Chapter 27

1752 Words
AIKO'S POV Pagkalabas ko ng kwarto ay sinulyapan ko ang pintuan ng kwarto ni Lili. Bumaba na ba s'ya? Siguro bumaba na. Nagpasya akong bumaba nalang sa pool, hindi na'man kasi pwedeng hintayin ko sa harapan ng pintuan si Lili. Ewan, 'yun lang feel ko. Na bawal. Antayin ko nalang s'ya sa baba in case na nandoon pa s'ya sa room n'ya. Hindi ko mapigilan 'yung excitement ko habang pababa ako ng hagdan. Finally! Makakapag-relax din after all what happened in the past few days na tumira kami rito. Habang pababa, may narinig akong nag u-usap sa may dulo ng hagdan. "Kung may balak ka man na gawun ngayong araw, itigil mo na Carla. Itigil mo na 'yang kahibangan mo." rinig kong sabi ng isang lalaki. Carla? Wag mo sabihing si Eric 'to? "Wala kang pakialam kung ano man ang gusto kong gawin, Eric. You don't own me, wala kang karapatang pag bawalan ako sa gusto ko." matigas na sabi ng kausap n'ya. Sa boses palang halata ko na, si Carla at Eric nga 'yung mag kausap. Hindi muna ako tumuloy sa pag baba dahil na-intriga talaga ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. Tyaka mamaya ako pa mapag-initan pag nakita nila or nalaman na napakinggan ko 'yung pinag u-usapan nila. Baka masaksak nalang ako bigla, grr. "That is not the reason why I'm saying this to you! Binabalaan kita dahil may totoong impostor na baka kikilos ngayon! You don't have any positions to continue what you're doing just like what you did to Paulo!" may bakas ng inis sa boses ni Eric nang sabihin n'ya 'yon kay Carla. I heard a chuckle at nasundan 'yon ng medyo may kalakasang tawa. "And you actually think na titigil ako sa ginagawa ko just because of you and your warnings? HAHAHA shut up." sagot na'man ni Carla kay Eric. Maya maya pa ay wala na akong ibang marinig na boses. Wag mo sabihing umalis na sila? Humakbang ako pababa para makita kung wala na sila at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. They're kissing! Carla and Eric are kissing! "Hm- Eric! Ano ba?!" singhal ni Carla kay Eric nang bitawan s'ya nito. Naningkit ang mga mata ko. If I would assume, sa tingin ko si Eric ang biglang humalik kay Carla. Pero bakit ganon nalang ang epekto noon kay Carla? Nahahalata ko sa mukha n'ya na she's surprised yet amused at the same time. Si Eric na'man ay taas baba ang dibdib sa hingal. "B-bakit mo ginawa 'yon?! Ha? Did I allow you to kiss me?!" sigaw ni Carla kay Eric. Pero si Eric ay mukhang hindi natinag. "Wala akong sinabing binigyan mo ajo ng permiso para halikan ka. I'll kiss who I want to kiss." napa 'o' shape ang bibig ko dahil sa sinabing 'yon ni Eric. Kita ko kung paano nalukot ang mukha ni Carla nang marinig n'ya 'yon. Pero si Eric parang wala lang sa kan'ya 'yung ginawa n'ya, he's not bothered. "Pero ito ang tatandaan mo, whatever it is that you're planning, I will stop you.." huling sabi ni Eric bago nagsimulang maglakad palayo. Naiwan si Carla doon na nakatayo at maya maya pa ay napahawak sa labi n'ya bago naglakad din palayo. Okay, what scene is that? "You know eavesdropping to other people's conversation is kinda creepy, unless you are a stalker. Are you?