LILI'S POV (PINK)
Ramdam ko ang panghihina ng mga binti ko habang nakatingin sa screen ng CCTV kung saan bigla nalang bumagsak si Aiko.
I want to go there.. pero alam kong hindi pwede. Kahit na gustuhin ko ng gustuhin.
I am avoiding her and she is supposed to do the same.
At isa pa, tama si Spade. If I go there and tell them that I saw Ayumi put something in her drink, magtataka silang dalawa. And you know what happenes next.
Naramdaman ko ang hininga ni Spade sa tenga ko. Nakalapit na pala s'ya sa akin, hindi ko manlang naramdaman.
"Now, the thing that you can do.. is to kill the one who did that to your little sister.." mahinang bulong n'ya. The tone of his voice while saying those words sent chills down my spine.
Nawala ang mapaglarong si Spade at napalitan 'yon ng Spade na una kong nakilala.
Spade, his evil side.
"Isn't that lovely? Isn't that what you desire to? To take care of the people who hurts them.." napalunok ako at napapikit ng mariin.
"In order to keep them safe is to kill, and kill.. and kill." dagdag n'ya pa.
Oo, tama s'ya. Yun ang dapat kong gawin para masiguro kong hindi na mauulit pa 'yung nagawa ni Ayumi kay Aiko.
I have to kill her.
"I'll be watching what you'll do to her.. make it brutal, huh? That's what the Game Master wants and what I want to. You'll make us happy." napapikit ako nang may maramdamang parang karayom na tumusok sa balat ko.
"What the.. S-spade." I can feel myself getting dizzy.
"I know you're still doubting to do what we want to, so I decided to help you a li'l bit. You'll thank me later." dinig kong sabi n'ya.
Sa sobrang pagkahilo ay napahawak ako ng mahigpit sa table.
"What did you do.." mahina kong sabi. Inaninag ko 'yung ginagawa n'ya at napansin kong may isang parang maliit na insekto na naglalakad sa daliri n'ya.
What is that thing?
Pumikit pikit ako. Bumibigat na ang talukap ng mata ko, maya maya alam ko mawawalan na ako ng malay.
Ipipikit ko na sana 'yung mata ko ng tuluyan kasi hilong hilo na ako nang may maramdaman akong malamig na lumapat sa labi ko.
Pagdilat ko, nakita ko 'yung mukha ni Spade sa harap ng mukha ko.
He's kissing me.
I want to stop him pero hindi ko magawa. Nanlalambot 'yung buong katawan ko.
He bit my lower lip kaya nabuka ko 'yung bibig ko. And he didn't hesitate a second, he started kissing me torridly.
This f*****g robot, what is he doing.
Maya maya ay inilayo n'ya na 'yung labi n'ya sa labi ko.
"Sleep tight, my angel. You have nothing to worry about what you'll do once you got awake." 'yun ang huling mga sinabi n'ya bago ako tuluyang nawalan ng malay.
SPADE'S POV
When she closed her eyes, I carried her to her bed.
I stared at her while she's sleeping. Nakatulog s'ya dahil sa tinurok ko. It's a green liquid specially made by the scientists that is under me.
A liquid that can make her do violent things without hesitation.
Akala n'ya kanina hinalikan ko s'ya just because I wanted to but little did she know it's all for an act.
I put my mini robot that can reduce it's size to the smallest as possible inside my mouth before I even kissed her.
I transferred it to her using my saliva.
For now I think it is halfway to her brain. It will mess with her decision making.
And it is specially made by me.
Just like what I did to the Game Master. Although, I did a lot for him to be that heartless, I messed with his brain.
Hindi n'ya alam, ilan sa mga tao sa larong s'ya mismo ang gumawa ay mga taong malalapit sa kan'ya.
I wonder what their reaction will be when they'll get to know everything.
I removed the strands of hair that's covering Lili's face and smiled bitterly.
