AIKO'S POV
"Wow.." mahinang bulong ko sa sarili nang makita ang loob ng akala ko ay garden lamang.
Ang ganda rito! Ito ba magiging break na'min? Grabe ang Game Master! Napaka-maalagang kriminal!
Ipaparanas sa'yo kung paano mamuhay ng marangya bago ka patayin. Naks na'man.
Sarcasm 'yon, lol.
Pero walang halong biro, ang ganda talaga rito. A-akalain mong nasa isang resort ka pero located lang 'to sa labas ng isang mansyon!
"Ang ganda na'man rito! Susulitin ko talaga 'to! Walang makakapigil sa'kin!" masiyang sigaw ko na may halong palakpak pa. Tawa na'man ng tawa si Lili sa naging reaksyon ko.
"Tama ka nga, ang ganda rito. Siguro i-enjoy nalang natin 'tong kind-of vacation na 'to." sabi n'ya na'man na ikinangiti ko.
"Oo! I-enjoy nalang natin!" pag sang-ayon ko na'man sa kan'ya.
Nilibot ko ang tingin ko sa lugar. Gaya ng sa labas ay napapaligiran 'yon ng mga nagtataasang d**o at puno. A-akalain mo talagang malaking garden 'to pero hindi.
Yung nagsisilbing roof nito ay glass-like roof na madalas lang nakikita sa mga garden sanctuary, kung hindi ako nagkakamali.
Marami rin na iba't ibang klaseng bulaklak doon na nakakalat sa buong lugar.
Kung 'yung mga kagamitan na'man ang pag u-usapan, mga sosyalin din.
May Jacuzzi, Pool, Rest Rooms for girls and boys, Shower Area, may parang bridge na pwedeng daanan papunta sa kabilang side ng pool, may mga hinihigaan na 'yung parang sa mga beach side, Bar Area na may maraming alcohol and other beverages at iba't ibang rooms na parang hotel-like ang datingan.
Grabe! Napaka-ganda!
Natigilan ako nang may maaalala. Oo nga pala, paano nga pala kami mag e-enjoy dito sa pool at jacuzzi kung wala kaming damit pamalit?
Nilingon ko si Lili habang nakanguso. Kumunot na'man ang noo n'ya sa'kin nang makita 'yon.
"Oh? What happened to you? Seconds ago lang ang saya saya mo, ngayon para kanang nalugi." biro n'ya sa akin nang makita ang ekspresyon ng mukha ko.
Galing, nag biro pa. Samantalang ako nabubugnot na dahil sa naisip ko.
"Paano ba na'man kasi, ngayon ko lang naalala wala pala tayong dalang extrang damit pamalit. Paano tayo mag e-enjoy sa pool nito?" frustrated na tanong ko sa kan'ya. Napasabunot pa ako ng konti sa laylayan ng buhok ko.
Nakakainis!
"Hmm.. I think nandoon na mismo sa loob ng hotel-like rooms 'yung mga ka-kailanganin nating damit." sabi ni Lili na ikinalingon ko.
"I don't know kung ganoon nga, I just remembered what the Game Master said earlier na lahat daw ng ka-kailanganin natin ay nandito na sa loob." dagdag n'ya pa nang mapansin ang nagtatanong kong tingin.
Nag liwanag ang mukha ko sa narinig ko sa kan'ya.
Oo nga! Nasabi 'yon ng Game Master kanina!
"Ahhhh! Hulog ka ng langit sa pagpa-paalala mo sa'kin!" niyakap ko si Lili sa sobrang tuwa. Natawa na'man s'ya sa akin.
"Tara! Check natin 'yung mga rooms." pag a-aya ko sa kan'ya. Nag-patianod na'man s'ya sa bahagyang paghila ko sa kan'ya.
Alam kong nandidito rin 'yung tatlong players which are Ayumi, Carla and Eric pero hindi ko na sila napansin sa sobrang excitement na nararamdaman ko.
May nag abot samin ng drinks galing sa Bar Area. Siguro mga hired entertainers ng Game Master. Naka-bunny suit pa sila.
