AIKO'S POV
Kanina ko pa ramdam 'yung matutulis na tingin sa'kin ni Carla matapos kami mag usap ni Eric.
I thought she doesn't like him? Arte arte pa s'ya nung hinalikan tapos gan'yan parang nagseselos pa s'ya.
Indenial ka, ghorl?
Hindi ko s'ya pinansin at uminom nalang ng drink ko.
Bahala s'yang tumingin d'yan, tusukin ko pa mata mo eh.
Naubos ko 'yung iniinom ko kaya nagpasya akong tumayo para puntahan sila Kuya.
"Hello!" bati ko sa kanilang dalawa nang makalapit ako. Tinaasan lang ako ng kilay ni Kuya, as usual. Tapos si Dark na'man ay walang reaksyon.
Huh? Bago 'yun ah.
Ni hindi n'ya ako tinignan sa mukha o di kaya walang sinabi na umupo ako sa tabi n'ya. Nakatingin lang s'ya sa malayo.
Problema nito?
Umupo ako sa tabi n'ya at bigla s'yang tumayo na ikinagulat ko.
Iniiwasan n'ya ba ako? At sa anong dahilan na'man?
Medyo sumikip ang dibdib ko nang maisip 'yon.
"I'll go upstairs." sabi n'ya pero hindi nakatingin sa'kin, kundi kay Kuya.
Bakit n'ya ako iniiwasan? Galit ba s'ya sa'kin?
Maya maya pa ay naglakad na s'ya palayo nang hindi manlang ako nililingon, hindi manlang ako sinusulyapan kahit saglit.
"Oh, magka-away kayo? Hindi ka kinakausap ah." biglang sabi ni Kuya na may halong pang-aasar pa.
Sinamaan ko s'ya ng tingin at tumayo. Susundan ko nalang s'ya tapos tatanungin kung anong problema.
"Hmm.. hindi pa nga lovers may lover's quarrel na." dagdag pa ni Kuya na may nakakalokong ngiti.
Inapakan ko 'yung paa n'ya dahilan para magsisisigaw s'ya sa sakit.
"Aray! Aiko! Punyeta ba't mo ginawa 'yon?!" singhal n'ya sa'kin sabay himas himas sa paa n'yang inapakan ko.
"Ano?! Mang-aasar ka pa ha?!" sigaw ko na'man pabalik sa kan'ya.
Hindi na s'ya sumagot at tinignan ko 'yung dinaanan ni Dark.
Paakyat na s'ya ng hagdan. Ni wala manlang lingon lingon sa'kin kahit ilang segundo lang.
Naglakad takbo na akong sumunod sa kan'ya.
"D-Dark!" pagtawag ko. Huminto s'ya sagit kaya nag liwanag ang mukha ko pero maya maya pa ay naglakad ulit.
Hindi talaga ako nilingon!
"T-teka Dark!" hinabol ko s'ya at kumapit ako sa braso n'ya nang maabutan ko s'ya.
Tumingin s'ya sa'kin pero walang emosyon 'yung mukha n'ya.
"Why?" tipid n'yang tanong. Namungay ang mga mata ko.
Umiwas s'ya ng tingin.
"I-iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sa kan'ya. Medyo hinihingal pa ako sa pagtakbo.
"Hindi." tipid ulit n'yang sagot at akmang aalis na nang pigilan ko s'ya. Tinignan n'ya ako sa mukha.
"Ayos pa na'man tayo kanina, 'di ba? Bakit bigla ka nalang nagka-gan'yan? May nagawa ba ak-" hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko nang bigla n'ya akong halikan.
Nanlaki ang mga mata ko at naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
H-hinalikan n'ya ako?
Sinimulan n'yang igalaw 'yung mga labi n'ya. Ako na'man ay hindi pa rin alam ang ire-react. Ang nagawa ko nalang ay mapako sa kinatatayuan habang may nanlalaking mga mata.
Inilayo n'ya 'yung bibig n'ya ng konti at pinagdikit ang mga ilong na'min.
"Part your lips so I can taste how sweet it is.." malambing n'yang sabi. Napahugot ako ng hininga.
Nang wala akong ginawa malipas ang ilang segundo ay muli n'yang inilapit 'yung labi n'ya sa labi ko.
Natigilan ako lalo nang bigla n'yang kagatin ng marahan 'yung ibabang labi ko dahilan para umawang 'yon at hinalikan n'ya akong muli.
Maya maya pa ay nagsimula na rin gumalaw 'yung mga labi ko at pinipilit gayahin 'yung ginagawa n'ya.
Hinawakan n'ya ako sa bewang habang hinahalikan.
Tumagal 'yon ng ilang segundo bago n'ya binitawan ang labi ko. Nakahawak pa rin s'ya sa bewang ko at nakatingin s'ya sa mukha ko.
"I'm sorry for over-reacting. I just.. just got jealous.." mahina n'yang sabi na naging dahilan para kumunot ang noo ko.
"Got jealous? Kanino ka na'man nagseselos?" tanong ko sa kan'ya. Umiwas s'ya ng tingin bago nagsalita.
"You and.. Eric are talking earlier.." sagot n'ya. Napangiti ako at napahagikgik.
Tumingin s'ya sa akin at kumunot ang noo.
"What's so funny by what I said?" napakagat ako sa labi ko sa sobrang inosente ng tono ng tanong n'ya.
He's so cute. Gan'to pala s'ya magselos, manghahalik.
Parang gusto ko pa s'ya pagselosin lalo.
Charot! Ang p****k!
"D-don't do that.." sabi n'ya pa at umiwas muli ng tingin. Nagtaka ako.
"Don't do, what?" inosenteng tanong ko sa kan'ya.
"Don't b-bite your lips in front of me.. just don't." nauutal n'yang sagot. Natikom ko ang bibig ko.
"Very good." niyakap n'ya ako at isiniksik n'ya 'yung ulo n'ya sa leeg ko.
"I don't want you to talk and look at guys like how you look at me. I'm getting jealous baby.." napahugot ako sa hininga ko nang marinig 'yon sa kan'ya.
The way he said those words on my neck is just so sexy!
"And please, don't get comfortable to other players except me and your brother. Stay away from Lili, too." dagdag n'ya pa na ipinagtaka ko.
Magsasalita na sana ako nang magsalita s'ya ulit.
"We should not just give our trust easily especially when we're still locked up in this game. Alam kong mahihirapan kang iwasan si Lili, but I think that is what's best." mahina n'yang sabi.
Nalungkot ako ng bahagya at unti unting tumango.
Hindi ako magsisinungaling, napalapit na ng konti ang loob ko kay Lili. She's like an older sister para sa akin.
Pero tama si Dark, wala akong dapat pagkatiwalaan bukod sa kanila ni Kuya.
"I know I said this before but I will say it once more." he whispered in my ear.
Humigpit ang yakap n'ya.
"I will protect you at all cost.. and if that means risking my life just to get you out of here, I will do it." nanikip ang dibdib ko sa sinabi n'ya.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? I'm happy yet sad at the same time by what he just said.
It sounds so sweet but why do I feel worried? Bakit parang iba ang dating sa'kin ng sinabi n'ya?
SOMEONE'S POV
"Aww, so sweet.." I heard him said. Nakatingin kaming dalawa ngayon sa CCTV cam na located sa hagdan sa hotel.
"Don't you dare ruin their moment, Fernando." natawa ako sa sinabi n'ya.
"I will not, Spade. Don't worry. Everything is going well as planned." I smirked while still looking at them hugging.
But at the same time, I'm feeling something deep. Ilang araw ko na 'tong nararamdaman.
"You know I can read minds, right? What is it? Is there something wrong with your chip?" He asked me.
Lumapit s'ya sa akin at walang ano ano ay may pinindot s'ya sa bandang sintido ko dahilan para bumuka 'yung ulo ko.
"Hmm.. some are getting loose. I don't know why tho. But I think everything is still in shape." sabi n'ya.
He's distracted now. Whenever he's distracted by something, he can't read minds. Same as me.
Kailangan ko s'yang libangin pa para hindi n'ya magalaw 'yung system ko.
"Nah, there's no need to do that. I'm perfectly fine, Spade. Thank you for worrying but I'm fine, trust me." pagkukumbinsi ko sa kan'ya.