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang isang bulto ng lalaki sa itaas na parte ng hagdan. He's wearinng a black suit. And he's also wearing a mask just like the others. Pero ang dating n'ya kumpara sa iba ay ibang iba. He's like, very intimidating. And why do I have this feeling? The feeling of danger. At teka, sino ba 'tong lalaking 'to? Is he the Game Master? "I am not the Game Master if that's what you're thinking. I'm much more higher than him." dinig ko pang sabi n'ya na bahagya kong ikinagulat. What is he? Masyado s'yang weird and sobrang misteryoso. He even guessed what I was actually thinking! "It's written all over your face that you're suspecting me as the Game Master. I'm an observant, you know." dagdag n'ya pa. Okay, this guy is kinda creeping me out. "S-sino ka ba?" nauutal na tanong ko sa kan'ya. He's holding a glass of liquor na kung hindi ako nagka-kamali ay champagne at palakad lakad s'ya ng dahan dahan sa pwesto n'ya. Imagine what I'm actually describing? Basta 'yun na 'yon. "Hmm.. let's say I'm the Boss and not at the same time." sagot n'ya na ikinakunot ng noo ko. Wait, what? Baliw ba 'to oh ano? He chuckled kaya napatingin ako sa kan'ya. Naririnig n'ya ba talaga kung anong iniisip ko? Parang gaya lang sa Game Master, naririnig n'ya somehow 'yung mga iniisip na'min when we're near him. Or even just by his hologram. "Not the boss but the boss at the same time? Ano 'yun?" tanong ko sa kan'ya. He stopped walking fourth and back and stared at me. Ewan ko ba pero kahit na may suot s'ya na mask, ramdam ko 'yung titig n'ya. Parang 'yung Game Master lang, ramdam 'yung titig. Tagos. "Yes, and that is the only information I can give you about me. Well, then, It's nice to have a little talk to such a beautiful girl like you. See you around.." pagpapaalam n'ya sa akin. Luh, may pa-beautiful girl pang nalalaman. Lakas mambola. Naglakad s'ya sa 2nd floor at nang sinundan ko s'ya para malaman kung saan s'ya pupunta, ay nagtaka ako nang walang makitang bakas n'ya doon. Nandito lang 'yun ah, tapos biglang nawala nalang? Imposible na'man na isa dito sa mga kwarto ang pinasukan nung lalaking 'yon, assigned 'yung mga kwartong 'yon para sa amin. Napakamot ako sa ulo ko at tumuloy nalang sa paglakad pababa. Kanina pa sana ako nakababa kung hindi ko lang naabutan 'yung eksena nila Eric at Carla. Tapos dagdagan pa nung misteryosong masked man na 'yon na bigla nalang nawala na parang bula. Dagdag sakit ng ulo. ** Dumiretso ako sa Bar Area pagbaba na pagbaba ko. Nauuhaw ako sa dami ng mga nakasalubong papunta dito. Hindi pa man ako nagsasalita ay inabutan na ako ng nagbabantay doon. Baccardi? Hmm.. Pwede na, Maliit na baso lang na'man. Ininom ko na agad 'yon at napansin ang ilan sa mga players including Kuya, Dark and Lili na nandoon na sa pool side. Si Dark ay nakatitig lang sa'kin. Napalunok ako nang makita na wala s'yang suot na pang itaas. Kitang kita 'yung.. 'yung.. pengeng kanin. Umiwas ako ng tingin nang mapansing nakita n'ya akong halos mag laway sa katawan n'ya. Nakakahiya ka, Aiko! Natigil ako pag pa-pantasya nang marinig ang tunog ng speaker. "Good day my dear players! Are you having fun on your prize? That's good! Just to inform you, you'll be staying there for 3 days. Hindi kayo pwedeng pumasok sa mansyon ko hangga't hindi natatapos ang tatlong araw n'yo d'yan." paunang sabi n'ya. Nakaramdam ako ng kakaiba. Something's off.. or I'm just imagining things? "So.. for 3 days there will be no