Kung wala lang kasalanan sa akin at sa pamilya ko ang pamilya mo, I'll fulfill my promise to you when we were kids.
I removed my smile and blankly stared at her.
But everything changed. I am full of hatred and revenge.
I programmed myself like that. Since no one was there when I needed help,
"not even you.."
AKI'S POV (BLUE)
Nagmamadali akong pumunta sa kinaroroonan ni Aiko. Bigla nalang s'yang bumagsak.
"What the hell happened?!" bulalas ko nang makarating sa kan'ya.
"I don't f*****g know! She just said she'll go get her drink and after that she collapsed!" nagpapanic din na sagot ni Dark.
Drink? Iba ang kutob ko.
"Drink? Sinabi mo bang inumin?" tanong ko sa kan'ya. Tumango tango s'ya habang pinagpapawisan pa rin. Nasa hita n'ya ang ulo ni Aiko na ngayon ay namumutla.
"Ininom n'ya ba?! Yung sinasabi mong inumin n'ya ininom n'ya ba?!" sigaw ko sa kan'ya. Tumango tango s'ya sa akin.
Fuck it!
Tumayo ako at dali daling naglakad papunta sa Bar area.
Nakita ko ang isang bantay doon na nakamaskara habang nag pupunas ng baso.
"Ikaw! Anong nilagay mo sa inumin ng kapatid ko ha?!" pasigaw na tanong ko sa kan'ya. Napatigil 'yon sa pagpunas ng baso at tumingin sa akin.
Hindi ko makita ang reaksyon n'ya dahil sa maskara na nakaharang sa mukha n'ya. Mas lalong uminit ang ulo ko nang hindi n'ya ako sinagot.
Nilapitan ko s'ya at kinwelyuhan.
"Ano?! Pipe ka ba o bingi?! Tinatanong kita! Anong nilagay mo sa inumin ng kapatid ko at bakit bigla nalang s'yang nawalan ng malay?!" sigaw ko habang nakahawak sa kwelyo n'ya.
Pero hindi pa rin s'ya nagsalita. Mas lalo akong nabwisit kaya hinawakan ko 'yung maskara n'ya pero napabitaw ako sa kan'ya nang bigla akong makaramdam ng kuryenteng dumaloy mula sa braso ko.
"You have no right to remove my mask." diretsong sabi nung kinwelyuhan ko.
Natigilan ako nang marinig ang pagkakasabi n'ya ng mga salitang 'yon.
He sounded like a robot. Robot ba 'to?
Tinignan ko 'yung katawan n'ya. Hindi s'ya mukhang robot dahil mukhang totoong balat 'yung meron s'ya.
"Tsk!" asik ko at naglakad pabalik kila Aiko. Wala akong mapapala sa kumag na 'yon, mukhang wala s'yang balak na sabihin sa akin.
Tinignan ko ang mukha ni Aiko na halos nangingitim na. Mas lalo akong nag alala.
Nanlalamig na rin 'yung balat n'ya at may tumutulong dugo galing sa ilong n'ya.
"f**k! What are we gonna do?! She looks like a corpse!" tarantang sigaw ni Dark na naging dahilan para mas lalo akong mag alala.
Nakita ko s'yang ilalapit na sana ang mukha kay Aiko, wait, mag c-CPR ba s'ya?
Hinatak ko ang damit n'ya bago pa lumapat ang bibig n'ya sa bibig ni Aiko.
"What?! She's barely breathing! I can't just watch her lose her breath! Itigil mo muna yang pagiging protective mo." sinamaan ko s'ya ng tingin nang sabihin n'ya 'yon.
"Puta? Bobo ka ba ha?!" singhal ko sa kan'ya. Natigilan s'ya sa sinabi ko.
Napapikit ako. Okay, alam kong masyadong harsh. Pero kailangan kong ipaintindi sa kan'ya ang sitwasyon.