Tumingin s'ya sa akin sa repleksyon ng salamin at tumango.
"Yeah, I think so." isinara n'ya na 'yung ulo ko at umayos ng tayo.
"So, I'll get going. I need to polish up some machines. Just ask for the home-bots to help you if you felt something strange." I nodded at him.
He clicked something using his watch and disappeared.
Napabuntong hininga ako. I can't let him touch my system.
May rason kung bakit ayaw ko.
Although I'm half robot now and most of the components of my body are made by, steel, wires, and other things that identifies me as a half robot, hindi ko alam pero may bagay akong nararamdaman these past few days.
Especially when I'm looking at that girl named Aiko, one of the current survivors of my game.
Sometimes I can see different images on my head, scenes na mukhang nangyari na noon.
I just don't have a single idea what are those.
Umiling iling ako. I should not think about those stupid things, mas dapat akong mag focus sa pagiging Game Master.
And as I've said ealier, everything is going well as planned.
AYUMI'S POV (YELLOW)
Napatakip ako sa bibig ko nang makita si Aiko at Dark na naghahalikan sa hagdan.
What in the world?!
Buong event ay napansin kong magkakadikit lang silang apat. I have no idea na may namamagitan pala sa kanila!
Napakuyom ako sa dalawa kong kamao habang nakatingin sa kanila.
Some of us are risking our lives for this game, 'yung iba nasaktan pa dahil nakapag labag ng rule, tapos sila may gana pang maghalikan?! Napaka unfair!
"Anong ginagawa mo d'yan? Inggit ka ba? Halikan din kita, gusto mo?" napalingon ako sa gilid ko at nakitang nakasandal si Aki, kapatid ni Aiko.
Tinaasan ko s'ya ng kilay. Anong inggit pinagsasabi nito?
"Inggit? Ako maiinggit sa kanila? Huh, asa ka! Gusto ko lang silang isumbong kasi dito pa talaga sila naglandian!" singhal ko sa kan'ya.
Tinaasan n'ya ako ng kilay at unti unting humakbang papalapit.
"H-hoy bakit ka lumalapit ha?! L-lumayo ka nga!" nauutal kong sabi.
Pero parang hindi s'ya natinag sa sinabi ko at patuloy pa rin s'yang naglakad palapit.
"A-ano bang problema m-" napatigil ako sa pagsalita nang may maramdamang malamig sa likod ko.
Pagtingin ko ay nakasandal na pala ako sa pader habang si Aki ay na-corner na pala ako.
"Umalis k-ka nga!" sigaw ko sa kan'ya. Pero nakatingin lang s'ya ng seryoso sa mga mata ko habang nakalagay ang magkabilang kamay sa magkabilang gilid ko.
Unti unti n'yang nilapit ang mukha n'ya sa akin at iniwas ko na'man 'yung ulo ko.
Anong binabalak n'yang gawin?! Hahalikan n'ya ba ako?! Mommy!
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko 'yung hininga n'ya sa leeg ko.
"Pipikit pikit ka pa d'yan. Hindi kita hahalikan. Excuse me, girl. Hindi kita type. Wag kang feeling." napadilat ako nang marinig 'yun sa kan'ya.
Pagdilat ko, nakalayo na pala s'ya sa akin.
Nag init ang buong mukha ko sa sobrang pagka-pahiya.
"Bakit mo ginawa 'yon?! At tyaka hello? Hindi rin kita type! Asa ka pang lalaki ka!" sigaw ko sa kan'ya.
Nag iinit ang buong mukha ko sa sobrang inis.
Ang kapal ng mukha nito! Ang sarap ilublob sa kumukulong mantika! Masyadong mahangin!
"Sus. Hindi type eh bakit nung lumapit ako, hindi mo ako tinulak? Ang sabihin mo gusto mo rin." mas lalo akong nainis dahil sa sinabi n'ya.
Tumalikod s'ya sa akin at nagsalita. Magsasalita na sana akong muli nang unahan n'ya ako.
"Kung may binabalak kang masama sa kapatid ko, wag mo nang ituloy." sabi n'ya at naglakad palayo.
Sumeryoso ako at umayos ng tayo. Mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para mas bantayan ang mga kinikilos nila dahil sa mga iniwan n'yang salita.