voting. Pero, nasa impostor pa din ang desisyon kung may gagawin s'ya sa inyo o wala. That sounds fun, am I right?" tanong nito na may halong hindi magandang tono. Sabi na nga ba eh, hindi s'ya santo para bigyan kami ng 3-days break ng walang kakaiba na mangyayari. "Goodluck to each of you! Sana lang pag na-kumpleto n'yo ang tatlong araw, kumpleto rin kayo na babalik sa mansyon ko. HAHAHAHA." huling sabi nito na may halong pagba-banta bago mawala ang boses sa speaker. Napalingon ako sa direksyon nila Dark at Kuya. Tumango silang dalawa sa akin. Meaning, alalahanin ko kung ano ang lagi nilang sinasabi. I should not let my guard down in any situations. Lumingon lingon ako sa paligid at nagtaka nang walang bakas ni Lili ang nandoon. Hindi pa ba s'ya nakakababa? Kanina pa s'ya doon ah. Sabagay, siguro pagod 'yon at naakit ng kama kaya natulog nalang. Napasimangot ako. Ano na'man gagawin ko ngayon wala si Lili? "Alam kong narinig mo 'yung pag u-usap na'min ni Carla kanina sa hagdan." napalingon ako sa likod ko nang may marinig na mag salita. "Eric.. ikaw pala." medyo may pag-aalinlangan kong sabi. Ang awkward, lalo na napakinggan ko 'yung pag u-usap nilang dalawa kanina ni Carla. "May nakaupo na ba dito?" tanong n'ya sa'kin. Umiling ako at naupo s'ya sa tabi ko. "Uh.. sorry kanina. Hindi ko na'man sadya na marinig 'yung pinagu-usapan n'yo. Nagkataon lang na pababa rin ako no'n.." pag amin ko sa kan'ya. Yun na'man 'yung totoo, 'di lang ako makatuloy sa pag baba kasi nandoon sila. "Yeah, alam ko na'man.." tumigil s'ya sa pagsasalita. Nag antay lang ako na magsalita s'ya ulit. Pero ilang minuto na nakalipas, hindi pa rin s'ya nagsasalita kaya nagpasya akong tanungin nalang s'ya ng isang tanong na gusto kong masagot n'ya. Curious lang ako, hindi ako tsismosa. "Uhm.. may gusto sana akong itanong sa'yo tungkol sa inyo ni Carla." lumingon s'ya sa akin. Hindi na'man s'ya nagsalita kaya sa tingin ko ayos lang. "I just want to know kung.. you know.. may namamagitan ba sa inyong dalawa? I saw you.. kissed her earlier." mahina kong tanong sa kan'ya. Inilipat n'ya 'yung tingin n'ya sa pool. "Walang namamagitan sa'min, 'yun ang totoo. Pero ako, I'm getting attached to her." mahina n'yang sabi. "Kaya gusto ko s'yang tulungan. Pigilan s'ya sa mga balak n'yang gawin and I'll protect her.. hanggang sa makalabas na kaming dalawa rito sa impyernong 'to." dagdag n'ya at yumuko. Napatingin din ako sa pool at napaisip. Parang kaming dalawa lang ni Dark, parehas lang ng sitwasyon. Ang pinagkaiba lang, I also feel what Dark is feeling towards me. "Pwede mo ba akong tulungan?" tanong n'ya matapos ang ilang minuto. Napalingon ako sa kan'ya. Nakatingin pa rin s'ya sa pool. "Kung kaya ko na'man, why not?" ngumiti ako sa kan'ya nang lumingon s'ya. Nginitian n'ya rin ako pabalik. Sumeryoso ang mukha n'ya bago nagsalita. "Help me stop her." sumeryoso rin ang ekspresyon ng mukha ko at unti unti akong tumango. "Sige, tutulungan kita." ngumiti s'ya akin. "Salamat. So, salamat din sa maikling pag uusap. See you around." pagpapaalam n'ya bago tumayo at naglakad palayo. Sinundan ko s'ya ng tingin at nadaanan ng tingin ko si Carla na masamang nakatingin sa'kin. What is wrong with her? Wag mo sabihin na iba ang iniisip n'ya? Jusko na'man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD