AIKO'S POV
Nagbalik balik ako ng tingin sa kanilang dalawa. Ano bang meron sa dalawang 'to?
Humarap sa akin si Kuya.
"Wag mo sabihing wala kang maalala sa nangyari?" tanong n'ya. Kumunot ang noo ko sa sobrang pagtataka.
"Huh? Ano bang sinasabi n'yo? Kabababa ko lang galing kwarto, 'di ba?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa kaya lalo akong nagtaka.
"You mean, you don't remember anything today except that? Na bumaba ka dito? Wala ng iba?" sunod sunod na tanong na'man ni Dark.
Huh? Ano bang pinagsasabi nitong mga 'to? Ang weird nila.
"Oo, syempre. Yun lang na'man talaga naaalala ko, kabababa ko lang galing kwarto. Yun lang."
Bumuntong hininga si Dark.
"You were poisoned." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya.
"Poisoned?! Paano?!" takang tanong ko. Paano ako malalason eh kabababa ko lang galing sa taas?
Tinignan ni Dark si Kuya. Si Kuya ang sunod na nagsalita.
"Oo, nalason ka. Yung ininuman mong baso kanina, may lason." napa 'huh?' ako sa sinabi ni Kuya.
May lason? At anong ininom?
"May ininom ako?" tanong ko sa kanila. Napakamot sa ulo si Kuya.
"Basta p*ta kumain kana lang d'yan." masungit na sabi n'ya sabay tayo.
Problema nun?
Tinignan ko si Dark. Bigla n'ya akong niyakap ng mahigpit.
"I thought I'm gonna lose you." pumungay ang mga mata ko sa sinabi n'ya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap n'ya at tinignan s'ya sa mukha.
"Ano ba talagang nangyari?" kuryosong tanong ko. Huminga s'ya ng malalim bago nagsalita.
"As wait Aki said, we think you we're poisoned. Kanina umiinom ka ng drink na galing doon sa bar area, and when we're about to eat what I ordered, you collapsed right in front of my eyes when you sip on the drink." paliwanag n'ya sa akin. Tumingin ako sa bar area at pinilit alalahanin kung anong nangyari kanina.
All I can remember is that I was sitting next to someone. Pero sino?
"You look so pale when I came to you. Blood starts dripping out of your nose, even you're pulse is weak." kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata n'ya habang sinasabi 'yon.
Hinawakan ko s'ya sa magkabilang pisngi n'ya at nginitian.
"But now, thank God you're safe." dagdag n'ya pa.
Pero paano ako naging maayos?
"Kung nalason ako, paano n'yo ako napagising? I mean, anong ginawa n'yo ni Kuya?" tanong ko sa kan'ya.
Halata sa mukha n'ya na parang ayaw n'ya sabihin sa akin pero in the end nasabi n'ya rin.
"The Game Master provided an antidote. Wala na kaming choice ni Aki, we're panicking. We didn't think if the antidote he gave will have a bad effect to you. Gusto lang na'min na magising ka." mas lalo akong nagtaka sa narinig sa kan'ya.
The Game Master gave them an antidote to keep me from dying? Seriously?
Yung taong nagdala sa amin dito, nagkulong sa amin sa impyernong 'to at gustong magpatayan kaming lahat. sinagip ako sa possibleng kamatayan ko na?
I am so shocked. Ano ba talagang binabalak ng matandang 'yon?
He wants us to kill and get killed pero ano 'tong ginawa n'ya? He saved me!
Napakuyom ako sa kamao ko. Alam kong may tinatago s'ya. He wouldn't do such thing if he's heartless as I think he is.
I have to know the truth.
FERNANDO'S POV (Game Master)
"Did you saved that girl's life?" Spade asked me. Nakaupo lang ako sa floating chair ko habang nakatingin sa screen ng CCTV cam.
I am worried. I don't know why.
Nung nakita kong biglang bumagsak 'yung babaeng 'yon, I immediately asked the scientists' to give me an antidote.
We have different kinds of liquid in the lab. We also have an antidote that can work on any kinds of poison.
Yun ang pinadala ko.
"You just did that to prevent her from dying through poisoning which is clearly a boring way to die because you want her to die brutally, right?" Spade asked again. Napapikit ako.
I don't know. I felt worried towards her earlier without even knowing why I felt that.
"Am I right.. Fernando? Hmm?" tumayo ang balahibo ko nang marinig ang may kahinaang bulong ni Spade sa tainga ko.
He said those words with a creepy and warning tone.
"Y-yes! Of course! That is the only reason why I did that!" I tried to sound cheerful as possible.
Hindi ko s'ya pwedeng hayaan na pagdudahan ako.
Kahit na alam kong sobrang lakas ng pakiramdam n'ya. A powerful robotic human, indeed.
"Hmm.. I hope that's really the reason. Is there anything else.. beside that?" hinawakan n'ya ng marahan 'yung baba ko habang tinatanong 'yon.
I felt my hands shivering.
"Oh well, I wanna see how Lili would kill the one who did that to that poor girl. See you later Fernando." pagpapaalam n'ya. Before I even know it, he already vanished.
Napahawak ako sa ulo ko.
What is the meaning of those images I always see?
"Just as I thought." nagulat ako nang marinig ang boses ni Spade sa gilid ko.
Before I could even react, may isinaksak na agad s'ya sa akin na wire.
I started feeling dizzy.
"Enough with those shits. You're a heartless one, okay? You need to make them kill each other. That is how I programmed you."
Nakaramdam ako ng kakaiba. Unti unting nawawala 'yung kahit anong alaala ko sa mga scenario na nakikita ko sa utak ko.
"It's time for you to be fully under my control."
Those are the last words I heard by him bago tuluyang magdilim ang paningin ko.
SPADE'S POV
I smiled devishingly.
I will not let anyone, or anything ruin what I planned for years.
"Kill.. Ayumi.." I turned to Lili. Hinimas ko ang mukha n'ya.
"Yes, my dear. Kill, kill, kill them all. That is what you need to do. Kill everyone." I whispered to her.
"Yes.. Kill."
AKI'S POV (BLUE)
Kailangan ko makahanap ng clue kung sino may posibilidad na gumawa noon kay Shane.
Siguro 'yung impostor.
Pero hindi na'man siguro 'yon kikilos ng ganoon ka-simple.
Alam kong kung papatay s'ya, sa pinakabrutal na paraan na alam n'ya.
Hindi sa paglalason lang. Masyadong boring, walang dating.
Lumapit ako sa bar area kung saan nanggaling 'yung drink na ininom ni Shane.
Tinignan ko 'yung bartender na as usual, nagpupunas pa rin ng baso.
Masyado akong nabigla kanina kaya hindi ako nag isip ng maayos. Kung may gagawa noon kay Shane, isa 'yon sa mga players na kasama na'min.
Imposibleng gawa 'yon ng isa sa mgatauhan dito ng Game Master.
At isa pa, binigyan n'ya kami ng antidote para magising si Aiko. Imposibleng s'ya rin ang may gawa ng pagkakalason ni Aiko.
Umupo ako sa bar area at kusa na'man akong binigyan ng inumin ng bartender doon.
Hindi na ako hinintay na mag order.
Hinawakan ko 'yung basong may laman na kulang asul na liquor at tinignan.
Nakita ko kung paano isalin 'yon bago ibigay sa akin kaya alam kong walang kung anong nilagay doon.
Tinungga ko 'yon lahat at nag antay ng ilang minuto.
Walang nangyari.
Wala rin akong naramdaman na kakaiba sa katawan ko, imposible ngang gawa 'to ng bantay dito.
Napalingon ako sa kaliwa ko at may napansin.
May isang baso doon na parang kakatapos lang inuman. Mukha na'mang walang masama kung kukunin ko 'yon.
Kinuha ko 'yung baso at tinignan 'yung bandang inuman.
May bakas ng lipstick.
Kung sino man ang uminom dito, may possibility na babae 'yon. Pero wala akong napansin na babaeng nakaupo rito kanina.
Tinignan ko ang paligid. Nakita ko si Eric na nakahiga sa gilid ng pool.
Kumunot ang noo ko. Nasaan si Carla at Ayumi?
Si Lili na'man, kahit na iba kutob ko sa kan'ya, alam kong hindi pa s'ya bumababa mula sa kwart n'ya.
Ang alam ko lang na nandito kanina ay 'yung apat. Sabay din na dumating si Eric, Carla at Dark kanina galing sa restaurant.
Sinong may gawa noon?
Inikot ikot ko 'yung baso sa sobrang lalim ng iniisip ko.
Balik balik din ang tingin ko sa upuan sa tabi ko kung saan nakita ko na nakalapag ang basong 'to.
Basa pa 'yon, halatang may umupo na galing sa pool kanina.
Napatingin ako sa sahig sa baba noong upuan at napansin ang bakas ng paa na basa pa.
Walang araw ngayon kaya kung tama nga ang hinala ko, may umupo doon na kaaalis alis lang.
Tumayo ako. Susundan ko 'yung mga bakas na 'yon.
**
Papunta 'yung mga bakas ng basang paa sa likod na parte ng bar area.
Hinawi ko 'yung mga baging at nakita ang isang pathway.
Meron palang daan na ganito rito?
Hindi ako magsisinungaling, ang ganda ng resort na ito. Punong puno ng mga halaman at iba't ibang bulaklak.
Lumingon ako sa bandang kaliwa at nakita ang ilang mga shower room. Marami rami rin 'yon.
Napahinto ako nang makitang natigil na 'yung bakas ng paa.
Ang huling bakas noon ay nasa harap ng isang pinto. Ano 'to?
Binuksan ko 'yon ng kaunti at nakitang girl's comfort room pala.
Mag aantay nalang ba muna ako?
Baka lumabas 'yon maya maya. Dito nalang muna ako, aabangan ko kung sino 'yung lalabas.
**
Ilang minuto na nakalipas pero wala pa rin akong nakikitang lumalabas na kung sino mula sa comfort room na 'yon.
Nakaalis na ba 'yon?
Imposible. Wala akong nakitang kahit trace manlang na nakalabas na 'yon doon. Tyaka kanina pa ako rito.
Ni anino ng kung sino wala akong napansin.
Pasukin ko na kaya?
Tumingin tingin ako sa paligid. Wala na'man sigurong makakakita sa'kin.
Tumingala rin ako. Walang ni isang CCTV cam sa parteng 'to ng resort.
"Tangina, bahala na." naglakad ako papalapit doon at pinihit ang doorknob.
Pagpasok ko, tatlong cubicles ang nakita ko. May isang may kahabaang salamin din dito at mahabang sink.
Tinulak ko 'yung isang cubicle, bumukas 'yon. Walang tao.
Sunod na'man ay 'yung pangalawang cubicle na pinag-gigitnaan ng una at pangatlo.
Wala rin tao.
Nasa tapat na ako ng pangatlong cubicle. Pagtulak ko, bumukas lang ng konti 'yon pero hindi talaga totally bukas na bukas.
Binalot ako ng kuryosidad.
Kung may taong gumamit dito, siguro na'man hindi s'ya bugok na hindi ilo-lock 'yung pinto.
Sinubukan ko ulit itulak 'yon pero parang may nakaharang.
Ano ba 'yon, mop?
Pangatlong beses kong tulak ay diniinan ko na 'yon. Para talagang may nakaharang na kung ano.
Ayaw talaga.
Napatingin ako sa katabing cubicle. Ah, gan'to nalang gagawin ko.
Pumasok ako sa pangalawang cubicle at pumatong sa inidoro. Alam kong may pagkadugyot pero, wala na akong choice.
Pagkasilip ko doon, muntikan na ako mahulog sa pagkakatayo sa inidoro sa sobrang gulat.
"Ayumi.."