sa kan'ya. "Okay. After you change clothes, baba ka agad rito. We'll eat." tumango tango ako sa kan'ya. Ngitian n'ya na'man ako at hinalikan sa noo bago ako tumayo. Pagkatalikod ko sa kan'ya ay naglakad agad ako papunta sa hotel. Doon ko nakitang papunta si Lili at 'yung kasama n'yang lalaki. Luminga linga ako sa ground floor, nagbabakasakaling nandoon sila pero wala. Baka sa second? Umakyat na ako sa hagdan. Baka nasa kwarto n'ya. "Why are you following me? Do you need something?" napatigil ako sa pag akyat at napalingon sa likuran nang may magsalita. It's Lili. Pero wala s'yang kasamang lalaki. Nakakapagtaka. Sigurado akong may napansin akong kasama n'ya kanina. "I'm asking you. What do you want?" tanong n'ya ulit sa akin nang hindi ako sumagot sa una n'yang tanong. Nagtaka ako sa tono ng boses n'ya. She sounds so, formal. "Ah, wala na'man. Kakamustahin lang sana kita. At tyaka bakit ba gan'yan boses mo ha? Para ka namang kung sino." pagbibiro ko sabay tawa. Pero 'yung ekspresyon ng mukha n'ya ay wala pa rin binagbago. Ni hindi manlang s'ya ngumiti o kahit humagikhik manlang. What is wrong with her? "I'm fine, I don't need your concern." natigilan ako sa sinagot n'ya. "If that's the only reason why you're following me, then stop doing it." dagdag n'ya pa at tumalikod. "Wait!" pagpigil ko sa kan'ya. Dali dali akong bumaba sa pwesto n'ya. Humarap na'man s'ya sa akin na plain pa rin ang ekspresyon ng mukha. "May problema ka ba? Bakit gan'yan ka magsalita sa akin? We're friends, aren't we?" tanong ko sabay ngiti. Tinitigan n'ya lang ako nang walang emosyon ang mga mata. "We're not. Stop thinking that we are." huling sabi n'ya at tumalikod muli. Naglakad na s'ya palayo at ako ay naiwan lang na nakatayo sa pwesto ko. Hindi ko maintindihan. What happened to her? Alam kong baka narinig n'ya 'yung usapan na'min ni Dark kahapon kaya s'ya ganoon sa restaurant. Pero 'yung ganito? This is too much. What happened to her? At sigurado ako kaninang may napansin ako na kasabay n'ya maglakad. Hindi ako pwedeng magkamali. Sino 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD