Chapter 30

1769 Words
AIKO'S POV Nagising ako sa sinag ng araw na tumatabing sa mukha ko. Napa-inat inat ako at tumingin ng diretso sa kisame. Hobby ko na talaga 'to simula nung napunta kami rito. Bumuntong hininga ako nang maalala ang mga nangyari kahapon. Pumikit ako at inalala ang mga 'yon. Una ay 'yung lalaking nakamaskara na nakita ko sa may itaas ng hagdan. Sino ba 'yung lalaking 'yon? Imposible na'man na 'yun 'yung Game Master dahil halata sa hubog ng katawan n'ya na hindi s'ya gurang na matanda 'di gaya ng Game Master. Para s'yang ano, mga mid 20s. May katangkaran at maputi rin ang kan'yang balat. Madalas ko kaya makikita 'yung lalaking 'yun dito? Maya maya ay bigla akong napahawak sa labi ko. Naalala ko 'yung eksena sa'min ni Dark kahapon. The way he kissed me, It felt so unreal but at the same time familiar. Lalo na noong lumapat palang ang labi n'ya sa akin. Bakit parang pamilyar 'yung mga labing 'yon? Dumapa ako ng higa at isinubsob ang mukha ko sa unan. Nalungkot na'man ako nang maalala 'yung kay Lili. She's avoiding me. Hindi na'man ako manhid at bulag para hindi mapansin 'yun. Narinig n'ya ba 'yung pinag usapan na'min ni Dark sa hagdan? Kasi kung oo, maiintindihan ko kung bakit n'ya ako iniiwasan. "Aiko, lumabas kana nga d'yan." napatayo ako sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Kuya sa may bandang pintuan. "Hoy! Alam kong gising ka, bumangon ka na d'yan at baka gusto mong batuhin ko ng bato 'tong bintana mo." pagbabanta n'ya. Walang ano ano pa ay napabangon ako sa kama. Kupal pa na'man 'yon, pag sinabi n'ya gagawin n'ya talaga. "Oo na! Nakatayo na! Maliligo muna ako! Choo! Bawal aso dito!" pagtataboy ko sa kan'ya. "Aba, kapal ng mukha mo. Kung aso ako ikaw ano ka pa? Garapata, ganern?" napataas ako ng kilay sa sinagot n'ya. Magsasalita pa sana ako nang unahan n'ya na ako. "Bilisan mo na maligo d'yan at nag aalala sa'yo 'yung isa. Akala din siguro no'n galit ka." Sino? Si Dark? Sabagay, oo nga pala. Bigla nalang akong umalis kahapon. "Oo na. Dun kana." sabi ko sa kan'ya bago pumasok ng banyo upang maligo. LILI'S POV (PINK) "I'll kill someone today." sabi ko sa Game Master nang lumabas ang mukha n'ya sa screen ng computer. I can see his smirk. He's wearing a mask tho, but only his eyes is covered. "Oh! Can't resist, eh?" tanong n'ya sa akin. Inikot ko 'yung mga mata ko. "Can't resist? Hindi ako kagaya mo na demonyo." walang ano anong sabi ko sa kan'ya. Napa 'o' ang bibig n'ya. "Woah woah woah, easy. I really like that kind of attitude from you HAHAHAHA." he seemed so amused. Napatingin ako sa bandang likod n'ya nang mapansin si Spade doon. As usual, wearing his mask also. Lahat na'man ng mga tauhan nito ay nakasuot ng maskara. Although alam ko kung bakit nakasuot ng maskara ang Game Master. Since he's a half robot, his left eye is exposed. It somehow looks like burnt or something. Ewan ko lang kung bakit kailangan exposed 'yon. Pwede na'mang takpan ng flesh, kayang kaya na'man nilang gawin 'yon. Hay nako, bahala nga sila. Yan trip nila. "Hi my dear Lili, miss me?" tanong ni Spade nang mapansin ako. "You wish." sagot ko sa kan'ya. Napatawa na'man s'ya nang isagot ko 'yon. The Game Master on the other hand is smirking from ear to ear. Iniisip nitong matandang 'to? "You know, you look good to each other. Spade? Are you planning on courting Lili? I suggest you do it, bagay kayo." napangiwi ako sa sinabi n'ya. "Shut up, old freak." napahalakhak s'ya sa isinagot ko. "Anyways, why did you contacted me? Did you do it just to tell me about what you'll do today?" seryoso tanong n'ya. Napabuntong hininga ako. "I need weapons. To eliminate someone with no traces. Ayoko ng nagkakalat." Napahawak s'ya sa baba n'ya na animo'y nag iisip sa sinabi ko. "Spade can give you some directly to you room." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Baliw ba s'ya? "Hey old man, teka nga. You want him to deliver deadly weapons directly in my room? Are you nuts? Paano kung may makakita sa kan'ya na dinadala 'yon sa kwarto k-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may maring ako. "Hi Lili." napalingon ako sa likod ko at nakita si Spade na masarap ang upo sa kama ko. Napabuntong hininga ako. Right, he's a half robot. And always uses teleportation to go to place to another. "There you go. So I guess I'll hang up, baka may gagawin pa kayo d'yan na hindi ko pwedeng makita. Ciao." nakakalokong sabi ng matandang Game Master na 'yon bago s'ya mawala sa screen ng computer ko. "Wanna do what the Game Master is actually thinking? I don't mind, I'm still have a di-" binato ko s'ya ng baso na agad n'ya namang naiwasan. I can't believe this guy! "Woah Lili my loves, easy. Okay?" Tinitigan ko s'ya nang masama habang s'ya ay nakangisi pa ng nakakaloko. "Ang bastos mong lata ka!" singhal ko sa kan'ya. "What? I'm just saying the truth! Yes I'm a robot but only half robot. I still have some human organs, I still have my long and think pet between my thig-" binato ko s'ya ulit. Ngayon ay 'yung vase na at nabasag 'yon sa sahig. "At inulit mo pa talaga!" "Sorry, okay? HAHAHAHA!" napatakip ako sa mukha ko. I can feel my face turning red right now. "Anyways, here are some weapons you can use to kill." tumingin ako sa tinuturo n'ya at nakita ang ilang mga gamit na nasa kama ko. Tumango ako at tinitigan s'ya. "What?" maang-maangan n'yang tanong. Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Okay, okay! I'll go out now, jeez.." sabi n'ya at bigla nalang s'ya nawala sa paningin ko. Tumingin akong muli sa mga gamit na nasa ibabaw ng kama ko. Ang dapat ko nalang isipin ngayon ay kung kanino ko gagamitin 'yon sa araw na 'to. ** Binuksan ko ulit 'yung computer at ni-connect 'yon sa mga CCTV cameras na nakakalat sa buong resort. Tinignan ko isa isa ang mga screen. Si Aiko ay nakaupo sa harap ng Bar Area. Looks like she's drinking a drink. Orange juice, maybe? Si Aki na'man ay naliligo ngayon sa pool. I can also see Eric and Carla pero hindi sa pool kundi sa loob ng restaurant. Pero magkaiba sila ng table. Nandoon din si Dark. Mukhang nag o-order Napakunot ako ng noo nang may ma-realize. Where's Ayumi? Hindi ko s'ya makita sa mga ibang screen ng CCTV cameras. Is she somehow inside her room? Napatingin akong muli sa cam kung saan located sa may Bar Area. Oh, there she is. Nandoon s'ya sa may Bar area, nakaupo sa tabi ni Aiko. Mukhang kinakausap s'ya ni Aiko. Maya maya pa ay tumayo si Aiko, naiwan ang drink n'ya doon. Pumunta s'ya sa pool at lumublob. Nagtaka ako nang mapansin na pasimpleng kinuha ni Ayumi 'yung basong iniinuman ni Aiko. What is she doing? May inilabas s'yang white na parang plastic na maliit at inilagay 'yon sa inumin ni Aiko. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo. What the f**k?! Lalabas na sana ako ng kwarto ko para pigilan si Aiko na inumin 'yon nang biglang sumulpot si Spade sa harapan ko. "Nah-uh, you're not going anywhere." sabi n'ya. Nag init ang dugo ko. "Kailangan kong pigilan si Aiko na inumin 'yon! She put something in Aiko's drink! I have to stop it from happening!" sigaw ko sa kan'ya pero hindi s'ya natinag. Pinaghahampas ko s'ya sa dibdib hanggang sa manakit 'yung kamao ko. "Hayaan mo na akong pumunta doon please.. baka kung ano ang mangyari kay Aiko.." pagmamakaawa ko sa kan'ya. Hinawakan n'ya 'yung dalawa kong kamay. Napatingin ako sa kan'ya. "If you do that, they'll know you're the impostor. I thought you want to stick around those two for more days?" tanong n'ya sa akin. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako. "What if she die.." Umupo s'ya sa harapan ko at tinignan ako. "She won't. The Game Master doesn't want that kind of death in his game. He wants blood.. lots and lots of blood." dagdag n'ya pa. He's right, nasabi sa akin ng Game Master 'yun noon. Nung nakaharap ko s'ya nung araw na napili n'ya ako bilang impostor ng larong 'to. Wala na akong nagawa kundi manahimik. AIKO'S POV Dumiretso ako sa pool nang matapos akong maligo. Napalingon agad sa direksyon ko si Dark pagdating ko at lumapit sa'kin. "Are you hungry? Let's go eat. You haven't eaten yet." bungad n'ya sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya. "Gutom na nga ako, eh." pag amin ko habang nakanguso. Napangiti s'ya sa sinabi ko. "Okay.. I'll go get something to eat. Wait here." sabi n'ya na tinanguan ko na'man. Naglakad na s'ya papunta sa mini restaurant. Napatingin na'man ako sa kabuuan ng resort. Kung hindi lang talaga kami nasa game na 'to at walang pangamba, kanina pa ako nagtatatalon dito. Nagpasya akong kumuha ng maiinom sa Bar area. Umupo ako at nag serve na'man agad ang bartender dito na nakamaskara rin kagaya ng iba. Dito ko nalang siguro aantayin si Dark. Napansin ko sa gilid ko si Ayumi na mukhang may iniinom din. "Hi!" magiliw na bati ko sa kan'ya. Tumingin na'man s'ya sa akin saglit at ngumiti. Hindi s'ya nagsalita kaya uminom nalang ako ng drink na sinerve sa akin. Napanguso ako, mukhang matatagalan si Dark. Nakita ko si Kuya na nagtatampisaw sa pool. Nasabik ako at tumayo. Maliligo nalang siguro muna ako saglit habang naghihintay sa kan'ya. Tumayo na ako at nagbabad. Umahon na'man si Kuya matapos ang ilang minuto at naiwan akong mag isa na naliligo. Natanaw ko si Dark na papalapit habang may hawak na tray na may lamang pagkain. Nilapag n'ya 'yon sa pool side. Lumangoy na'man ako papunta sa direksyon n'ya. "Umahon kana d'yan. Eat first." napatingin ako sa tray ng pagkain na dala n'ya. Natakam agad ako sa bango noon. Pagkaahon ko ay may naalala ako. "Wait lang, kukunin ko lang 'yung drink ko doon sa Bar area. Sayang na'man kung hindi ko uubusin." pagpapaalam ko sa kan'ya. Tumango s'ya bilang pagpayag at dali dali akong naglakad pabalik doon. Nginitian ko si Ayumi at kinuha ko 'yung inumin ko. Naglakad ako pabalik kay Dark bitbit 'yung baso. Uminom ako doon habang naglalakad at bago pa ako makarating kay Dark ay nakaramdam na ako ng hilo. "Aiko!" 'yun ang huli kong narinig bago mandilim ng tuluyan ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD