AIKO'S POV
Nakasunod lang akong naglalakad sa kanila. May isang bagay lang na bumabagabag sa akin simula kanina pa.
Naaalala n'yo 'yung sinabi ni Dark na may nakita s'yang nakamasid sa'min? Tapos naramdaman ko rin 'yun sa hallway na dinaanan na'min kanina.
Tapos kani kanina lang paglabas ng kusina, naramdaman ko nanaman 'yung uncomfortable feeling na 'yon.
Na parang may nakatingin sa'min.
Ano ba 'yun? T'yaka sino ba nagmamasid sa'min? Anong kailangan n'ya?
I shook my head. Hay! Nai-istress ako kakaisip. Alam ko na'mang isa lang 'yon sa mga kasamahan na'min dito sa mansyon.
But what is his/her intention? May pina-plano ba s'ya sa amin?
**
At the field
"Greetings my lovely, beautiful, handsome folks!" pag bungad sa amin ng Game Master pagdating sa field.
May malaking screen doon na parang TV at doon nakalagay ang imahe ng Game Master na as usual, naka maskara ulit.
Napaka misteryoso talaga nito.
"Again, congratulations for surviving the event for today! I am so pleased to know that many of you have come this far!" dagdag n'ya pa na animo'y nasisiyahan talaga s'yang malaman na marami kaming natira.
Tss, as if. Siguro kaya masaya 'yan kasi alam n'yang may chance pa na mamatay kami sa pinaka brutal na paraan.
'Yun lang na'man gusto n'ya, ang mapahirapan kaming lahat.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong field at nakita ang ibang mga players.
Si Ayumi, Carla, Eric at ang mga kasama ko na sina Dark, Kuya at Lili.
7 players left.
Tinignan ko si Eric at napansin na may mga nakabalot na bandages sa parte ng katawan n'ya.
Buti hindi s'ya namatay, magagaling talaga mag gamot ang mga tauhan ng Game Master dito sa mansyon n'ya.
Eric is critical that time, and he still managed to survived despita of all the stabs he got.
Tinignan ko na'man si Carla na ngayon ay nakatingin lang diretso sa screen kung nasaan ang Game Master.
I still can't believe that she's capable of killing someone. Akala ko kahit na mataray s'ya, hindi s'ya ganoon.
Nalipat na'man ang tingin ko kay Ayumi at bahagya akong natigilan nang makitang nakatingin na pala s'ya sa akin.
What is wrong with her? I mean really, what the f**k is wrong with her?
Nang mapansing nakatingin ako sa kan'ya ay umiwas s'ya bigla ng tingin.
Binalik ko nalang din ang atensyon ko sa Game Master.
"As I promised, you'll receive a reward for your braveness! Look at your left side." sabi nito. Napatingin na'man kaming lahat at nangunot ang noo ko.
Puro d**o at puno lang na'man ang nakita ko.
"Outside, it looks like a gardern right? But inside, it's more than that! Nakahanda na ang mga gagamitin n'yo sa loob n'yan. Kumpleto ang mga 'yon mapa-pagkain man o kasuotan. And! I'll show you all your current dashboards." nawala ang Game Master sa screen at pumalit ang dashboard kung saan nakalagay ang pangalan na'ming lahat.
Kahit ang mga player na namatay na. But this time, may pangalan 'yon.
Aiko - 5m
Aki - 5m
Dark - 5m
Lili - 5m
Ayumi - 5m
Carla - 5m
Eric - 5m
Paulo - 2m
Andrew - 2m
Riley - 2m
Nakunot ang noo ko sa pagtataka, I don't get it.
"Mukhang nalilito ang iba sa inyo sa distribution ng rewards. Okay, let me explain it to you." sabi nito.
Itinuon ko ang buong atensyon ko sa sasabihin ng Game Master.
"The first voting all of you received 1m peso each for surviving the first round. So, 2m for each of you that time. The impostor somehow received a higher additional for succesfully eliminating one of you. At sa mga namatay na'man ay binigyan ko sila ng tig 2m, and I already sent their winnings to their families." pag papaliwanag n'ya.
I felt happy and sad at the same time sa mga namatay.
Kahit namatay man sila, may nakuha pa rin sila para sa pamilya nila. Ang nakakalungkot at nakakagalit lang doon ay, wala ng katawan ang darating sa mga pamilya nila.
Nakain na.
"The reward for this event is 3m, so all of you now have 5m each on your dashboard. Ang alam kong ikinalilito n'yo ay ang earnings ng impostor. Yes, ang nasa dashboard ngayon ay mga pangalan n'yo na. Ang isa d'yan, which is ang impostor ay may 8m in total na. But since I cannot reveal the impostor's identity, nilagay ko nalang ang earnings n'ya same as yours. Get that?" pag pa-patuloy n'ya.
Tumango tango ako. Naintindihan ko na'man mga sinabi n'ya, buti maayos pagkaka-explain.
"So now, what are you waiting for? Enjoy yourselves!" masiyang sabi nito sa amin. Kahit papaano nag liwanag ang mukha ko.
Pero panandalian lang pala 'yon dahil nawala ang ngiti ko nang marinig ang sumunod na sinabi ng Game Master.
"But.. you still have to be observant of your surroundings. Kahit na may reward akong gan'yan at break 'yon, hindi ibig sabihin noon ay hindi na maaaring pumatay ang impostor. The impostor will still be the one to decide if he/she will kill one of you." seryosong sabi nito.
Napahugot ako ng malalim na hininga at frustrated na ibinuga 'yon.
Akala ko na'man masaya talaga ang mangyayari. Hindi rin pala, may p*****n pa rin na magaganap.
Nawala na ang imahe ng Game Master sa malaking screen. Napasimangot ako.
Akala ko pa na'man makikita na'min 'yung totoong Game Master sa araw na 'to. Paasa lang pala 'yung sinabi n'yang 'see you there' lol.
Naglakad na ang iba papunta doon at naiwan kaming apat sa field.
"So, let's go? Let's enjoy this kind of vacation!" may tuwang sabi ni Lili sa amin. Nginitian ko s'ya.
"Still, kahit na ganito may break tayo, narinig n'yo na'man ang sinabi ng Game Master. Hindi natin alam kung sino talaga ang impostor kaya dapat maingat tayo." sabi na'man ni Kuya. Nawala ang ngiti ko at napayuko na'man si Lili.
"Yeah. Aki's right, we should not let our guards down in any situation. We can't risk this one." pag sang ayon ni Dark sa sinabi ni Kuya.
"Hay! Ang nega n'yo! Tara na nga Lili, tignan natin kung anong mayroon doon!" pag a-aya ko kay Lili at hinila ang kanang pulsuhan n'ya.
"W-wait Aik-" hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya dahil hinila ko na s'ya ng tuluyan.
Naiwan si Kuya at Dark doon sa field. Bahala silang dalawa, basta ie-enjoy ko 'tong araw na 'to.
Kahit na may panganib pa rin dahil maaaring kumilos pa rin ang impostor, at least hindi buong araw na puro pangamba lang ang iisipin na'min.
Tyaka siguro na'man mahihirapan s'yang gawin 'yung kung ano man babalakin n'ya, hindi ba?
**
AKI'S POV (BLUE)
Sinundan lang na'min ng tingin si Aiko at Lili papasok sa parang garden na 'yon na ewan, baka may resort sa loob.
"What do you think of her?" napalingon ako kay Dark nang magsalita s'ya.
"What do you mean?" takang tanong ko. Tinignan n'ya ako.
"What do you think of Lili? I know you feel off about her." sagot ko. Binalik ko ang tingin sa dinaanan ni Aiko at Lili.
Sa tingin ko na'man ayos lang sabihin ko kay Dark ang mga iniisip ko. Mukha namang hindi s'ya impostor.
Kung hindi, baka ako pa mismo pumatay sa kan'ya.
"Oo. Ewan ko ba, pero iba ang pakiramdam ko sa babae na 'yon. She looks like an angel outside but she's pretty mysterious. Iba rin sa mga actions n'ya talagang suspicious." saad ko sa kan'ya.
Binalik ko ang tingin ko sa kan'ya at nakita ko s'yang tumango tango habang nakatingin sa dinaanan ng dalawang babae kanina.
"Yeah, we shouldn't take our eyes off her. Malapit pa si Aiko sa kan'ya."
Tumango ako.
Kung sino ka man, hindi ako makakapayag na may gawin kang masama sa kapatid ko.
**
LILI'S POV (PINK)
I can't help but to smile habang nakatingin sa kamay ni Aiko na nakakapit sa pulsuhan ko.
Hindi pa n'ya alam ang totoo, pero ayos na sa'kin 'yun. Basta nakakasama ko s'ya ng ganito. Masaya na ako.
Nawala ang ngiti ko nang may maalala.
flashback
Palabas na kami ng mansyon at papunta sa field nang makaramdam ako ng kakaiba.
There goes this feeling again na parang may nakatingin sa'min. Just like earlier.
Pasimple kong nilibot ang paningin ko at nangunot ang noo ko nang mapansin si Ayumi na nakatingin sa direksyon ko.
She's not looking at me.
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan n'ya at nakitang si Aiko ang tinititigan n'ya.
Why is she looking at her?
Hindi ko pinansin 'yon at kunwaring hindi ko s'ya nakita. Baka coincidence lang.
**
Maya maya naramdaman ko nanaman na may nakatingin. Nakita ko ulit si Ayumi na nakatitig kay Aiko.
Is this just a coincidence or not?
S'ya rin ba 'yung taong naramdaman ko kanina sa hallway na nagmamasid sa'min?
Iisang tao lang ba? But why is Ayumi doing that?
end of flashback
Pagpasok na'min doon ay bumungad agad sa amin ang isang may kalakihang pool.
Pero hindi 'yon ang nakaagaw ng atensyon ko kundi ang paningin ni Ayumi na sa amin nanaman nakatuon.
Hindi, hindi sa amin. Kay Aiko.
What is her intentions? May binabalak ba s'yang masama kay Aiko?
Hindi pwedeng nagkatuon lang 'to. Masyado na s'yang halata.
Kung mapatunayan kong may binabalak s'yang masama kay Aiko, that only means one thing.
I have to dispose her.