Ang pinagkaiba lang, nakasuot sila ng maskara na gaya ng suot ng game master.
Pero ang sa kanila ay parang umiilaw. Yung parang LED light? Ganun. Ay, basta.
Ang cute lang tignan pero at the same tine ang creepy, err.
Naglakad kaming dalawa ni Lili papunta sa parang Hotel rooms. 2 decks 'yon, 4 rooms sa ibaba, 4 rooms din na'man sa itaas.
Wag mo sabihing tig-iisa talaga kaming kwarto? Pati ba na'man dito? Umay sis.
"Looks like we have separate rooms." dinig kong sabi ni Lili nang mapansin din ang bilang ng mga kwarto.
"Sa tingin ko nga. Tapos siguro 'yung isang kwarto d'yan, storage room. Hay.." napataray ako sa hangin matapos sabihin 'yon.
Napaka-higpit pa rin ng bilyonaryong gurang na 'yon.
" *chuckles Hayaan mo na, mas okay na rin siguro 'yan. Remember? May impostor." naging seryoso ang mukha ko nang marinig 'yun sa kan'ya.
Oo nga pala, may impostor kaming kasama rito. Tama na'man, hindi pwedeng may magkasama sa iisang kwarto. For privacy matters and safety purposes.
Parang sa mansyon lang din, hiwa-hiwalay ng kwarto.
"You wanna check you room? Mukhang doon natin malalaman room number natin." nginuso sa akin ni Lili ang isang staff personel ata ng Game Master na nakaupo malapit sa mga kwarto.
Tumango ako sa kan'ya at sabay kaming naglakad papunta roon.
"Uh.. we just wanna know our room numbers." medyo may pag a-alangang tanong ni Lili nang makalapit kami doon.
Nakaupo s'ya sa isang booth. Nakasuot din ng maskara 'yon. Hindi na'man s'ya naka-bunny suit gaya noong nakabantay sa Bar Area.
Ito mukhang lalaki, parang pang waiter sa restaurant 'yung suot n'ya.
Hindi nagsalita ang lalaki, as usual. Gaya lang ng ibang mga staff dito or personnel ng mansyon ng Game Master, hindi sila nakikipag-communicate sa mga players.
Siguro may rule silang ganoon. To remain anonymous just like their master.
Binigay n'ya lang sa amin ang isang parang card, tig isa kami na may number ng room kung saan kami mananatili.
Inabot ko 'yon at nakita ang number ng room ko.
"Room number 2 ako, sa taas na part. Ikaw?" tanong ko sa kan'ya sabay dungaw sa hawak n'yang card.
"Room number 4 na'man ako." sabi n'ya sabay tingin sa akin. Tumango tango ako.
Buti na'man, sa iisang floor lang kami. Nginitian ko s'ya.
"Tara na puntahan na natin 'yung kwartong 'yun." sabi ko sa kan'ya na tinanguan n'ya na'man.
Parehas kaming tumingin sa lalaking nag bigay ng number. Hindi talaga s'ya nag sa-salita.
Minuwestra n'ya ng kanyang likuran kung saan makikita ang daan papasok sa hotel.
Naglakad na kaming dalawa ni Lili papasok pero pinakiramdaman pa rin naming dalawa 'yung lalaki.
Ang creepy n'ya kasi. After n'ya imuwestra sa'min 'yung daan, he just stood up there like a statue. Pero ang pinagkaiba lang, 'yung ulo n'ya gumagalaw at nakasunod ng tingin sa amin.
Sabihin n'yong hindi creepy 'yon?
**
"Pasok na ako ha? Titignan ko kung may mga damit dito tapos mag pa-palit na ako." sabi ko kay Lili nang nasa harapan na ako ng kwarto ko.
Tumango na'man s'ya sa akin at ngumiti.
Nakaharap kaming dalawa sa pintuan at bahagya akong nagulat nang bigla nalang bumukas 'yon.
Ano 'to automatic?
Nilingon ko si Lili na mukhang nagulat din sa nakita. Sabay kaming natawa bago tuluyang naglakad papasok.
Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga kagamitan sa loob noon.