"Alam kong nag aalala ka sa kan'ya, at ganun din ako. Kambal ko 'yan eh! Pero 'yang binabalak mo hindi magandang paraan. Hindi pa nga natin alam kung may nainom s'ya na kung ano. Baka lason. Tapos gusto mo s'ya i-CPR?" dire diretso kong sabi sa kan'ya.
Mukha naman s'yang natauhan at tinignan nalang ang mukha ni Aiko na puno ng pag aalala ang mga mata.
Napasabunot ako sa buhok ko. Sino ba ang demonyong gumawa nito at ako mismo ang papatay sa kan'ya!
Natigil ako sa pagsabunot sa sarili kong buhok nang may kumalabit sa akin.
Paglingon ko, isang staff ng hotel na 'to na naka maid suit habang may suot na mask gaya ng iba.
May dala s'yang tray. Kumunot ang noo ko.
"I think she is poisoned. Use this tablet and make her swallow it. This can help her spit the poison out." dinig ko. Napatingin ako sa tray at nakita ang isang maliit na radyo na mukhang doon nanggaling ang boses.
It sounded like the Game Master.
Wow, concern pala s'ya sa amin?
"Make her swallow this now. Or else the poison will completely spread throughout her body, and worse, to her brain." dagdag pa n'ya.
May nakita akong kulay pulang tablet na nakalapag sa tray at isang baso na may lamang tubig.
Nilingon ko si Aiko at nakita kong mas lalong dumadami ang dugo na tumutulo galing sa ilong n'ya.
Bwisit!
Kinuha ko agad 'yung tablet at baso na may tubig. Wala na akong pakealam kung may ibang epekto 'tong tablet na 'to kay Aiko.
Basta magising lang s'ya.
Napatingin sa akin si Dark pati sa hawak hawak ko.
"What is that? Don't you tell me you trust that old man? What if it just make her situation a lot worse?!" tanong n'ya.
Napapikit ako. Naiintindihan ko s'ya, nagaalala lang s'ya sa kalagayan ni Aiko.
"Wala na tayong ibang paraan kundi ito. Naiintindihan kita, pero hahanap ka pa ba ng iba kung may possibleng solusyon na dito? Paano kung mahuli tayo?" natahimik s'ya sa sinagot ko.
Halata sa mukha n'ya na nagdadalawang isip pa s'ya, kahit na'man ako. Pero wala na kaming ibang paraan.
Inalalayan ni Dark 'yung ulo ni Aiko at inayos ng pagkakahiga sa hita n'ya.
Binuka n'ya 'yung bibig ni Aiko. Medyo may kaliitan na'man 'yung tablet na 'yon kaya alam kong madali lang para sa kan'ya na malunok 'yon.
Inilagay ko na sa dila n'ya 'yung tablet at dahan dahan pinainom sa kan'ya 'yung tubig.
Inalalayan ko rin 'yung leeg n'ya para dumaloy 'yung gamot.
Nag antay kami ng ilang minuto nang malunok ni Aiko 'yung gamot.
Nabuhayan kami ng loob nang biglang umubo si Aiko.
*cough *cough
Hinayaan muna na'min s'ya na umubo ng umubo hanggang sa maya maya pa ay biglang may lumabas na kulay itim na likido sa bibig n'ya.
"Is that the poison? I mean, how? Why is it black? I saw what Aiko drank, it's a blue liquid not black." sabi ni Dark na naging dahilan para lingunin ko s'ya.
Tumigil na sa kakasuka si Aiko, purong itim na likido ang inilabas n'ya.
Napatingin s'ya doon at kumunot ang noo.
"Anong nangyari sa'kin?" tanong n'ya.
Niyakap s'ya bigla ni Dark at hinalikan sa noo at pisngi.
"HAHAHA ano ba nakikiliti ako! Bakit gan'yan ang mga mukha n'yo? May problema ba?" inosenteng tanong n'ya.
Nagkatinginan kami ni Dark. Wala s'yang maalala sa nangyari kanina?