LILI'S POV (PINK)
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa hagdan ng may marinig akong mga boses.
Seems like two people talking.
Sinilip ko 'yon at nakita si Dark at Aiko na naghahalikan.
Oops.. wrong timing.
Siguro mamaya nalang ako bababa, pag wala na sila doon. I don't want to ruin their moment.
Paalis na sana ako sa pwesto ko nang may marinig akong nakapag-patigil sa'kin sa pagkilos.
"And please, don't get comfortable to other players except me and your brother. Stay away from Lili, too." I heard Dark said. Napakuyom ako sa magkabilang kamao ko.
Just as I thought.
"We should not just give our trust easily especially when we're still locked up in this game. Alam kong mahihirapan kang iwasan si Lili, but I think that is what's best." mahina n'ya pang sabi kay Aiko.
Nakaramdam ako ng lungkot at sakit. I can't think properly, thought palang na iiwasan ako ni Aiko already breaks me.
Unti unti akong sumilip para tignan ang magiging reaksyon ni Aiko sa sinabi ni Dark sa kan'ya.
May parte sa'kin na umaasang tututol s'ya at sasabihing ayaw n'ya ako iwasan.
Pero gaya lang ng iba, hindi nangyari ang hinihiling ko.
Nanlambot ang magkabilang tuhod ko nang makita s'yang tumango tango. That only means one thing, she'll avoid me.
Expectations really are the reason why some people gets hurt, eh?
"I will protect you at all cost.. and if that means risking my life just to get you out of here, I will do it." dinig ko pang sabi ni Dark kay Aiko.
At some point, I felt relieved. Kahit na iiwasan na ako ni Aiko starting now I think, alam kong may p-protekta pa rin sa kan'ya.
I should not be bothered. She'll be safe in his hands. Hindi na dapat ako mag-alala.
Maya maya ay bumaba na silang dalawa ng sabay. I waited few minutes bago bumaba.
It's afternoon. Siguro kakain nalang ako.
Naglakad ako papunta sa mini restaurant ng hotel na 'to.
I was about to sit on another table nang may mapansin ako sa kabilang table.
What the hell is he doing here?
Hindi na ako nag dalawang isip at naglakad na papalapit sa kan'ya. He's holding a piece of newspaper at naka de kwatro pa ng upo.
Umupo ako sa harapan n'ya at tumitig. Unti unti n'yang binaba 'yung newspaper at ngumiti sa akin.
"Oh, it's you. Lili the impostor." napatingin tingin ako sa gilid ko hoping na walang ibang nakarinig ng sinabi n'ya.
"Keep your mouth shut, Spade." pagbabanta ko sa kan'ya. Umayos s'ya ng upo at bahagyang nilapit 'yung mukha n'ya sa akin dahilan para mapaatras ako sa gulat.
"Your mouth is still as sharp as we first met, Lili. I wonder what it tastes like.." may halong landi n'yang sabi sabay dila sa itaas na labi n'ya.
Tinaasan ko s'ya ng kilay. This guy, what the f**k is he doing here?
Unang kita palang na'min ayoko na talaga sa ugali n'ya. He's so intimidating and annoying!
"Aww.. you're hurting my feelings." humawak s'ya sa bandang dibdib n'ya at umaktong nasasaktan. Right, he can read my mind. f*****g robot.
Napangiwi ako sa naging reaksyon n'ya.
"We both know that you can't have feelings, Spade. Although you have a heart, organ, doesn't mean you're still a human." sabi ko sa kan'ya. Napangisi s'ya dahil sa sinabi ko.
"And besides kahit na'man siguro maging tao ka ulit, ikaw na siguro ang pinaka masamang tao sa buong eternity." walang preno kong sabi sa kan'ya. Napahalakhak s'ya sa sinabi ko.
"HAHAHA! I really like your attitude, Lili. You're making me laugh." tinarayan ko s'ya.
"My attitude doesn't like you." sagot ko sa kan'ya.
Napalingon ako sa gilid ko nang maglapag ng juice ang isang staff dito. Another robot who wears mask.
I forgot to tell, nakasuot din ng maskara si Spade but he can make it invisible unless some other player will see him.
And now, I know he's wearing a mask but I can see his whole damn f*****g annoying face.
"You're so mean, Lili. How could you say those words?" arte n'ya pa sa'kin nang marinig n'ya nanaman 'yung iniisip ko.
"Stop reading my mind you freak!" mahina kong singhal sa kan'ya.
Paalis na sana ako nang marinig ko s'yang magsalita.
"They're now suspecting you. Aiko will avoid you and so as Aki. What will you do.. my Angel in Disguise?" nakakalokong tanong n'ya sa akin.
Napatigil ako sa pagkilos. Diniin pa talaga n'ya 'yung pagsabi ng 'my'.
Sarap ihagis sa pool.
"That won't work on me."
"I know! And stop reading my mind!" sigaw ko sa kan'ya.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit.
"I am ready for that, okay?! Alam kong darating 'yung panahong mangyayari 'to! I just have to eliminate other players that I know will harm them!" tinitigan n'ya ako sa mata nang sabihin ko 'yon.
Nagpakalumbaba s'ya sa ibabaw ng table bago nagsalita.
"Hmm.. you know there has to be one winner, right? You will eventually kill them." dagdag n'ya pa na ikinainis ko.
"That will never happen! Hindi ko sila papataying dalawa! I will let them kill me instead of me killing them!" I exclaimed. Nginitian n'ya ako ng nakakaloko bago nagsalitang muli.
"And if that happens, they'll kill each other. So, your sacrifice will be a waste.." hindi na ako nakapagpigil at tinumba ko 'yung lamesa n'ya sa sobrang galit.
"Stop messing with my mind!"
"Lili? Anong problema? Sinong kausap mo?" napatigil ako sa pagsabunot sa sarili ko nang marinig 'yung nagsalita.
Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Aiko, Dark at Aki sa may bandang entrance.
Nilipat ko 'yung tingin ko sa upuan kung saan nakaupo si Spade kanina, and he's not there anymore.
Napapikit ako. f**k him.
"Lili? Ayos ka lang ba?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Aiko. Hinawakan n'ya ako sa balikat.
Inialis ko 'yung kamay n'ya sa balikat ko at kitang kita kong nabigla s'ya sa ginawa ko.
Namungay ang mga mata ko pero inalis ko agad 'yon. This is what's best for us.
"I'm fine." tipid kong sabi sabay lakad palayo sa kanila.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na susundan sana ako ni Aiko nang pigilan s'ya ni Dark.
Tama lang 'yung ginagawa nila. Ito na'man kasi talaga 'yung mas makakabuti para sa aming lahat.
I can feel that's Aiko is looking at me from behind.
I'm so sorry.
Alam kong mahirap, I can feel what you're feeling. But this is the best for us, for all of us.
Dark, please take good care of them. Take care of my siblings.
AIKO'S POV
Nakatingin lang ako sa likod ni Lili hanggang sa mawala s'ya sa paningin ko.
Hindi ko na pala s'ya kailangan iwasan dahil iniiwasan n'ya na rin ako. Nanikip ang dibdib ko.
"You okay?" napalingon ako kay Dark nang tanungin n'ya ako.
Tumango ako ng marahan. "Yes, ayos lang ako."
Napahinga ako ng malalim.
"Magpapahinga na muna ako sa kwarto ko." pagpapaalam ko. Hindi ko na hinayaang magsalita si Dark o si Kuya at naglakad na ako palayo.
**
Paglabas ko ng restaurant ay may napansin ako sa bandang gilid.
Wait, is that Ayumi?
Nagtaka ako. Nakadungaw s'ya sa loob ng restaurant. Kami ba 'yung tinitignan n'ya?
Napansin n'ya ata ako kaya bigla s'yang tumakbo palayo.
"Wait!" sinubukan ko s'yang patigilin pero hindi s'ya tumigil kaya sinundan ko nalang s'ya.
I want to know why she keeps on following us. Para s'yang stalker.
Stalker ni Kuya, perhaps? Ang pangit na'man ng taste n'ya.
Nahawakan ko s'ya sa braso.
"W-wait, may tatanong ako sa'yo." hinihingal kong sabi.
Lumingon s'ya sa akin ng dahan dahan.
"Uh..hi?" may pag a-alangang tanong n'ya sa'kin. Nag inhale exhale muna ako ng ilang beses bago ako nagsalita.
"Bakit ka tumakbo? May itatanong lang na'man ako sa'yo." mahina kong sabi sa kan'ya.
Mukha s'yang kinakabahan na ewan, nagpa-pawis din 'yung noo n'ya. Takot ba s'ya sa akin?
"W-wala lang, sige a-alis na ako." aalis na sana s'ya nang mas hinigpitan ko 'yung hawak ko sa braso n'ya.
Napalingon s'ya ulit sa akin.
"Bakit mo kami minamatyagan?" seryosong tanong ko sa kan'ya. Kung saan saan s'ya tumitingin na akala mo balisa na ewan.
"Ah.. eh, w-wala. Nagkataon lang na nakikita ko k-kayo hehe." nauutal n'yang sagot.
Naningkit ang mga mata ko. Buti sana kung ngayon ko lang s'ya nakitang sinusundan kami maniniwala pa ako sa kan'ya. Ang kaso, ilang beses ko na s'yang napapansin.
Siguro s'ya rin 'yung taong nararamdaman ko minsan na may nakatingin sa akin.
Ang weird. What does she want?
Maya maya pa ay natigilan ako nang bigla s'yang magsalita ulit. This time sa ibang tono na'man.
"Bitawan mo ako." ang pagkakasabi n'ya no'n ay diretsong diretso, walang emosyon na kahit na ano.
Kahit 'yung mga mata n'ya wala kang makikitang kahit na anong emosyon.
Parang ibang tao na 'yung nasa harapan ko.
Unti unti kong binitawan 'yung pagkakahawak ko sa braso n'ya at naglakad na s'ya palayo sa akin.
Okay, what just happened?
"Weird.."
**
Ilang oras na akong nandito sa kwarto ko, nakahiga lang at nakatitig sa puting kisame.
Masyadong marami ang nangyari ngayong araw, feeling ko pagod na pagod ako.
Not physically but mentally.
Hindi ko rin maiwasang hindi malungkot kada sumasagi sa isip ko 'yung eksena kanina kay Lili.
Speaking of her, ako ang unang nakakita sa kan'ya doon sa loob ng restaurant.
Narinig lang siguro ni Dark at ni Kuya 'yung malakas na tunog nung natumbang lamesa kaya sila napasunod sa akin.
I don't know if it's just my imagination o nagha-hallucinate lang ako pero may napansin ako kaninang nakaupo sa upuan ng lamesang itinumba ni Lili.
I saw a man in black. Sino 'yon? Mukhang magkakilala silang dalawa ni Lili.
Hindi na'man baliw si Lili para magwala doon sa loob kung wala s'yang nakausap na naging dahilan para mag react s'ya ng ganoon.
But the thing that is really bothering me is that man. Guni guni lang ba 'yon o totoo?
Hay! Bahala na nga. Matutulog nalang ako.
Ilang minuto palang na nakapikit ang mga mata ko nang mapadilat akong muli.
Hindi ako gumalaw sa kinahihigaan ko. Wala akong kasama sa kwarto ko. But why do I feel like someone is staring at me?
Another hallucination? Jusko, Aiko.
Pinikit ko nalang muli 'yung mga mata ko at sinubukan matulog.
SPADE'S POV
I am currently staring at the face of this girl. I know someday, she'll know everything. Every secret her surrounding hides from her.
I touched her face. What a pity.