Ang sosyal talaga! Kung tutuusin sa sobrang high-tech ng mga gamit sa mansyon tapos dito ay a-akalain mong nasa future ka na.
How can I say na high-tech 'tong kwartong 'to? Bukod sa bigla nalang bumukas 'yung pintuan kanina, pagtapak ko palang papasok sa loob ay may biglang parang laser na nag scan sa buong katawan ko.
"Access granted. Welcome, Ma'am Aiko. Enjoy your stay." dinig kong sabi ng kung anong voice command nang tuluyang ma-scan ang katawan ko.
"Woah.." hindi ko napigilang sabihin sa sobrang pagka-mangha.
As in, woah talaga. May mga gamit pang akala mo nakalutang.
Naglakad na ako sa loob ng kwarto ko para tignan kung anong klaseng mga damit ang nasa closet. Kusa namang nagsara ang pintuan, high tech talaga.
Pagkabukas ko ng isang silid sa loob ng kwarto ko ay nakita kong may kaliitang walk-in-closet 'yon kaysa sa kwarto ko sa mansyon pero maganda at maayos ang pagkakalagay ng mga gamit.
Mula foot wear, tops, swim wear, sports wear, utilities, etc. Kumpleto s'ya.
Dumiretso agad ako sa swim wear at naghanap ng swim suit.
Napili ko ay isang two piece black swim suit na may lace. Kumuha rin ako ng sandals.
Nagdagdag din ako ng ilang mga summer tops, pamalit para nakahanda na.
Sinukat ko 'yung swim suit na napili ko at tinignan ang sarili kong repleksyon sa salamin.
Bagay na'man sa'kin.
Pumasok ako sa bathroom. Siguro mag s-shower nalang muna ako bago ako maligo roon.
Nag simula na akong maligo at hinayaang balutan ng malamig na tubig ang aking katawan.
**
Matapos maligo ay kumuha ako ng see-through dress na nakita ko rin sa swim wear section ng closet ko.
Kinuha ko 'yung two piece at sinuot muli. Pinatong ko na'man doon 'yung see through dress at tinignan muli ang sarili sa salamin.
Ayos na'man, tama lang.
Nag handa na akong lumabas ng kwarto. Magbababad ako kaagad sa jacuzzi hihi.
LILI'S POV (PINK)
Actually, hindi na ako nagulat pa noong kusang bumukas 'yung pintuan ng kwarto ko. I just acted like that para hindi mag hinala sa'kin si Aiko.
I already saw these kinds of high-tech equipments when I met the Game Master as the Impostor of this game, hindi na bago sa akin 'to.
And besides, the Security Room is actually like this so I'm not shocked to see another one anymore.
Pagpasok palang ay nahiga na ako agad sa kama. I sighed.
Alam kong naghi-hinala na sa akin si Aki pati si Dark. I can senses that, hindi na'man ako manhid para hindi maramdaman 'yon.
Their stares and glances, only tells one thing.
Naghi-hinala na sila sa mga actions ko.
Napabuntong hininga ako sa sobrang frustration. What should I do now?
Alam kong darating at darating 'yung panahong mabubunyag na nilang ako nga ang impostor. I should be ready when that day comes, right?
Hindi na dapat ako nag a-alala ng gan'to kung tutuusin. Pero bakit?
Tama nga ang sinabi ng Game master sa'min. The one and only rule, never get attached.
I can't stop myself from feeling like this lalo na't kada naiisip ko na pag nakilala nila ako ay hindi ko na mababantayan 'yung kambal.
And who knows who the next impostor will be?
Siguro susulitin ko nalang 'tong mga araw na 'to.
Besides, hindi na'man nila masasabi na ako ang impostor dahil walang voting na mangyayari.
Umayos ako ng higa.
That's right. They don't have a single chance to reveal my identity as the impostor unless they'll get to vote.
Ang kailangan ko lang gawin sa mga ilang araw na meron ako, is to eliminate the 3 players which are Carla, Ayumi, and Eric.
Alam kong safe sila kay Dark.
I smiled, let the fun begin.